You are on page 1of 3

PRICE CEILING GIFT IPATUPAD SA PAGTAAS NG

PRESYO NG PAGKAIN AT BILIHIN

Ayon kay senatorial candidate at human rights lawyer Chel Diokno, ang pagtaas sa presyo ng
pagkain at iba pang bilihin ay panibagong dagok sa maraming Pilipino na hindi pa nakakabangon
sa epekto ng pandemya.
Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
October 26, 2021 | 12:00am

MANILA, Philippines — Kailangang magpatupad ang gobyerno ng price ceiling sa harap ng


pagtaas ng presyo ng pagkain at iba pang bilihin upang mapagaan ang pasanin ng publiko, lalo na
ang mahihirap na lubhang naapektuhan ng pandemya.

Ayon kay senatorial candidate at human rights lawyer Chel Diokno, ang pagtaas sa presyo ng
pagkain at iba pang bilihin ay panibagong dagok sa maraming Pilipino na hindi pa nakakabangon
sa epekto ng pandemya.
Tinawag din ni Diokno na hindi napapanahon ang pagtaas ng presyo ng bilihin dahil magsisilbi
lang itong dagdag na pabigat sa mga Pilipino na hindi pa nakakakita ng trabaho o ibang
pagkakakitaan.

“Dagdag pasanin iyan sa mga Pilipino, lalo na para sa napakaraming wala pa ring trabaho o
pagkakakitaan dahil sa pandemya,” wika ni Diokno, ang pinuno ng Free Legal Assistance Group
(FLAG) na nagbibigay ng libreng tulong legal sa mga biktima ng pang-aabuso at mahihirap na
Pilipino.

Bilang bahagi ng kanyang layuning tulungan ang mga kababayan ngayong pandemya, nagtatag si
Diokno ng libreng legal help desk para matugunan ang problemang legal ng mahihirap na Pilipino
na walang pambayad sa abogado.

AKING REAKSYON:
Sa aking nabasang balita, para sa akin, sumasang-ayon ako sa sinabi ni Atty. Diokno.
Tunay nga na kailangang ipatupad ng gobyerno ang price ceiling sa pagtaas ng presyo ng pagkain
at bilihin. Sa pagtaas ng presyo ng pagkain at bilihin, ang lahat ng tao ay maaapektuhan—lalo na
ang mga nasa laylayan. Bukod pa riyan, sa panahon ngayon na kung saan ang lahat ay
nahihirapan, lalo na sa aspektong pinansyal, sa tingin ko’y hindi ito ang tamang oras upang
magtaas ng presyo ng mga bilihin. Tunay na dadagdag lang ito sa mga pasanin o suliranin ng mga
Pilipino. Imbis na ang isipin nila’y kung paano matutugunan ang pang-araw-araw na kailangan
nang kanilang pamilya, mas lalo lang silang mag-aalala na hindi nila ito maibigay dahil sa pagtaas
ng presyo ng mga bilihin. Bilang isang mamamayan o estudyante, mahalaga na malaman ko ang
ganitong balita sapagkat ako’y naaapektuhan nito. Kung tataas ang presyo ng mga bilihin,
maaapektuhan ako nito sa paraan na maaaring mabawasan ang aking mga pangangailangan at
hindi ito matugunan ng aking mga magulang kung patuloy lang ang pagtaas ng presyo mga bilihin.

REAKSYON NG AKING MAGULANG:


Ayom naman sa aking magulang, sumasang-ayon din daw siya na kailangang magpatupad
ng price ceiling ang gobyerno. Ang pagtataas daw ng mga presyo ng bilihin ay hindi magandang
desisyon para sa lahat. Magdudulot lang daw ito ng panibagong pasanin at iisipan sa lahat—lalo
na sa mga nanay. Bukod pa riyan, mas mahihirapan lang ang maraming pamilya sapagkat
dadagdag ito sa kanilang gastusin. Imbis daw na mas marami ang mabibili, mababawasan ito dahil
sa mga presyo.

You might also like