You are on page 1of 9

1

ARALING PANLIPUNAN 9- IKAAPAT NA MARKAHAN


Pangalan: _______________________________________________________
Pangkat: ____________________ Guro: _____________________________

ARALIN YUNIT IV: DAHILAN AT EPEKTO NG SULIRANIN

4
NG SEKTOR NG AGRIKULTURA, PANGINGISDA,
AT PAGGUGUBAT
MELC/KASANAYAN: Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng
sektor ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat.

Code: AP9MSP-IVd-7

Sa araling ito matatalakay ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor ng


agrikultura kung saan ang pangingisda at paggugubat ang pangunahing apektado lalo
na ngayong panahon ng pandemya.

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahan sa iyo ang mga
sumusunod:

1. Natutukoy ang mga dahilan at epekto ng mga suliranin ng Sektor ng


Agrikultura;
2. Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng mga suliranin ng Sektor ng Agrikultura;
at
3. Nakapagbibigay ng mga mungkahi kung paano mabibigyang solusyon ang mga
suliran ng Sektor ng Agrikultura.

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang salita na naglalarawan sa bawat


pangungusap. Isulat ang napiling salita sa sagutang papel.

a. Avian Flu f. Kaingin


b. Climate Change g. Korales
c. Deporestasyon h. Land Conversion
d. Erosyon i. Muro-ami
e. Foot and Mouth Disease j. Trawl fishing

____________1. Tumutukoy sa pagpapaliit ng mga kagubatan at kabundukan


upang maging tirahan.
___________ 2. Gawain sa pangingisda kung saan niyuyugyog at inuuga ang
mga korales upang mabulabog ang mga isda at mahuli ito.
___________ 3. Isang paraan ng pangingisda na gumagamit ng malaking lambat
na may pabigat.
___________ 4. Ang pagbabago ng klima katulad ng matinding tag-init o sobra
ang pag-ulan.
___________ 5. Ang tawag sa pangitlugan ng mga isda sa ilalim ng dagat.

AP9- QRT4- Week 4


2
ARALING PANLIPUNAN 9- IKAAPAT NA MARKAHAN
___________ 6. Gawain na kung saan ay patuloy ang pagputol ng mga puno at
hindi pagtatanim ng mga puno.
___________ 7. Sakit na karaniwang makikita sa mga poultry o manok.
___________ 8. Sakit na makikita sa mga alagang hayop katulad ng baboy.
___________ 9. Gawain sa paggugubat na kung saan sinusunog ang mga sanga
ng puno at mga halaman upang patagin ang lupa.
___________ 10. Ang tawag sa pagguho o pagkaagnas ng lupa dahil sa
matinding pag-ulan.

I. Panuto: Suriin ang mga larawan at tukuyin kung ano - ano sa mga ito ang
kabilang sa sektor ng agrikultura. Lagyan ang patlang ng tsek ( √ ) kung
kabilang sa mga gawaing pang agrikultura at ekis (X ) kung hindi.

https://www.google.com/search?q=Paghahalaman&tbm=isch&ved=
https://www.google.com/search?q=mining&tbm=isch&ved=2ahUKEwj 2ahUKE

1. _______________________________ 2. ___________________________

https://www.google.com/search?q=pag+aalaga+ng+baboy
https://www.google.com/search?q=pagmimina+ng+ginto&tbm=isch&ved=2ahUKEw

3.___________________________________
4_______________________________

https://www.google.com/search?q=pag+totroso&tbm=isch&ved=2ahUKEwiIm_PJ
https://www.google.com/search?q=pabrika&tbm=isch&ved=

5.________________________________ 6.__________________________

II. Panuto: Isulat sa patlang ang titik “K” kung ang pahayag ay nagpapakita ng
kahalagahan ng sektor ng agrikultura at titik “H” kung Hindi.
__________ 1. Nagbibigay ng hilaw na materyales
__________ 2. Nagpoprodyus ng makakain
__________ 3. Pagputol ng lahat ng puno sa kagubatan

