You are on page 1of 4

Pag-unawa sa Paksa:

1. Ano ang nilalaman ng Senate Bill 450 ni Senator Jinggoy Estrada? Paano ito makakatulong sa
industriya ng niyog sa bansa?
 Ang senate bill 450 ni Senator Jinggoy Estrado o kilala rin sa tawag na Republic Act 8048 ay isang
panukalang naglalayon na Protektahan at kontrolin ang Pagputol sa puno ng niyog upang maiwasan ang
labis na pang-abuso sa mga ito. Ilan sa nilalaman ng probisyong ito ay ang pagbibigay ng kaalaman sa
tulong ng mga eksperto tungkol sa tamang pag-aalaga, pagtatanim at pag-ani ng niyog; Ang pagpalit sa
hindi baba sa dalawang puno ng niyog sa bawat isang pagputol nito kung matanda na ang puno, at hindi
naman baba sa limang puno ng niyog ang ipapalit kung ito ay gagawing coco lumber o ang kahoy na
ginagamit pang imprastraktura.

Sa tulong ng Republic Act 8048 ating maprepreserba at mapapangalagaan ang agrukultura ng


niyog na siyang tinaguriang,”tree of life” at ating maisalang-alang ang ating responsibilidad
bilang isang responsableng konsyumer at prodyuser sa pamamagitan ng pagbibigay kaalaman ng
mga eksperto sa agrikultura na nakapailalim sa probisyong ito.

2. Ano ang mgadahilan ng paghina ng niyog?

 Angking ganda na ng Pilipinas ang Rainforest na karaterisidad nito at ang matabang lupang
katangian nito na siyang pribelihiyong pagtaman ng mga mamayan nito. Humina ang produksyon ng
kroprahan sa pilipinas sa kadahilanan ng monopolyo at katiwalian sa gobyernong pilit pinaiiral ang bakal
ng kamay na siyang latay ‘di lamang sa agrikultura ng niyog pati sa lipunang ating ginagalawan. Sa baba
ng presyo ng kilo ng kopra, hindi na sapat ang kinikita ng mag niniyog para buhayin ang kanilang pamilya
at labis na lamang ang galit sa puso ng mga nag seserbisyo sa linya ng agrikultura ng niyog, ang
pagsasaawalang bahala at pagmamanipula ng nasa kinauukulan sa mga magniniyog ang Ilan sa mga
dahilan kung bakit may Ilan na lumisan at naghanap ng trabahong may sapat na pasweldo upang
buhayin ang kanilang pamilya na siyang nakakalungkot isipin na sa loob ng limang dekadang pakikibaka,
ang mga hinirang na bayani sa linya ng agrikultura ng niyog ay tuluyan parin na ipinaglalaban ang pondo
o mas kilalang “coco levy trust fund” na siyang dapat tulong sa mga magniniyog.

3. Kailan at paano nagsimula ang coco levy? Ano ang layunin nito?
 Ang Coco Levy, mula sa Republic Act 6260 o coconut investment act. Natagurian itong Coco levy
fund scam sa administrasyon ng diktador na si dating pangulong Ferdinand Marcos. Ang kakarampot na
kita ng mga mag niniyog sa probisyong ito ay binabawasan pa ng buwis na kung susumahin ay 15% na
siyang bumubuo sa kita ng isang mag niniyog. Ang layunin ng probisyong ito ay para mapaunlad ang
industriya ng niyog ngunit sa halip, nauwi sa wala dahil sa pagpapatupad ng Presidential decree 1468 na
nilagdaan ng dating Pangulong Marcos ang pagpasa ng pangagasiwa sa pondo sa mga conjuangco at
enrile. Ang mahigit sa kalahati ng 71 bilyong pisong pondo ay inilaan sa mga makinarya na siyang hindi
nagamit dahil sa kakulangan sa kaalaman ng mag niniyog. Sila ay tuluyang napabayaan at lumipas ang
limang dekadang pakikibaka para sa pondong bunga ng pawis at paghihirap ng magniniyog upang
makamtan ang tamis na bunga ng kanilang pinaghirapan.
4. Ayon sa mga magniniyog magkano lang ang presyo ng kopra kada kilo? Talakayin kung gaano
kahirap ang trabaho nila.
 Sa kabila ng hirap ng mga tabahador sa linya ng koprahan,pumapatak lamang sa otso pesos,₱8
ang halaga kada kilo ng kopra na siyang bumaba pa ng humagupit ang bagyong yolanda sa anim na piso
₱6,kasabay ng pagkalagas ng kagubatan, bumababa ang produksyon ng kopra kaakibat pa nito ang pag
taas ng mga bilihin. Walang magawa ang mga magniniyog kundi tuluyang magtrabaho sa industriyang
sakal sa polisiyang ipinatupad ng gobyerno. Pinaulanan ng pangakong nalimot pagkatapos maluklok sa
pwesto, ang kita sa koprahan ay pinaghahatian pa ng mga trabahador na may pamilyang binubuhay
kqya’t dapat isa alang-alang ang kanilang kalagayan.

