You are on page 1of 2

ARALIN 19

KALAGAYAN NG AGRIKULTURA SA PILIPINAS

-Ang pilipinas ay isang bansang agrikultura bunga ng pagkakaroon ng masaganang likas na yaman.Kahit
may planong gawing industriyalidado ang ating bansa ay marami parin ang naninirahan sa rural na lugar
na umaasa sa agrikultura para sa kanilang pamumuhay

-Ang agrikultura ay isang agham na may kinalaman sa paghahalaman at pagpaparami ng hayop.Ang


sektor ng agrikultura ay isa sa mahalagang sektor ng ekonomiya na may malaking gampanin sa
pagpapaunlad ng bansa.

Ito ay binubuo ng apat na SUBSECTORS-pagsasaka,pangangahoy,paghahayop/pagmamanokan at


pangingisda na naglalarawan ng gawain ng agrikultura.

KAHALAGAHAN NG AGRIKULTURA

1.Nagpapasok ng dolyar sa bansa

-Marami sa ating produktong agrikultura na pinagkakaitan ng dolyar ang ating bansa.Ang pagbebenta
sa ibang bansa ng mga prutas,abaka,asukal,nata de coco,seaweed,mga lamang dagat at iba pa.Ang mga
dolyar na ito ay ginagamit pang bili ng mga IMPORTED na materyales at makinarya na kailangan ng ating
industriya.

2.Bumibili ng produkto ng industriya

-Ginagamit ng industriya ang hilaw na materyales na mula sa agrikultura upang makalikha ng mga
produkto.Ang kinita ng agrikultura sa pagsusupply ng hilaw na materyales ay ginagamit na pambili ng
mga produkto ng industriya tulad ng mga pataba,pamatay peste,makinarya,traktora,can
goods,damit,sapatos,sabon,TV,computer,radyo at iba pa.Ang puno ng niyog ay tinatawag na "tree of life"
na may malaking naiambag sa industriya.

3.Nagbibigay ng hanapbuhay

-Nagbibigay ng maraming trabaho ang agrikultura.Ipinakikita ng talahanayan ang dami ng mga


manggagawa na naghahanapbuhay sa agrikultura.Nangangahulugan na ang mga sektor ng agrikultura ay
may malaking naitulong sa pagkakaloob ng hanapbuhay sa mamamayan ng bansa.
MGA SULIRANIN ng AGRIKULTURA

1.Mababang presyo ng produktong agrikultural

-Bunga na rin ng pagdagsa ng mga dayuhang produkto,ang mga ani ng mga magsasaka at
mangingisda ay mabibili lamang sa murang halaga,kaya hirap ang mga ito na magkaroon ng malaking
tubo na kailangan sa pagtugon sa kanilang pangangailangan.Dahil sa madaling masira o mabulok ito
kailangang mabenta ito kahit sa mababang presyo.

2.Kakulangan ng sapat na impraestraktura at puhunan

-Isa sa mga dahilan ng mabagal na pagunlad ng agrikultura ay kakulangan sa impraestraktura at


puhunan.Maraming produktong agrikultura ang hindi napakikinabangan dahil nasisira,nabubulok,at
nalalanta tulad ng gulay at prutas dahil sa kawalan ng pagiimbakan o storage ay maayos na
transportasyon.Ito ay bunga rin ng kawalan ng puhunan na magagamit ng mga magsasaka at
mangingisda.

3.Kakulangan sa makabagong kagamitan at teknolohiya

-Ang mga magsasaka ay patuloy na gumagamit ng mga lumang kagamitan sa pagsasaka,tulad ng


araro at kalabaw na nagiging dahilan ng mabagal na produksiyon.Ang paggamit ng mga di-matabang
binhi ang isa sa mga dahilan kung bakit mababa ang produksiyon ng pagsasaka.

4.Paglaganap ng sakit at peste

-Maraming hayop ang namamatay at di mapakinabangan bunga ng pagkakasakit at pagkapeste na


dulot ng mga VIRUS at bakterya na namiminsala sa mga hayop at halaman.Isa sa mga ito ay ang BIRD'S
FLU,AVIAN FLU at FOOT and MOUTH DISEASE,SWINE FLU,at DINOFLAGELLATES na kadalasan ay buhat sa
iabng bansa.

5.Pagdagsa ng dayuhang produkto

-Ang globalisasyon at liberalisasyon ang mga dahilan ng pagdagsa ng mga dayuhang produkto sa ating
pamilihan, kung kaya nagkaroon ng kakumpetensiya ang ating mga lokal na produkto.Ang globalisasyon
ay may mabilis na paglago at pagdami ng mga naguugnayang bansa sa daigdig na nabubunga ng
malayang pagdaloy ng panlabas na puhunan,produkto, at teknolohiya, samantalang ang liberalisasyon ay
may kinalaman sa mabilis na paglago ng kalakalang panlabas at pamumuhunan.

6.Implementasyon sa tunay na reporma sa lupa

-Matagal nang pangarap ng mga magsasaka na magkaroon nh sariling lupang


sasakahin.Napakaraming batas ang inaprubahan ukol sa reporma sa lupa, ngunit hanggang ngayon ay di
madama ng mga magsasaka ang pagpapatupad ng tunay na reporma ng lupa.

You might also like