You are on page 1of 2

Joyce D.

Bestudio BSED ENGLISH 2D EVE

Programa: PLENARYO PUBLIKO


Istasyon: DZAR 1026
Oras: 9:10 am
Petsa: Pebrero 20, 2019
Komentarista: Ben Paypon

Mga Taong Nabanggit:

 Pangulo
 Mga magsasaka
 Businessman
 Mga karpentero
 Janitors
 Pangulong Ferdinand Marcos
 Politiko

Mge Lugar na Nabanggit:

 Sakahan
 Manila

Mga Tanggapan o Opisinang Nabanggit:

 Gobyerno
 National Food Authority
 Private Sector

Buod:

Ang komentaryo ni Ben Paypon sa Rice Tarrification na pinapatupad nang


pangulo ay mas labis na naapektohan ang mga magsasaka dito kaysa sa
ibang mga negosyante/businessman. Kahit na sinabi nang gobyerno na
bibigyan nang sabsidiya ang mga magsasaka o ibang maliliit na mga
negosyante o trabahante kagaya nang karpentero at janitors ay wala paring
natatanggap ang mga ito. Noong kapanahonan ni pangulong Markus na
pinangungunahan ang industriyang niyog na kumikita noon nang bilyong-
bilyong halaga ay hindi parin nasasauli sa mga magsasaka ang perang dapat
sa kanila dahil ito’y pinagkakaguluhan nang ibang mga politiko na kuhanin
ang pundo. Ang rice terrification ay walang siguradong patakaran sapagkat
ito’y hawak na nang mga private sector at ang National Food Authority ay
wala nang karapatan na pakialaman ang presyo nang bigas.

Reaksyon:

Ang komentaryong aking napanood ay magandang pakinggan sapagkat ito’y


napapahayag ni Ben Paypon nang mabuti at nabibigyan talaga nang pokus at
kaliwanagan ang paksa. Ito’y tungko sa mainit na isyu sa bansa ang rice
tarrification. Ang sabi ni Paypon, ang labis na naapektohan sa pagpapatupad
nito ay ang mga magsasaka na sa alin ay totoo naman. Sumasang-ayon ako
sa sinabi niyang ito. Sapagkat makikita mo talaga sa mga magsasaka ngayon
na parang wala na silang kaunlaran sa kanilang pamumuhay. Sila’y
nakukulangan nang mga kagamitan sa pagsasaka dahil sa perang hindi
naibalik sa kanila. Bukod pa rito, ang presyo nang bigas ay magiging hindi na
makatarungan dahil ito’y ginawa nang komersyal. Wala nang hawak ang
Nationa Food Authority nito kaya hawak na ito nang mga negosyante na
pinapakialaman ang presyo. Masasabi kong hindi makatarungan ang rice
terrication na hawak nang mga private na mga sektor dahil sa pagkakaalam
ko ito’y pagmamay-ari nang gobyerno at ito’y pagmamay-ari rin nang mga
tao. Kung hindi makatarungan ang presyo nito ay magiging mahirap sa mga
tao ang makabili nito. Sa halip na ang mga palay ay tinatanim at inaani para
sa mga taong namimili at konsumidor ay nagiging negosyo na ito. Kaya
naman hindi ako sang-ayon sa pagpapatupad nitong rice terrification dahil
nakaka-awa ang mga tao lalong-lalo na ang mga magsasaka na
nagsusumikap magtrabaho.

You might also like