5. Ano-ano ang mga suliraning pinagdaanan ng mga magniniyog?


 Ilan sa mga ito ay ang buwis na ipinapataw sa kakarampot na kita na punta lamang sa coco levy
trust fund scam. Ang mababang halaga ng kopra kada kilo kaakibat ng pagtaas ng bilihin kasama pa ang
pagkalagas ng kagubatan na hinagupit ng bagyong yolanda na siyang pangunahing pinagkukunan at
pinagtatamnan ng mga magsasaka. Ang tuluyang pakikibaka para sa pondong kanilang pinaghirapan na
pilit ipinagkakait ng mga kinauukulan. Ang pagpapabaya ng gobyerno sa karapatan at kalagayan ng
magniniyog na gipit sa polisiyang kanilang pinappaairal. Kakulangan sa mga oportunidad sa ibang linya
ng trabaho, ang ilan sa kanila ay napipilitan na lamang magtanim ng kopra sa kadahilanang malayo ang
kabihasnan na siyang sentro ng oportunidad. Ang pagbili sa mga lupang kanilang pinataniman para
gawing subdivision at tuluyang pagkalagas ng kagubatan at gawing coco lumber.

6. Alin sa mga panawagan ng mga magniniyog ang tumatak sa iyo? Bakit?


 Tumatak sa akin iyong panawagan nila na taasan ang bentahan ng kopra kada kilo sa halagang
kinse pesos. Sobrang baba ng bentahan ng kilo ng kopra tapos kung papaano nila napagkakasiya ang
dalawang libong kita kada buwan. Masakit isipin yung ipinagkait na pondo na dapat sa kanila. Sobrang
nakakagalit yung mga nasa posisyon na nagpatupad sa mga programang hindi angkop sa kanila kasi hindi
nila direktang nakikita ang kalagayang ng ating mga magsasaka. Napapaisip ako kung mayroon pa bang
genuine na maluloklok sa pwesto, hindi naman sa lahat pero marami, sa karamihan ng mga tumatakbo
para maupo sa pwesto ay iyong walang kaalaman sa tunay na dinaranas ng mga normal na manggawang
pilipino tapos kung ang mga nasa middle class nga ramdam ang pagtaas ng bilihin paano pa kayang
silang wala sa minimum wage? Ang sakit sa puso mabasa yung kalagayan nila, dapat hindi ito
ipagsawalang bahala, dapat aksyunan ito lalo na ngayong pandemya, paano na sila? May pamilya silang
binubuhay at mga anak na pinapaaral. Darating na ang eleksyon 2022 nako sana naman isaisip natin
yung iluloklok natin sa pwesto hindi yung ganto, yung mga magnanakaw yung pinauupo.
7. Paano minanipula ni Marcos ang bentahan ng kopra?
 Ang pagpataw ng buwis sa kakarampot na kita ay nagbunga lamang ng kaanumalyahan sa
administrasyon ng kilalang diktador na si dating pangulong Marcos. Matapos lagdaan ang presidential
decree 1468, tuluyan na nga napasakamay ng administrasyong marcos ang pangagasiwa sa pondo,
nakamkam at walang habas na winaldas ang perang dapat sa pagpapalago sa industriya ng niyog. Sa
ilalim ng pangangasiwa ng mga cojuangco at enrile, inilaan nila ito sa mga makinaryang hindi naman nila
alam gamitin. Umiral rin ang monopolyo sa ilalim ng mga polisiyang hindi makatarungan lalo na sa
presyuhan ng kopra, ginugulangan ng mga negosiyante ang mga nagkokopra. Karamihan sa mga
negosiyanteng ito ay ang kapwa pilipino pa. Tuluyang napabayaan ng gobyerno, nauwi halos sa kalahati
ng pondo sa wala.
8. Gaano kalaki ang industriya ng niyog sa bansa? Talakayin.
 Napakayaman ng ating bansang pilipinas, napapaligiran ito ng tubig at may matabang lupang
sakahan, binubuo ito ng 7641 na isla. Ang industriya ng niyog ay ang pangunahing produktong pang-
agrikultura na siyang kumikita ng malaking halaga ng dolyar sa ating bansa. Mahigit dalawampu’t limang
miyong pilipino ang umaasa sa industriya ng niyog. Noong 2018 naitala ng selected statistics on
agriculture na Ikalawa ang pilipinas sa pangunahing prodyuser ng niyog sa buong mundo ngunit sa kabila
nito tuluyan pa ring naipagsasawalang bahala ang agrikulturang saklay ng eknomiya ating bayang
pilipinas.

