You are on page 1of 4

LEARNER’S PACKET (LeaP)

KS4
Learning ARALING PANLIPUNAN Grade Level 9
W4 Area
Quarter Ikaapat Date

I. LESSON TITLE Suliranin sa Sektor ng Agrikultura


II. MOST ESSENTIAL Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat
LEARNING MELC21 Week 4 AP9MSP-IVd-7
COMPETENCIES
(MELCs)
III. CONTENT/CORE - Nakapagsusuri ng mga epekto hinggil sa Agrikutura, Pangingisda at Pagggubat
CONTENT - Natatalakay ang mga suliranin sa sektor ng Agrikultura, Pangingisda at pagggubat

IV. LEARNING Suggested


PHASES Timefram Learning Activities
e

A. Introduction Sa araling ito, matatalakay ang mga dahilan at epekto ng sektor ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat.
Panimula
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang:
1. Nasusuri ang mga epekto hinggil sa angrikultura, pangingisda at paggugubat
2. Naipapaliwanag ang mga dahilan at epekto ng sektor ng agrikultura

B. Development SULIRANIN SA SEKTOR NG ANGRIKULTURA


Pagpapaunlad
A. PAGSASAKA
1. Pagliit ng lupang pansakahan
Ang patuloy na paglaki ng populasyon, paglawak ng panirahan, komersiyo, at industriya ay
nagdudulot ng pagliit ng mga takdang lupain para sa pagsasaka. Kaakibat ng suliraning ito ang
conversion o pagpapalit ng mga kagubatan at kabundukan upang maging pansakahan na nagiging
dahilan ng pagkasira ng natural na tahanan (natural habitat) ng mga hayop at halaman.

2. Paggamit ng Teknolohiya
Ang makabagong kaalaman sa paggamit ng mga pataba, at pamuksa ng peste, at makabagong
teknolohiya sa pagtatanim ay magiging kapaki-pakinabang lalo na sa hamon ng lumalaking
populasyon.

3. Kakulangnan ng mga pasilidad at imprastruktura sa kabukiran


Ang Batas Republika 8435 (Agriculture and Fisheries Modernization Act of 1997) ay naghahangad ng
modernisayon sa maraming askpekto ng sektor upang masiguro ang papaunlad dito. Inaasahang sa
wastong pagpapatupad ay matuguanan ang ilang sulliranin sa irigasyon, farm-to-market-road, at iba
pa. Bumababa ang halaga ng produkto sa pamilihan sa pagbaba ng kalidad nito.

4. Kakulangan ng suporta mula sa iba pang sektor


Ayon sa Batas Republika 8435, ang pagtutulungan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ay
binibigyang-diin bilang suporta sa implementasyon ng modernisasyon sa agrikultura.

5. Pagbibigay-prayoridad sa sektor ng industriya


Mas binibigyan ng pamaahalaan ng maraming proteksyon at pangangalaga ang industriya. Dahil dito,
nawawalan ng mga manggagawa at mamumuhunan sa sektor ng agrikultura. Mas pipiliin pa nila ang
pumunta sa industriya dahil sa mga insentibo rito na nagbubunga sa pagbaba ng produksyin at kita sa
agrikultura.

6. Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal


Isang malaking kompetisyon ang kasalukuyang hinaharap ng bansa dulot ng pagdagsa ng mga
dayuhan kalakal. Maraming magsasaka ang nahihirapang makipaglaban sa presyo ng murang produkto
mula s ibang bansa. Dahil, dito maraming magsasaka ang naapektuhan, huminto, at kalaunan ay
ipinagbili na lang ang kanilang mga lupa upang maging bahagi ng mga subdibisyon.

7. Climate Change
Nasisira ang produksyon ng sektor ng agrikultura tuwing may tag-tuyot, malakas ng ulan at mga
bagyo. Nagiging dahilan ito ng mataas na presyo ng pagkain.
LEARNER’S PACKET (LeaP)
KS4
B. PANGISDAAN
1. Mapanirang operasyon ng malalaking komersiyal na mangingisda
Mula sa aklat nina Balitao et al (2012), ang malalaki at komersiyal na barko na ginagamit sa paghuli
ng mga isda ay nakaaapekto at nakasisira sa mga korales. Bunga ito ng pamamaraang thrawl fishing
na kung saan ang mga mangingisda ay gumagamit ng malalaking lambat na may pabigat. Dahil dito,
pati ang mga korales, na nagsisilbing itlugan at bahay ng mga isda ay nasisira. Kung hindi
magbabago at mapipigilan ang mga mangingisdang ito, darating ang panahong mauubos ang mga
isda na isa sa mga pangunahing pagkain ng mamamayan.

2. Epekto ng polusyon sa pangisdaan


Ang dumi ng tao, mga kemikal na sangkap sa mga abono o pataba na gamit sa pagtatanim, at mga
kemikal na mula sa mga pabrika ay pumapatay sa mga anyong-tubig ng bansa. Dahil sa polusyon,
ang mga yamang-tubig ay naaapektuhan at maaring makaapekto rin sa mga mamamayan sa
pagdating ng panahon.

