You are on page 1of 5

KARANASAN NG ISANG RETAILER

NG KARNE SA GITNA NG
PANDEMYA
RASYONALE
Ang Covid-19 ay malakas na tumama sa mundo at nagdala ng malaking pagbabago, sa
paksang ito pag-uusapan natin kung ano nga ba ang mga naranasan ng mga retailer ng karne sa
pagbugso ng problema na ito.
Ang mga retailer ay ang pinagkukunan natin ng ating mga pagkain, kaya’t lalo silang
nahihirapan sa pagbugso ngayon ng pandemya na ito dahil hindi nila alam kung paano nga ba
patakbuhin nang maayos ang kanilang negosyo. Lalo na ang mga retailer ng karne dahil tumataas
nang tumataas ang mga bagsakan ng karne at hindi na nila alam kung paanong pagbenta nga ba ang
gagawin nila sa mga karneng ito. Habang mas lumolobo o dumarami ang tinatamaaan ng sakit,
nadagdagan na naman ng isang problema ang mga retailer ng karneng baboy dahil sa muling
nagkaroon ng outbreak ang African Swine Fever (ASF). Sa aming pagsisiyasat, nalaman namin na
dahil rin sa ASF ay mas dumoble ang presyo ng karneng baboy sa merkado.
Bumungad sa atin ngayong 2021 ang lubhang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, lalo na ang
karneng baboy at iba pang pagkain. Ang nasabing pagtaas ng presyo o tinatawag na inflation ay
nagsimula sa huling dalawang kwarto ng 2020 na nagpapatuloy hanggang ngayong unang buwan
ng 2021. Pumapalo na sa ₱400 kada kilo ang karneng baboy habang ang karne ng manok naman ay
naglalaro na sa ₱190-₱200 kada kilo. Ang kasalukuyang presyo ng pagkain ay lubhang napakalayo
sa ipinangako ng administrasyon ni Duterte na pababain ang presyo ng pagkain.
LAYUNIN

o Layunin ng pananaliksik na ito na malaman ang mga ng


isang retailer ng karne sa panahon ng pandemya.

o Layunin din nito na malaman ang mga kalakasan at


kawalan ng isang retailer ng karne sa panahon ng
pandemya.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang pamagat ng pananaliksik na ito na “Karanasan ng Isang Retailer ng Karne sa Gitna ng
Pandemya” ay isasagawa upang malaman ang epekto at karanasan ng mga nagtitinda ng
karne. Ang pananaliksik na ito ay naglalahad na masagutan ang mga sumusunod na
espisipikong katanungan na gagabay sa pag-aaral:

Ano ang naging malaking hadlang o pagsubok sa pagbebenta ng karne sa panahon ng


pandemya?
Tumaas o bumaba ba ang benta ng kanilang produkto habang pandemya?
Anong paraan ang ginawa ng mga retailers upang patuloy na makabenta ng karne sa
kasagsagan ng pandemya?
Naging malaking balakid ba ang Covid-19 sa kanilang kita?
Anong pagbabago ang kanilang isinagawa at inimplenta sa pagbebenta ng karne?
SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa karanasan ng retailer ng karne sa


kalagitnaan ng pandemya, sa mga prodyuser, sa mga tindero at tindera sa palengke. At dito
sa aming pananaliksik ay kailangan namin ng dalawampu (20) katao upang tanungin kung
ano ang nangyari sa negosyo nila ngayong pandemya kung ito ba ay nalulugi na o patuloy
na nagtitinda para sa kanilang pang-araw-araw na gastusin.
Nilimitahan ng aming pangkat na gawin itong survey na ito para malaman namin ang
mga kaniya-kaniyang pananaw ng mga retailer kung ito ba ay positibo o negatibong epekto
dulot ng pandemya.
Sumasaklaw rin ang layuning malaman kung nagkakaroon ng shortage o tinatawag na
kakulangan ng mga produksyon at surplus o biglang pagdami ng produksyon sa bawat
retailer. Nililimitahan ang pag-aaral na ito sa bawat retailer ng karne sa mga malalapit na
palengke. Hinahangad ng mga mananaliksik na maibigay at ipaalam ang karanasan na
nangyayari sa retailer ng mga karne sa kalagitnaan ng pagkakaroon ng pandemya.

You might also like