You are on page 1of 2

Pangalan: Loro, Rhonamie C.

Grade & Section: BEED 2A-DAY

Panuto: Makinig ng isang komentaryo at gawin ang mga sumusunod na gawain:


Programa: DZAR 1026
Istasyon: 3rd Floor, ACQ Tower (formerly Jacinta Building I/NBC Tower), Santa
Rita St. cor. EDSA, Brgy. Guadalupe Nuevo, Makati
Oras: 09:06 AM
Petsa: Ika-20 ng Pebrero taong 2019
Komentarista: Ben Paypon

1. Ilahad ang mga pangalan ng tao sa nabanggit sa komentaryo


• Pangulong Ferdinand Marcos
• Pangulong Rodrigo Duterte
2. Ilista ang lugar na nabanggit.
• Thailand
• Pilipinas
• Quezon
3. Ilista ang tanggapan o opisinang nabanggit.
• National Food Authority (NFA)
• Bereau of Plant Industry
• World Trade Organization (WTO)
4. Ibuod ang komentaryong iyong napakinggan.
Ang komentaryong aking napakinggan ay tungkol sa Rice Tarrification Law na
ipinatupad ni Pangulong Duterte. Pinapayagan ng batas ang sinumang pribadong
importer-distributor ng bigas na mag-angkat ng anumang dami ng bigas. Ang tanging
kailangan: isang sanitary permit mula sa Bureau of Plant Industry. Marami ang naging
protesta ng mga magsasaka hinggil dito dahil higit na naaapektuhan ang mga
magsasakang Pilipino. Maganda naman ang layunin nito dahil hindi kailangang mag
trabaho ng mga magsasaka dahil sa pagkakaroon na silang sabsidiya. Ngunit, hindi
alam kung paano ito ipapamahagi sa mga magsasaka at ano ang maaaring mangyari
sa mga empleyado ng National Food Authority (NFA) kung mawalan sila ng papel sa
supply at presyo ng bigas. Ang pinakasentro nito ay ang mga magsasaka ang lubhang
naapektuhan sa Rice Tarrification Law sa kabila ng mgagandang dulot nito sa pagbaba
ng presyo ng bigas.

5. Ilahad ang iyong reaksyon sa komentaryong napakinggan.


Batay sa aking napakinggang komentaryo, ako ay nalulungkot para sa ating
masisipag na mga magsasakang Pilipino. Ang pagpakatuparan ng Rice Tarrification
Law ay may magandang maidudulot naman pero mayroon din itong masamang dulot.
Oo, masaya para sa ekonomiya ang pagbaba ng presyo ng palay ngunit paano na ang
mga magsasaka? Hindi ba sila kasama sa ekonomiya? Hindi naman sumasapat ang
pinag-uusapang ayudang binhi at pataba na nakapaloob sa RTL. Dahil dito, ako ay
nalilito sa kung nakakabuti ba ito para sa ating magsasaka or ito'y nakabubuti lamang
para sa traders ng palay.

You might also like