3. Lumalaking populasyon sa bansa


Habang lumalaki ang bilang ng populasyon, unti-unti rin ang pagbaba sa bilang ng mga yamang-
dagat at lahat ng likas na yaman dahil sa dami ng kumokonsumo.

4. Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda


Ang mga magsasaka at mangingisda ay isa sa may pinakamababang sahod na natatanggap. Dahil
dito, sila ay nabibilang sa mga pangkat na hikahos sa buhay. Ang mababang kita sa uri na ito ng
hanapbuhay ay hindi naghihikayat sa mga batang miyembro ng kanilang pamilya na manatili sa
sektor.

C. PAGGUGUBAT
1. Mabilis na pagkaubos ng mga likas na yaman lalo na ng kagubatan
Malawakan ang paggamit sa ating mga likas na yaman. Mabilis na nuubos ito dahil sa mga
pangangailangan sa mga hilaw na sangkap sa produksyon tulad ng mga troso at mineral.
a. Dahil dito, nababawasan ang suplay ng mga hilaw na sangkap na ginagamit ng mga industriya.
b. Sa pagkawala ng mga kagubatan, nawawalan ng tirahan ang mga hayop kaya hindi sila
makapagparami.
c. Nagiging sanhi rin ito ng pagbaha na sumisira sa libo-libong ektaryang pananim taon-taon
d. Naapektuhan din ng mga watershed ang suplay ng tubig na ginagamit sa irigasyon ng mga
sakahan.
e. Ang pagkaubos ng kagubatan ay nagdudulot din ng pagguho ng lupa.

Sanggunian: Ekonomiks, Araling Panlipunan - Modyul para sa Mag-aaral, pp. 412-420)

C. Engagement Ano ang iyong maaring maiambag upang maging kabahagi sa pagtugon sa mga suliranin sa sektor ng
Pakikipagpalihan agrikultura?

D. Assimilation Batay, sa binasang teksto, punan ang kahon ng mga salita na may kaugnayan sa suliranin ng sektor
Paglalapat
Sagutan ang Gawain 1: CONCEPT WEB na nasa hiwalay na papel

V. ASSESSMENT Sagutan ang MAIKLING PAGSUSULIT BILANG 4 na nasa hiwalay na papel.

VI. REFLECTION Nalaman ko ang sektor ng agrikultura ay_________________________________________________


Pagninilay ________________________________________________________________________________________
_

Prepared by: ARTHUR JOSEPH D. DIEGO Checked by: SUSANA R. FOJAS


ERLINDA S. BALCUBA HEAD TEACHER VI
SHELLA S. REYES

Araling Panlipunan 9
Quarter 4 – Week 4

Pangalan: ________________________________________ Petsa: _____________________________

Seksyon: _________________________________________ Guro: ______________________________


LEARNER’S PACKET (LeaP)
KS4
Gawain 1. CONCEPT WEB

Batay sa binasang teksto, punan ang kahon ng mga salita na may kaugnayan sa suliranin ng sektor ng agrikulutura.

SULIRANIN
NG
AGRIKULTUR

Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang suliranin ng sektor ng paghahalaman, paggugubat, paghahayupan, at pangingisda?

2. Sa iyong palagay, paano mahihikayat ang kabataan na gumawa ng mga hakbang na makatutulong sa sektor ng
agrikultura?

3. Ano ang iyong maaring maiambag upang maging kabahagi sa pagtugon sa mga suliranin sa sektor ng agrikultura?

Araling Panlipunan 9
Quarter 4 – Week 4

Pangalan: ________________________________________ Petsa: _____________________________

Seksyon: _________________________________________ Guro: ______________________________

MAIKLING PAGSUSULIT BILANG 4


LEARNER’S PACKET (LeaP)
KS4
Panuto: Itugma ang hanay A sa hanay B. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

A B

_________1. Kakaunti lamang ang nag-aalaga ng baka A) Nangungutang at nangupahan


na lamang ang mga magsasaka

_________2. Kawalan ng lupa ng magsasaka B) pagkasira ng anyong-


tubig

_________3. Paggamit ng pamamaraang thrawl fishing C) Pag-angkat ng karne ng baka

_________4. Kawalan ng irigasyon o patubig D)mababang produksyon at


kalidad ng produkto

_________5. Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal


E) pagkasira ng mga korales
_________6. Pag-convert ng kagubatan at kabundukan
upang gawing sakahan F) napipilitan maghanap buhay sa
kalunsuran upang makipasapalaran

_________7. Kakulangan sa makabagong teknolohiya G) Pagkatuyo ng mga pananim

_________8. Mababang sahod ng magsasaka at mangingisda H) pagkasira ng natural na tahanan


(natural habitat) ng mga hayop at
halaman
_________9. Pagkakaroon ng foot and mouth disease,
bird flu and swine flu I) Paghina ng produksyon ng
livestock at poultry

_________10. Pagtatapon ng basura at mga kemikal J) maraming magsasaka ang


naapektuhan, huminto, at kalaunan
ay ipinagbili na lang ang kanilang
mga lupa

You might also like