You are on page 1of 2

Clark Hailie Wayne Estrella 10-Einstein

Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo

Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre 1887, marami ng
kasawiang dinanas ang kanyang mga kamag-anakan at kaibigan dahil sa pagkakasulat niya ng
Noli Me Tangere. Nang mga panahong yao’y nagdaranas din ng suliranin sa lupa ang mga
magsasaka ng Calamba. Ito ay kanilang inilapit kay Rizal na humingi naman ng tulong ang
pagdinig sa kasi ng problema sa lupa, napasabay pa sa pagdinig ng kaso ni Rizal ukol sa
pagpapalathala ng tinaguriang “makamandag” na babasahing Noli Me Tangere. Maraming mga
tuligsa at pagbabanta ang tinanggap ni Rizal. Ang kanyang pamily ay giniyagis din ng maraming
mga panggigipit.
Sinimulan ni Rizal and nobelang El Filibusterismo sa harap ng karanasang ito. Magkakabisa sa
kanya kaipala ang mga sakit sa loob na dinanas niya at ng kanyng pamilya. Bagaman may mga
pagpapalagay na mayplanosi Rizal para sa ikalwang nobela, naiba ito ng mga pangyayaring
kinasangkutan niya sa pagbabalik sa sariling bayan. Tuwiran at di-tuwiran, naapektuhan ito ng
wala pang anim na buwang pagkamalas niya ng mga kasamaang ginagawa ng mga pari,
katulad ng “pagpapayaman sa kanilang mga asyenda, pang-aakit sa mga babae, panggugulo,
pagliligpiy sa mga kaaway atbp.”
Nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888 dahil sa pangamba niyang manganib ang
buhay ng mga mahal sa buhay. Katakut-takot na liham ng mga pagbabanta na karamihan ay
walang lagda ang dumarating at ipinayo ng gobernador na bumalik siya sa ibang bansa. Ani
Rizal sa isang sulat na ipinadala niya kay Blumetritt habang naglalakbay.
“Lahat ng mga punong panlalawigan at mga arsobispo ay naparoroon sa Gobernador Heneral
araw-araw upang ako’y ipagsumbong. Ang buong ahente ng Dominiko ay sumulat ng sumbong
sa mga alkalde na nakita nila akong lihim na nakikipagpulong sa mga babae at lalaki sa itaas
ng bundok. Totoong ako’y naglalakad sa bundok kung bukangliwayway na kasama ng mga
lalaki, babae at bata upang damhin ang kalamigan ng umaga ngunit laging may kasamang
tenyente ng guwardiya sibil na marunong managalog…
Inalok ako ng salapi ng akong mga kababayan para lisanin ang pulo. Hiniling nila ang mga
bagay na ito hindi lamang sa aking kapakanan kundi sa kanila na rin sapagkat marami akong
kaibigan at kasalamuha na maaaring ipatapon kasama ko sa Balabag o Marianas. Dahil dito
kahit may kaunting karamdaman, ako’y dali-daling nagpaalam sa aking pamilya.”

Hindi nagwakas sa paglisan ni Rizal ang suliranin. Ang kanyang pamilya ay inusig. Umakyat
ang kaso sa lupa ng mga Mercado-Rizal hanggang Kataastaasang Hukuman ng Espanya.
Maraming kamag-anakan niya ang namatay at pinag-usig. May isa pang tinanggihang
mapalibinng sa libingang Katoliko. Sa gitna ng mga pag-aalalang ito, ginigiyagis si Rizal ng mga
personal at pulitikal na suliranin; nangungulila siya kay Leonor Rivera at waring walang
kasiglahan ang insipirasyong dulot ng paniningalang-pugad kay Nellie Boustead; sinasagot niya
ang kabi-kabilang tuligsang tinatamo ng Noli Me Tangere; namatayan siya ng dalawang
kaibigan at mababa ang pagkikilalang iginagawad sa kanya ng mga kasama sa Kilusang
Propaganda. Bukod dito’y dumanas si Rizal ng suliranin sa pananalapi. Naisiwalat ni Rizal ang
kanyang paghihirap sa isang liham na naipadala kay Jose Maria Basa:
“Ako’y nanghihinawa na sa paniniwala sa ating mga kababayan. Parang sila’y nagkakaisa
upang maging mapait ang aking buhay; pinipigilan nila ang aking pagbabalik, nangangakong
bibigyan ako ng tustos, at pagkatapos na gawin sa loob ng isang buwan ay kalilimutan nang
muli ako… Naisanla ko na ang aking mga alahas, nakatira ako sa isang mumurahing silid,
kumakain ako sa mga pangkaraniwang restawran upang makatipid at mailathala ko ang aking
aklat. Hindi naglao iyon, ititigil ko kung walang darating sa aking salapi. A, sasabihin ko sa
iyong kung hindi lamang sa iyo, kung hindi lamang ako naniniwalang may mga mabubuti pang
Pilipino, nais kong dalhin ang aking mga kababayan at ang lahat sa demonyo…”

Sa kabutihang palad, nang lahat ang pag-asa ni Rizal, dumating ang hindi niya inaasahang
tulong ni Valentin Ventura mula sa Paris. Ipinadala niya ang kabuuang gugol sa pagpapalimbag
ng aklat matapos mabalitaan ang pangangailangan ni Rizal sa salapi.
Natapos limbagin ang aklat noong Setyembre 18, 1891 saGhent,Belgium. Inihandog ni Rizal
ang nobela sa alaala ng mga paring sina Gomez,BurgosatZamora.
Ang pagkahandog na ito sa tatlong paring martir ng ikalawang nobela ni Rizal ang panunahing
dahilan kung bakit ito ay itinuturing na isang nobelang political. Naglalahad dito sa isang
malatalaarawang pagsasalaysay ang mga suliranin ng sistema ng pamahalaan at ang mga
kaakibat na problema: problema sa lupa, pamamahala, pamamalakad ng relihiyon at
edukasyon, katiwalian atbp. Tuwiran at di-tuwiran, masasalamin din ang mapapait na
karanasang gumiyagis kay Rizal sa ilang mga eksena at yugto ng nobela.
Masagisag at malarawan ang ebolusyon ni Simoun mula kay Crisostomo Ibarra, bagaman hindi
maiiwasang makilala ang mga kapaitan at kabiguan sa paraang hindi maipagkakamali –
kasama na pati ang pangungulila at pag-aasam sa pag-ibig.
Sa El Filibusterismo, ipinakilala ni Rizal ang isang pagbabanyuhay niya bilang nobelista.

Karagdagang Impormasyon:

Ang nobelang El Filibusterismo (literal na “Ang Pilibusterismo“) o Ang Paghahari ng


Kasakiman ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na
si José Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa
bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora.  Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me
Tangere at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at,  tulad din nito,
nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang nagpapraktis
ng medisina sa Calamba.
Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at pinagbuti niya ang
ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa kaniyang manuskrito habang
naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at nakumpleto niya ito noong Marso 29, 1891,
sa Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon sa Gent. Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa
niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos
ang aklat noong Setyembre 22, 1891.
Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang
lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan.

You might also like