You are on page 1of 7

ARALING PANLIPUNAN 9

Ikaapat na Markahan
Ikaapat na Linggo

Development and Quality Assurance Team

Developer: Genedith M. Banudan


Evaluator: Aileen Glorina B. Abunda, Fatima D. Notarte, Ariel Paler
Franklin P. Oranza, Sarah Rosario Tupas
Learning Area Supervisor: Analiza G. Doloricon

Illustration Credits:

Title Page Art: Marieto Cleben V. Lozada


Title Page Graphics: Bryan L. Arreo
Visual Cues Art: Ivin Mae M. Ambos

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by DepEd
Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes
fair use. All Rights Reserved.
Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin
ng sektor ng agrikultura, pangingisda at paggugubat. (AP9MSP-IVd-7)

Mga Layunin: Sa pagtatapos ng linggo, ikaw ay inaasahang:


▪ natutukoy ang mga sanhi at epekto ng suliranin sa sektor ng agrikultura,
pangingisda at paggugubat;
▪ nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor ng agrikultura,
pangingisda at paggugubat.; at
▪ nakapagpapasya sa kahalagahan ng sektor ng agrikultura sa
pamumuhay ng mga tao.

Pangkalahatang Ideya sa Paksa:

Sektor ng Agrikultura

Humigit kumulang na 7,100 isla ang bumubuo sa Pilipinas. Dahil sa lawak at dami
ng mga lupain, napabilang ang Pilipinas sa mga bansang agrikultural dahil malaking
bahagi nito ang ginagamit sa mga gawaing pang-agrikultura. Nahahati ang sektor ng
agrikultura sa paghahalaman (farming), paghahayupan (livestock), pangingisda
(fishery), at paggugubat (forestry).

Ang sektor ng agrikultura ay isang mahalagang tagapagtaguyod ng ekonomiya ng


bansa. Katuwang ito ng pamahalaan sa pagpapalakas at pagtugon sa mga
pangunahing pangangailangan ng mamamayan mula sa mga pagkain hanggang sa
mga sangkap ng produksiyon. Ang sektor ay isang matibay na sandigan ng bayan
upang makamit ang inaasam nitong kaunlaran.

Suliranin sa Sektor ng Agrikultura


A. PAGSASAKA
1. Pagliit ng lupang pansakahan. Ang patuloy na paglaki ng populasyon,
paglawak ng panirahan, komersiyo at industriya ay nagdudulot ng pagliit ng
mga takdang lupain para sa pagsasaka. Isa nito ay ang Conversion o
pagpapalit ng mga kagubatan at kabundukan upang maging pansakahan
na nagiging dahilan sa pagkasira ng natural na tahanan ng mga hayop at
halaman.

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Self-Learning Modules, Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides
released by DepEd Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use
and constitutes fair use. All Rights Reserved.
1
2. Kakulangan sa makabagong kagamitan at teknolohiya. Ang makabagong
kaalaman sa paggamit ng mga pataba, pamuksa ng peste, at
makabagong teknolohiya sa pagtatanim ay magiging kapaki-pakinabang
lalo sa hamon ng lumalaking populasyon.

3. Kakulangan ng mga pasilidad at imprastruktura sa kabukiran. Inaasahan sa


wastong pagpapatupad ay matutugunan ang ilang suliranin sa irigasyon,
farm-to-market –road at iba pa.

Ang Batas Republika 8435 (Agriculture and Fisheries Modernization Act of


1997) – ay naghahangad ng modernisasyon sa maraming aspekto ng sektor
upang masiguro ang pagpapaunlad dito.

4. Kakulangan ng suporta mula sa iba pang sektor. Ang pagtutulungan sa loob


at labas ng sektor ay magtutulak upang higit na maging matatag ang
agrikultura.

5. Pagbibigay-prayoridad sa sektor ng industriya. Isa sa mga dahilan na


nagpahina sa kalagayan ng agrikultura. Mas binibigyan ng pamahalaan ng
maraming proteksiyon at pangangalaga ang industriya.

6. Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal o kumpetisyon sa mga dayuhang


produkto. Maraming magsasaka ang nahihirapang makipaglaban sa presyo
ng mga murang produkto mula sa ibang bansa. Dahil dito, maraming
magsasaka ang naapektuhan, huminto, at sa kalaunan ay ipinagbili na
lamang ang kanilang mga lupa upang maging bahagi ng mga subdibisyon.

7. Climate Change. Ang patuloy na epekto ng Climate Change ay lubhang


nakaapekto sa bansa tulad ng pagdating ng bagyong Yolanda na may
pambihirang lakas noong 2013.

8. Mababang halaga o presyo ng produktong agrikultural. Ang mga


produktong inaani ng mga tauhan ng agrikultura ay naibenta lamang sa
mababang halaga. Kaya nahihirapan din silang itaasa nag kanilang presyo
at dagdagan ang suplay ang produkto na may mataas na presyo dahil hindi
madali ang paglikha ng produkto.

9. Kawalan ng konkretong programa sa pagmamay-ari ng lupa. Karamihan sa


mga magsasaka ay walang sariling lupa na sinasaka. Madalas na sila ay
nakikisaka lamang sa mga may-ari ng lupa. Bunga nito, maraming
magsasaka ang nawawalan ng gana na pagbutihin at pataasin ang

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Self-Learning Modules, Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides
released by DepEd Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use
and constitutes fair use. All Rights Reserved.
2
kanilang produksiyon dahil ang mga may-ari ng lupa lamang ang higit na
nakikinabang sa kanilang pagpapagod.

B. PANGISDAAN

1. Mapanirang operasyon ng malalaking komersiyal na mangingisda.


Trawl fishing - kung saan ang mga mangingisda ay gumagamit ng
malalaking lambat na may pabigat. Nakukuha pati maliliit na isda at nasisira
ang mga korales na nagsisilbing itlugan at bahay ng mga isda. Kung hindi
magbabago at mapipigilan ang mga mangingisdang ito, darating ang
panahong mauubos ang mga isda na isa sa mga pangunahing pagkain ng
mamamayan.

2. Epekto ng polusyon sa pangisdaan. Patuloy ang pagkasira ng mga ilog at


karagatan dahil sa mga polusyon na nagmumula sa mga tahanan,
agrikultura at industriya. Ang mga dumi ng tao, mga kemikal na sangkap sa
mga abono o pataba na gamit sa pagtatanim at mga kemikal na mula sa
mga pabrika ay pumapatay sa mga anyong-tubig ng bansa.

3. Lumalaking Populasyon sa bansa. Ang patuloy na pagtaas sa bilang ng mga


mamamayang Pilipino ay nagdudulot ng mataas na pressure/demand sa
yamang-tubig ng bansa at sa lahat ng yamang-likas sa kabuuan.

4. Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda. Isa sa may pinakamababang


sahod na natatanggap. Dahil dito sila ay nabibilang sa mga pangkat ng
hikahos sa buhay. Ayon kay Jose Ramon Albert, “ang mga mangingisda at
magsasaka ang may pinakamataas na poverty incidence noong 2009”.

C. PAGGUGUBAT
Mabilis na pagkaubos ng mga likas na yaman lalo na ng kagubatan.
Malawakan ang paggamit sa ating mga likas na yaman. Mabilis na nauubos
ito dahil sa mga pangangailangan ng mga hilaw na sangkap sa produksiyon
tulad ng mga troso at mineral. Ang mga sumusunod ay mga epekto ng
paggugubat:
a. nababawasan ang suplay ng mga hilaw na sangkap na ginagamit ng
mga industriya
b. nawawalan ng tirahan ang mga hayop kaya hindi sila makapagparami
c. sanhi ng pagbaha na sumisira sa libo-libong ektaryang pananim taon-
taon
d. pagkaubos ng suplay ng tubig na ginagamit sa irigasyon ng mga
sakahan dahil sa pagkasira ng mga watershed
e. pagguho ng lupa dahil sa kawalan ng mga puno

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Self-Learning Modules, Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides
released by DepEd Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use
and constitutes fair use. All Rights Reserved.
3
Gawain 1: Pag-isipan Mo!

Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod ay sanhi o epekto ng mga suliranin sa sektor
ng agrikultura. Isulat ang S kung ito ay sanhi at E kung ito ay epekto.

1. pagkasira ng mga korales


2. pagliit ng lupang pansakahan
3. pagguho ng lupa dahil sa kawalan ng mga puno
4. kakulangan sa makabagong kagamitan at teknolohiya
5. kawalan ng konkretong programa sa pagmamay-ari ng lupa

Gawain 2: Punan Mo!

Panuto: Punan ng tamang sagot ang talahanayan. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Suliranin Dahilan Epekto

Kakulangan sa suplay ng Paggamit ng mga hindi 1.


isda aprubadong net sa
pangingisda

2. Pagputol ng mga kahoy Patuloy na pagtaas ng


temperature ng mundo

Kakulangan sa suplay ng 3. Mahal na presyo ng bigas


bigas

Kawalan ng materyales sa 4. 5.
paggawa ng bahay

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Self-Learning Modules, Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides
released by DepEd Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use
and constitutes fair use. All Rights Reserved.
4
Gawain 3: Tiyakin at Pahalagahan

Panuto: Suriin kung ang mga sumusunod ay kailangang-kailangan KK, kailangan K at


di-kailangan DK ng mga magsasaka. Lagyan ng tsek ang tamang hanay.

KK K DK
1. sariling lupang
sakahan

2. mga bagong
kagamitan sa
pagsasaka

3. suporta ng ng
pamahalaan

4. pagtatakda ng
presyo sa produkto

5. mga pataba at
pamatay peste

Pagsusulit

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1. Sa anong sektor ng pamahalaan umaasa ang mga tao na matugunan ang


pangangailangan sa pagkain at mga hilaw na sangkap na kailangan sa
produksiyon

A. Sektor ng Agrikultura C. Sektor ng Paglilingkod


B. Sektor ng Industriya D. Impormal na Sektor

2. Ano ang tawag sa paraan ng paggamit ng malaking lambat na may pabigat


upang manghuli ng mga isda?
A. Aquaculture C. Muro-ami
B. Dynamite fishing D. Trawl fishing

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Self-Learning Modules, Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides
released by DepEd Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use
and constitutes fair use. All Rights Reserved.
5
3. Bakit patuloy na nakaranas ng mga suliranin ang sektor ng agrikultura?
A. kawalan ng suporta ng pamahalaan
B. kawalan ng sapat na imprastruktura
C. kakulangan ng suplay ng mga produkto
D. Hindi angkop ang proyekto ng pamahalaan

4. Paano tinutugunan ng bansa ang mga problemang may kinalaman sa mga


likas na yaman?
A. Nagkakaroon ng mga limitasyon para sa mga tao
B. Nagiging bukas para sa ibang bansa ang mga estado
C. Ipinamimigay sa mga karatig-bansa ang mga likas na yaman
D. Hindi maaaring galawin o pakialaman ang anumang likas na yaman ng
bansa

Kung ikaw ay may pagpapahalaga sa sektor ng agrikultura, paano mo ito


poprotektahan sa mga nang-aabuso?
A. Putulin ang mga puno sa kagubatan at sunugin ang mga ito.
B. Mangunguha ng mga corals sa dagat upang gawing dekorasyon.
C. Gumamit ng mga kemikals sa pagtatanim upang magkaroon ng maraming
ani.
D. Magkaroon ng advocacy campaign sa mga mangyayari kapag inabuso
ang mga likas na yaman.

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1

1. E
2. E
3. E
4. S
5. S

Sanggunian:

EKONOMIKS (Araling Panlipunan, Modyul Para sa Mag-aaral) pp. 363 - 385.

Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Self-Learning Modules, Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides
released by DepEd Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external resources is purely of non-profit, for educational use
and constitutes fair use. All Rights Reserved.
6

You might also like