AP9- QRT4- Week 4


3
ARALING PANLIPUNAN 9- IKAAPAT NA MARKAHAN
__________ 4. Pagpapatag ng lupa
__________ 5. Pagbibigay ng trabaho

DAHILAN AT EPEKTO NG SULIRANIN SA SEKTOR NG AGRIKULTURA,


PANGINGISDA AT PAGGUGUBAT

Kung susuriin natin sa malawak na aspeto, lubhang malaki ang


bahaging ginagampanan ng agrikultura sa ekonomiya ng ating bansa. Subalit
maraming suliranin ang kinakaharap nito na nagdudulot ng unti-unting
pagbaba ng kontribusyon nito sa kabuuang GNP ng ating bansa. Maraming
dahilan kung bakit mabagal ang pagsulong ng sektor ng agrikultura, ilan sa
mga ito ang mga sumusunod na suliranin:

A. PAGSASAKA/PAGHAHALAMAN

Ang pagsasaka bilang isa sa mga gawain ng sektor ng agrikultura ang


tumutugon sa pangangailangan sa mga pangunahing pananim tulad ng
palay, mais, tubo, niyog, tabako, saging, at iba pa. Sa katunayan, isa ang
Pilipinas nuon na pangunahing tagapagluwas ng ilang mga pananim na
nabanggit sa ibang bansa. Ngunit kahit na malaki ang naitutulong ng
pagsasaka sa ating ekonomiya, kaakibat naman nito ang iba’t ibang suliranin
na kinahaharap noong mga nakaraang taon at maging sa ngayong panahon
ng pandemya. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa suliranin ng
pagsasaka:

DAHILAN EPEKTO
1. Pagliit ng lupang sakahan

 Ang mga lupa na itinakda  Nagdudulot ng pagliit ng mga


lamang sa pagsasaka ay unti- takdang lupain para sa
unting lumiliit dahil sa patuloy pagsasaka na nagreresulta sa
na pagdami ng populasyon at pagliit ng produsyon ng sektor
dahil dito dumadami rin ang ng agrikultura.
nangangailangan ng lupang
titirhan. Isa ring dahilan ang .
tinatawag na “land conversion”
kung saan ang mga lupang
sakahan ay ginagamit na sa
pagtatayo ng komersiyo at
industriya upang mapalawig pa
ang sektor ng produksyon.

2. Paggamit ng teknolohiya

 Ang paggamit ng mga  Ang ilang magsasaka ay


makabagong teknolohiya ay nawawalan ng trabaho dahil sa
makakatulong upang mapataas mga makabagong makinang
at mapablis ang produksyon ng pangsaka.
lupa na makatutulong sa
pagtugon sa mga
pangangailangan ng
lumalaking populasyon.

AP9- QRT4- Week 4


4
ARALING PANLIPUNAN 9- IKAAPAT NA MARKAHAN
3. Kakulangan ng mga
pasibilidad at imprastruktura
sa kabukiran  Malaking kalugihan sa mga
magsasaka kung ang kanilang
 Kakulangan ng mga ani ay hindi agad
imprastrukturang magagamit ng madadala sa pamilihan upang
ating mga magsasaka ay isa sa maikalakal.
mga suliranin ng agrikultura.  Karamihan sa ani ng mga
Kabilang dito ang mga suliranin magsasaka tulad ng gulay at
sa irigasyon, farm-to-market- prutas ay bumababa ang
road, imbakan o storage facility. kalidad dahil sa suliranin ng
irigasyon at kakulangan sa
maayos na imbakan.
4. Kakulangan ng suporta mula
sa ibang sektor

