You are on page 1of 10

Dahilan at Epekto ng suliranin sa

pagsasaka

BY:CARL ANDREI B. DE VERA


1.Pagliit ng lupang pansakahan
Ayon sa Philippines Statistics Authority
(PSA) may 48 porsiyentong bilang ng mga
lupang sakahan ang nawawala sa loob ng
32 taon dulot ng patuloy na pag-usbong ng
mga real-state developers na nagtatayo ng
pabahay sa bansa.Karamihan sa farm
owners ay napipilitang ibenta sa mga
developers ang kanilang sinasakang lupain
dahil sa hirap ng buhay.
2.Kakulangan sa makabagong kagamitan at
teknolohiya
Ang mataas na bilang ng produksiyon ay
nakabatay sa kagamitan na makakatulong
upang mas mapabilis ang paglikha
nito.Karamihan sa mga magsasaka ay
patuloy na gumagamit ng mga lumang
kagamitan gaya ng araro at kalabaw na
nagiging dahilan ng mabagal na
produksiyon.Ang paggamit ng di
matatabang binhi at kakulangan ng
edukasyon ay nagdudulot rin ng
komplikadong pamamaraan lalo pa at bago
ito sa kanilang nakasanayan
3.Kakulangan ng pasilidad at
imprakstruktura. Maraming produktong
agrikultural ang hindi napakikinabangan
dahil nasisira, nabubulok, at nalalanta gaya
ng gulay at prutas dahil sa kawalan ng pag-
iimbakan o storage. Hirap din ang mga
magsasaka na dalhin ang kanilang produkto
sa pamilihan dahil sa kakulangan ng mga
kalsada dulot ng mahirap at mabagal na
transportasyon.c
4. Kakulangan ng suporta mula sa iba
pang sektor.
Ayon sa Batas Republika 8435, ang
pagtutulungan ng iba't ibang
ahensiya ng pamahalaan ay
binigyang-diin bilang suporta sa
implementasyon ng modernisasyon sa
agrikultura. Ang pagtutulungan
sa loob at labas ng sektor ay magtutulak
upang higit na mapatatag ang agrikultura
5. Pagbibigay-prayoridad sa sektor ng industriya.
Ang kawalan at pagbibigay tuon sa industriya
ang nagpahina sa agrikultura. Mas binibigyan
ng pamahalaan ng maraming
proteksiyon at pangangalaga ang
industriya. Dahil dito, nawawalan ng
mga manggagawa
at mamumuhunan sa sektor ng agrikultura at mas
pinipili nila na pumunta sa industriya dahil sa
Insentibo rito na nagbunga sa pagbaba ng
produksiyon at kita sa agrikultura.
6. Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal.
Ang pagkakaroon ng pandaigdigang kompetisyon
ng mga produkto ay nagbubunsod ng paghina ng
bentahe ng lokal na produkto lalo na kung ang mga
dayuhang-kalakal ay mabibili sa mas murang halaga.
Nahihirapan ang mga magsasaka na makipagsabayan
sa presyo ng mga murang produkto mula sa ibang bansa.
Kaya naman, maraming magsasaka ang naaapektuhan,
huminto, at sa kalaunan ay ipinagbili na lamang ang
kanilang inga lupang sakahan.
7. Climate Change.
Ang pabago bagong klima ay nagdudulot ng
pagkasira ng agrikultura dahil hindi sanay
ang mga pananim sa paiba-ibang panahon.
Gaya ng matinding guyot, ito ay nagiging sanhi
ng pagkatuyo, pagkasira ng mga
panani pagkaunting suplay ng
tubig sa irigasyon. Ang mahabang tag-ulan
naman ay nagbubunga ng
pagbaha na nagdudulot
din ng pagkasalanta ng mga pananim
THANK YOU!

REPORTED BY:CARL ANDREI B. DE VERA


9-RIZAL 2022-2023
06/23/2023

You might also like