You are on page 1of 1

Ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa merkado

Simula NG pumasok ang taong 2021, naramdaman na nating mga mamimili ang pagtaas
NG mga pangunahing bilihin lalo na ang karne NG baboy at iba pang pagkain SA mga pribado
at pampublikong pamilihan. Ang nasabing pagtaas NG presyo o tinatawag na inflation ay
nagsimula SA huling dalawang buwan NG 2020 na nagpapatuloy mula umpisa NG taong 2021
hanggang SA kasalukuyan. Dahil na rin SA kasalukuyang sitwasyon natin dulot NG pandemya,
lahat tayo ay apektado SA pagtaas NG presyo NG mga bilihin. Halos lahat SA atin ay nawalan
NG trabaho o kaya naman ay walang sapat na kita kung kaya’t marami ang dumadaing at
nagrereklamo SA matataas na presyo NG bilihin.

Hindi lang ang mga namimili o konsyumer ang nahihirapan SA kalagayan na ito sapagkat
pati ang mga nagtitinda at mga negosyo ay nalulugi rin dahil SA tumal NG bilihin. Ang presyo
NG kada kilo NG baboy ay pumapalo na SA apat na daang piso o ₱400 habang ang karne NG
manok naman ay naglalaro na SA ₱190-200 kada kilo. Hindi rin nagpapahuli ang gulay SA
pagsirit NG presyo nito. Ang presyo NG mga pangunahing pagkain ay lubhang napakalayo SA
ipinangako NG administrasyon na papababain ang presyo NG pagkain.

Ayon SA Kagawaran NG Agrikultura, ang patuloy na pagtaas NG mga presyo NG mga


bilihin ay dahil SA kakulangan NG suplay at dahil na rin SA malamig na klima na nararanasan
natin ngayon. Ayon SA aking datos na nakalap, nitong enero lamang pumalo na ang inflation o
ang bilis NG pagtaas NG halaga NG mga bilihin SA 4.2 porsyento at ito ang naitalang
pinakamataas na antas SA nagdaang dalawang taon. Mula naman SA datos NG Philippine
Statistics Authority (PSA) pataas ang direksiyon NG presyo NG pagkain. Hindi pa rin
makakaiwas ang lalong pagtaas NG mga pangunahing bilihin dahil tumataas din ang presyo NG
langis. Ang ginagawang hakbang NG gobyerno SA ngayon laban SA patuloy na pagtaas NG
mga bilihin tulad NG pagpapatupad NG price cap SA baboy at manok at pag-angkat NG mga
karneng baboy SA ibang bansa upang matugunan ang kakulangan SA suplay ng karne ay hindi
pa malinaw kung ano ang magiging epekto nito SA presyo NG mga bilihin.

SA ating kalagayan ngayon lalo pa at napapasailalim pa tayo SA pandemyang


kinahaharap NG lahat NG mamamayang Pilipino, mahirap makahanap NG maipantutustos SA
pang araw-araw na gastusin SA bahay lalo na ang mga pangunahing pangagailangan NG
pamilya tulad NG pagkain. Gayunpaman, mga mahihirap na pamilya ang labis na nahihirapan
SA patuloy na pagtaas NG mga bilihin. Kung dati ay dalawang beses lang sila kung kumain,
ngayon ay halos wala o hindi na sila kumakain SA isang araw. Hindi rin alam NG ibang pamilya
kung paano nila pagkakasyahin ang kakarampot na kita nila SA isang araw para matustusan ang
kanilang pagkain SA isang araw at SA mga susunod pa. Kung kaya naman, kailangan na
magkaroon NG komprehensibong plano at agarang aksyon at solusyon ang gobyerno laban SA
usaping pagtaas NG presyo NG mga bilihin upang matugunan ang pangangailangan NG
sambayanang Pilipino.

You might also like