 Ang mga maliliit na magsasaka  Ang kawalan ng tulong o


ay nangangailangan ng sapat kakulangan ng suporta ng
na puhunan upang makabili pamahalaan at iba pang sektor
ng mga input tulad ng mga sa mga magsasaka ay
butil, kasangkapan, traktora, nagtutulak sa kanila upang
at mga pataba. sila ay mangutang sa mga
usurero na nagiging dahilan ng
 Kung mayroong mga ahensiya kanilang pagkabaon sa utang.
na magbibigay ng subsidy sa
pagbili ng mga traktora,  Paglipat ng mga magsasaka sa
bababa ang gastos sa ibang gawain upang
pagsasaka at magiging daan sa matustusan ang kanilang
pagmomodernisasyon ng pangangailangan na
pagsasaka. magdudulot ng kakulangan
naman ng mga gaganap sa
sektor ng agrikultura.
5. Pagbibigay prayoridad sa
sektor ng industriya
 Nawawalan ng gana ang mga
 Ang pagbibigay ng pamahalaan manggagawa at
ng mas maraming proteksyon mamumuhunan sa
at pangangalaga sa industriya agrikultura.
ay nagiging dahilan para  Lumilipat sila sa sektor ng
mawalan ng gana ang mga industriya dahil sa insentibo.
manggagawa at  Pagbaba ng produksyon at kita
namumuhunan sa agrikultura. ng agrikultura.
Dahil sa ganitong sitwasyon,
mas pipiliin nilang pumunta sa
industriya dahil sa insentibong
kanilang makukuha
6. Pagdagsa ng mga dayuhang
kalakal dahil sa World Trade
Organization (WTO)  Ang nakaugaliang pagkonsumo
 Ang pagbubukas ng Pilipinas ng mga produktong gawa sa
sa kalakalang panlabas at ang Pilipinas ay napalitan ngayon
pagsali nito sa pandaigdigang ng pagkahilig sa mga kalakal
samahan tulad ng World Trade na gawa sa ibang bansa.
Organization (WTO) ay may Ang hindi pagtangkilik sa
epekto sa mga magsasaka. sariling produkto ay lubhang
 Ang pagdagsa ng mga nakaapekto sa kalagayan ng
dayuhang produkto ay sektor ng agrikultura at ng
nagbunsod ng mga pagbabago mga taong umaasa rito.
sa panlasa ng mga Pilipino.

AP9- QRT4- Week 4


5
ARALING PANLIPUNAN 9- IKAAPAT NA MARKAHAN
7. Climate Change

 Ang polusyong dala ng  Kalamidad tulad ng bagyo, El


pagsunog ng mga plastik at Niño at iba pang nararanasan
mga karaniwang basura, usok ng bansa na nagdudulot ng
na nagmumula sa sasakyan, pagbaba ng kabuhayan ng mga
planta, pabrika, pagkakaingin, mamamayan at mababang
mga gases mula sa kagamitan, produksyon ng agrikultura.
at pagpuputol ng mga puno
ang dahilan ng tinatawag na
climate change.

B. PANGINGISDA

Sa kasalukuyan, nahaharap ang Pilipinas sa mga suliranin sa


pangisdaan. Ang ilan dito ay mga sumusunod:

DAHILAN EPEKTO
1. Mapanirang operasyon ng
malalaking komersyal na
mangingisda
 Pagliit ng produksyon ng
 Ang paggamit ng mga maling pangisdaan sa bansa na
pamamaraan ng pangingisda magdudulot ng kakulangan na
tulad ng trawl fishing kung maaari ring humantong sa
saan ang mga mangingisda ay kakapusan ng suplay mula
gumagamit ng malalaking rito.
lambat na may pabigat. Ang
paggamit ng dinamita sa
panghuhuli ng isda sa
karagatan ay lubhang
nakakaapekto at nakakasira sa
mga korales.
2. Epekto ng polusyon sa
pangingisda
 Pagliit sa kapakinabangang
 Ang mga dumi ng tao, hayop, naibibigay ng mga anyong
mga kemikal na sangkap sa tubig ng bansa dulot ng
paggawa ng abono o pataba na polusyon sa mga katubigan.
ginagamit naman sa
pagtatanim, at mga kemikal na
galing sa pabrika, idagdag pa
ang mga dumi o basura na
galing sa mga naglalakihang
establisyemento ay pumapatay
sa mga anyong tubig sa ating
bansa.

3. Lumalaking populasyon sa  Ang patuloy na paglaki ng


bansa populasyon ay maaaring
magdulot ng kahirapan na sa
 Ang patuloy na pagtaas ng kalaunan ay kakulangan sa
populasyon ng bansa ay pagkain. Habang lumalaki ang
nagbibigay panganib sa populasyon ay unti-unti
mabilisang pagkaubos ng ating naman bumababa ang bilang
mga isda. Hindi sumasapat ang ng mga yamang-dagat at lahat
dami ng mga huli sa karagatan ng likas na yaman dahil sa
para sa pangangailangan ng dami ng kumokonsumo rito
mga mamamayan. ayon kay Thomas Malthus.

