You are on page 1of 1

Yusoff, Shawon Nash Filipino

9- Macapagal PT#1

Implasyon
Sa kasalukuyang panahon napakaraming problema ang hinaharap ng ating
lipunan isa na dito ang pag taas ng presyo ng mga bilihin ang
implasyon o inflation sa salitang ingles. Ang implasyon ay ang patuloy
na pagtaas ng pangkalahatang antas ng presyo ng mga kalakal at
serbisyo sa isang ekonomiya. Ito ay nagreresulta sa pagbaba ng halaga
ng pera, kung saan mas kaunting mga kalakal at serbisyo ang mabibili
sa parehong halaga ng pera. Ang implasyon ay maaaring maging sanhi ng
iba't ibang mga kadahilanan tulad ng pagtaas ng pamumuhay, kakulangan
sa suplay ng mga produkto, at pagpapalakas ng pera.

Isa sa pinaka malaking problema na hinaharap ng ating bansa ang


implasyon, dahil maraming mamamayan ang araw-araw na naaapektuhan nito
lalo na sa mga may mababang kita o nagtutustos sa pangunahing
pangangailangan. Isa sa mga epekto na dulot ng implasyon na kinakaharap
natin ay ang pagbaba ng halaga ng pera at dahil sa pagbaba ng halaga
nito ito ay ngangahulugang mas kaunting produkto at serbisyo ang
mabibili. At pwede ring mawalan ng tiwala ang mamayan sa pamahalaan at
kapag nangyari ito mas malaking problema ang ating kakaharapin dahil ito
ay maaaring magdulot ng kawalan ng tiwala ng mamumuhunan sa ekonomiya ng
bansa. Ito ay maaaring humantong sa pagbaba ng puhunan, pagbawas ng
paggastos, at pagbagsak ng ekonomiya.

Sa kasamaang palad ang mga epekto nito ay ating hinaharap sa


kasalukuyan, kaya napakaraming pilipino ang naghihirap dahil sa taas ng
bilihin lalo na yung mga taong na sweldo lang na sapat para sa kakainin
nila. Marami din namang pinapatupad na paraan ang pamahalaan upang
matugunan ang sobrang pagtaas ng presyo ng mga bilihin ngunit hindi ito
sapat upang tuluyan na matugunan ang implasyon. Sana sa hinaharap ay mas
magkaroon tayo ng solusyon na tuluyang makakapag pababa ng mga bilihin
upang hindi na ganon mahirapan ang ating mga mamayan o ang ating bansa
mismo.

You might also like