9. Saan/paano ginastos ng gobyerno ni Marcos ang 9.7 bilyong piso mula sa mga magniniyog?
 Matapos mapatupad ang presidential decree 1468, maliban sa nakamkam at mga makinaryang
hindi naman nagamit dahil sa kakulangan sa kaalamna ng mga magniniyog, ang ilan sa mga ito ay
ininvest at ibinili ng share sa san miguel, inilaan sa pagpapatayo ng negosyo kabilang na ang mga
insurance company, banko na lalong nagpahigpit sa mga polisiya sa linya ng agrikultura ng niyog,
factories katulad ng gilingan ng niyo o “oleochemical plants”.

Gawain 1:
I.
1. Ano ang suliranin ng industriya ng niyog?
 Isa sa malaking suliranin na kinakaharap ng industriya ng niyog ay ang mababang presyo ng
kopra sa merkado na labis na nakakaapekto sa mga maliliit na negosyo sa linya ng coconut products at
ang tuluyang pagpapabaya ng gobyerno sa agrikultura ng niyog.

2. Ano ang solusyon para lumakas ang coconut industry?


 Likas sa filipino ang tumakikik ng imported na produkto sa kadahilanang pagnarinig ang lokal ang
iisipin agad ay low quality ang bagay bgunit bilang isang pilipino dapat tangkilin natin ang sariling
atin, lalo na yung nasa linya ng agrikultura ng niyog dahil ito ang ating pangunahing produkto
pagdating sa pang-agrikulturang industriya.

3. Paano makakapagbigay ng karagdagang trabaho ang nasabing industruya?


 Madaming produkto ang nalilikha mula sa niyog, sarit-saring produkto ang magagawa kung ang
lahat ay makikita ang halaga nito maaari natin itong i-export sa ibang bansa dahil indemand ito, kung
ating lang mabibiyang pansin ito tiyak ilang oportunidad ng trabaho ang malilikha sa industriya ng niyog
at sa malamang ilang pilipino ang magkakatrabaho.

https://www.youtube.com/watch?v=pBxUMVXo_gw

II.
1. Gaanonakalawak ang merkado ng buko juice?
 Masasabing malawak ang merkado ang buko juice dahil in-demand at tinatangkilik ito sa
estados unidos bilang coffee creamer, lipblams, virgin coconut oils at eco-friendly ang
produktong mula sa niyog.
https://www.youtube.com/watch?v=4P-VDczOZGg

1. Ano-ano ang mga produktong nagmula sa niyog ayon sa video?


 Napakaraming produkto ang biyaya mula sa niyog, may coco sugar, coconut oils,coconut
flour,coconut vinegar, mamari rin ma convert sa biochemicals tunay nga ito ay tree of life sa
daming produktong magagawa mula rito.

2. Ikumpara ang presyo ng kopra sa Pilipinas at sa karatig bansa.


 Ayon sa bidyo halos hindi nagkakalayo ang presyo ng presyo nng kopra mula sa ating
bansang pilipinas at sa mga karatig bansa katulad ng Indonesia at malaysia nag presyo ng
kopra ay 13 pesos at anf cococnut oil naman ay 2 pesos kada kilo.

https://www.youtube.com/watch?v=GH7cfHX96Es

You might also like