AP9- QRT4- Week 4


6
ARALING PANLIPUNAN 9- IKAAPAT NA MARKAHAN
4. Kahirapan sa hanay ng mga
mangingisda  Hindi nahihikayat ang mga
mamamayan na manatili sa
 Ang mga mangingisda katulad kanilang sektor bagkus
ng mga magsasaka ay isa sa karamihan sa kanila ay
mga may pinakamababang kita pumupunta sa kalunsuran
na natatanggap. Dahil dito sila upang doon makipagsapalaran.
ay napapabilang sa pangkat na
naghihikahos. Sa kanilang
hanay naitala ang
pinakamataas na poverty
incidence noong 2008.

C. PAGGUGUBAT

Isa sa malaking suliranin na kinahaharap ng bansa ay may kinalaman sa


kagubatan. Ang ilan dito ay isinasaad sa ibaba kaakibat ang epekto nito:

DAHILAN EPEKTO
1. Mabilis na pagkaubos ng mga  Nababawasan ang suplay ng
likas na yaman lalo na ang mga hilaw na sangkap na
kagubatan. ginagamit ng mga industriya.
 Nawawalan ng tirahan ang
 Mabilis na nauubos ito dahil mga hayop kaya hindi sila
sa mga pangangailangan ng makapagparami.
mga hilaw na materyal sa  Nagiging sanhi rin ito ng
paggawa. Isa na rito ang mga pagbaha na sumisira sa libo-
troso at mineral. libong ektarya pananim taon-
taon.
 Naapektuhan din ang
pagkaubos ng mga watershed
ang suplay ng tubig na
ginagamit sa irigasyon ng mga
sakahan.
 Ang pagkaubos ng kagubatan
ay nagdudulot din ng pagguho
ng lupa (erosion), dahil sa
kawalan ng mga puno kasama
ang sustansiya nito. Hindi na
magiging produktibo ang mga
pananim na itatanim dito.

Gawain A: KANINO AKO NABIBILANG?

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang kung saan


nabibilang na gawain ng agrikultura ang mga suliraning ipinapahayag ng
bawat bilang.
a. Paghahalaman c. Pangingisda
b. Paghahayupan d. Paggugubat

_____ 1. Trawl fishing _____ 6. Land conversion


_____ 2. Deporestasyon _____ 7. Illegal logging
_____ 3. Climate change _____ 8. Kaingin
_____ 4. Foot and mouth disease _____ 9. El Nino

AP9- QRT4- Week 4


7
ARALING PANLIPUNAN 9- IKAAPAT NA MARKAHAN
_____ 5. Muro-ami _____ 10. Swine flu

Gawain B: OO o HINDI

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang salitang


OO kung ang pahayag ay kapaki-pakinabang at HINDI naman kung di kapaki-
pakinabang sa sektor ng agrikultura.

__________ 1. Pagbibigay ng tulong pinansiyal sa sektor ng agrikultura.


__________ 2. Pagpapatayo ng mga gusali sa mga lupang pansakahan
__________ 3. Regular na pag-eksamin ng mga alagang manok, baka, at baboy.
__________ 4. Pagbibigay ng mataas na presyo sa mga produktong agrikultural.
__________ 5. Pagkakaroon ng sapat na programa at batas na tutulong sa
sektor ng agrikultura.

Gawain C: “KAPALARAN KO, IGUHIT MO”

Panuto: Gumawa ng isang poster na naglalarawan o nagpapakita ng


magiging kalagayan o hinaharap ng sektor ng agrikultura sampung (10) taon
mula ngayon batay sa iyong pananaw. Maaaring guhit-kamay (ilagay sa oslo
paper) o “digital na pagguhit” (digital art gamit ang iyong gadget) ang gamitin
bilang pamamaraan.

