You are on page 1of 10

Kaligirang

Kasaysayan ng
El
Filibusterismo
Nang mga panahong yao’y
nagdaranas din ng suliranin sa
lupa ang mga magsasaka ng
Calamba. Ito ay kanilang inilapit
kay Rizal na humingi naman ng
tulong ang pagdinig sa kaso ng
problema sa lupa, napasabay pa
sa pagdinig ng kaso ni Rizal
ukol sa pagpapalathala ng
tinaguriang “makamandag” na
babasahing Noli Me Tangere.
Lumisan si Rizal sa Pilipinas noong Pebrero 3, 1888
dahil sa pangamba niyang manganib ang buhay ng
mga mahal niya sa buhay. Katakut-takot na liham
ng mga pagbabanta na karamihan ay walang lagda
ang dumarating at ipinayo ng gobernador na
bumalik siya sa ibang bansa. Ang kanyang pamilya
ay inusig. Umakyat ang kaso sa lupa ng mga
Mercado-Rizal hanggang sa Kataastaasang
Hukuman ng Espanya.
Leonor Nellie
Rivera Boustead

Sinasagot niya ang kabi-kabilang tuligsang tinatamo


ng Noli Me Tangere; namatayan siya ng dalawang
kaibigan at mababa ang pagkikilalang iginagawad sa
kanya ng mga kasama sa Kilusang Propaganda. Bukod
dito’y dumanas si Rizal ng suliranin sa pananalapi.
Naisiwalat ni Rizal ang kanyang paghihirap sa isang
liham na naipadala kay Jose Maria Basa.
“Ako’y nanghihinawa na sa paniniwala sa ating
mga kababayan. Parang sila’y nagkakaisa upang
maging mapait ang aking buhay; pinipigilan nila
ang aking pagbabalik, nangangakong bibigyan ako
ng tustos, at pagkatapos na gawin sa loob ng isang
buwan ay kalilimutan nang muli ako… Naisanla
ko na ang aking mga alahas, nakatira ako sa isang
mumurahing silid, kumakain ako sa mga
pangkaraniwang restawran upang makatipid at
mailathala ko ang aking aklat. Hindi naglao iyon,
ititigil ko kung walang darating sa aking salapi.
At sasabihin ko sa iyo, kung hindi lamang sa iyo,
kung hindi lamang ako naniniwalang may mga
mabubuti pang Pilipino, nais kong dalhin ang
aking mga kababayan at ang lahat sa demonyo…”
Sa kabutihang palad, nang
ang lahat ng pag-asa ni Rizal
ay muntik ng maglaho,
dumating ang hindi niya
inaasahang tulong ni
Valentin Ventura mula sa
Paris. Ipinadala niya ang
kabuuang gugol sa
pagpapalimbag ng aklat
matapos mabalitaan ang
pangangailangan ni Rizal sa
salapi.
Ika-18
ng
Setyembr
e , 1891
Ghent,
Belgium
Ang pagkahandog na ito sa tatlong paring martir
ng ikalawang nobela ni Rizal ang panunahing
dahilan kung bakit ito ay itinuturing na isang
nobelang political. Naglalahad dito sa isang
malatalaarawang pagsasalaysay ang mga suliranin
ng sistema ng pamahalaan at ang mga kaakibat na
problema: problema sa lupa, pamamahala,
pamamalakad ng relihiyon at edukasyon,
katiwalian atbp. Tuwiran at di-tuwiran,
masasalamin din ang mapapait na karanasang
gumiyagis kay Rizal sa ilang mga eksena at yugto
ng nobela.
Sa El Filibusterismo, ipinakilala ni Rizal ang isang
pagbabanyuhay niya bilang nobelista.

You might also like