PAMANTAYAN SA PAG MAMARKA: PAGGAWA NG POSTER

Pamantayan Indicator Puntos Natamong Puntos


Naipakita nang
Nilalaman maayos ang
ugnayan ng lahat 50
ng konsepto na
nakapaloob sa
poster
Maliwanag at 25
Kaangkupan ng angkop ang
Konsepto mensahe sa
paglalarawan ng
paksa
Orihinal ang 25
Pagkamalikhain ideyang
nakapaloob sa
poster

Kabuuan 100

Kahit na nahaharap ang sektor ng agrikultura sa maraming suliranin,


nagtataguyod pa rin ang pamahalaan ng mga alternatibong solusyon o
programa upang malunasan ang mga nasabing suliranin. Ang pagbibigay ng
pansin ng pamahalaan kasama na ang mga pribadong organisasyon sa sektor
ng agrikultura ay malaki ang maitutulong nito upang magkaroon ng
pagbabago at pag-unlad ang agrikultura sa bansa. Malaki rin ang maitutulong
ng isang mamamayan sa sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng

AP9- QRT4- Week 4


8
ARALING PANLIPUNAN 9- IKAAPAT NA MARKAHAN
pangangalaga sa kapaligiran at pagmulat ng kamalayan na ang agrikultura ay
mahalaga sa ating bansa. Ayon kay Michael Alessi (2002), ang pagbibigay ng
karapatan sa mga mamamayan na pangalagaan ang likas na yaman na kung
saan sila kumukuha ng kanilang pangunahing pangangailangan at kabuhayan
ay magbubunsod sa kanila na ingatan nila ito upang hindi maubos o mawala.

Panuto: Ibigay ang iyong natutunan sa araling ito, ipakita sa pamamagitan ng


pagbibigay ng tamang impormasyon sa inihandang gawain ukol sa sektor ng
agrikultura.

Suliranin Dahilan Epekto

A. Pagsasaka

B. Pangingisda

C. Paggugubat

Pamrosesong tanong:
1. Kung susuriin ang mga dahilan ng mga suliranin ng sektor ng
agrikultura, sino ang masasabing responsable sa mga dahilang
nabanggit? Bakit?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
2. Paano maiibsan ang mga epekto ng mga suliranin ng sektor ng
agrikultura?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Gawain: DAHILAN o EPEKTO

Panuto: Isulat ang salitang DAHILAN kung ang pahayag ay nagpapakita


ng dahilan ng suliranin ng agrikultura at isulat naman ang salitang EPEKTO
kung ang pahayag ay tumutukoy sa epekto ng suliranin ng agrikultura.

__________ 1. Pagliit ng lupang sakahan.


__________ 2. Pagkakaroon ng polusyon sa tubig.
__________ 3. Pagkakaroon ng sakit ang mga baboy at manok.
__________ 4. Mabilis na pagkaubos ng mga puno sa kagubatan.
__________ 5. Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal.
__________ 6. Pagkaunti ng mga isda at lamang-dagat na mahuhuli ng mga
mangingisda.
__________ 7. Kukulangin ang suplay ng karne para sa lokal na pamilihan.
__________ 8. Kakaunti ang magiging materyales na troso para sa industriya.
__________ 9. Liliit ang produksyon ng pagtatanim.
__________ 10. Maliit ang kikitain ng nasa sektor ng agrikultura.

AP9- QRT4- Week 4


9
ARALING PANLIPUNAN 9- IKAAPAT NA MARKAHAN

A. Kung ikaw ay magmamay-ari ng mga nasa larawan, paano mo ito


gagamitin at pamamahalaan lalo na sa panahong tayo ay nahaharap sa
isang pandemya?

______________________________________
______________________________________

https://www.google.com/search?q=lupang+sakahan

______________________________________
______________________________________

https://www.google.com/search?q=karagatan&tbm=isch&ved=2ahUKEwiy34WNm5jvAhU

_____________________________________
______________________________________

https://www.google.com/search?q=kabundukan&tbm=isch&ved

B. Hindi maikakaila ang malaking ambag ng sektor ng agrikultura sa


ekonomiya ng bansa, ngunit sa panahon ngayon ng pandemya, ang mga
suliranin na kinahaharap sa sektor na ito ay naging dagdag-pasanin sa
kanila. Sila rin ay maituturing nating mga frontliners dahil sa patuloy
nilang pagbibigay ng kasiguruhan na matugunan ang ating mga
pangunahing mga pangangailangan lalo na sa pagkain.

Ano ang magagawa mo bilang isang kabataan upang


matulungan sa sariling mong pamamaraan ang mga nasa
sektor ng agrikultura?

Panuto: Isulat sa loob ng mga bilog ang mga pamamaraan na maaari mong
maibigay upang matulungan ang nasa sektor ng agrikultura.

PARAAN

AP9- QRT4- Week 4

You might also like