0% found this document useful (0 votes)
154 views1 page

Inflation

Ang inflation ay ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing produkto at serbisyo. Ito ay maaaring iimpluwensiyahan ng pamahalaan sa pamamagitan ng polisiya ng Bangko Sentral at pagkontrol sa supply ng salapi. Ang mga konsyumer ay maaapektuhan ng inflation dahil sa mas mataas na presyo ng mga bilihin.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
154 views1 page

Inflation

Ang inflation ay ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing produkto at serbisyo. Ito ay maaaring iimpluwensiyahan ng pamahalaan sa pamamagitan ng polisiya ng Bangko Sentral at pagkontrol sa supply ng salapi. Ang mga konsyumer ay maaapektuhan ng inflation dahil sa mas mataas na presyo ng mga bilihin.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

Inplasyon

Ibagsak ang presyo! Ibagsak ang presyo! Kadalasan ito ang sigaw ng mga tao kapag umiiral sa bansa ang
high inflation. Pero ano nga ba ang inflation? Paano nito naaapektuhan ang ordinaryong mamimili?
Ano-ano ang maaaring gawin ng gobyerno tungkol dito?

Ang inflation ay ang pagtaas ng presyo ng ilang pangkaraniwang serbisyo’t produktong binibili ng mga
konsyumer. Mas madali itong maintindihan kung pamilyar tayo sa konsepto ng CPI. Ano naman ang CPI?
Sa madaling salita ang , ang inflation ay ang pagtaas ng Consumer Price Index o CPI. Ipinapakita nito
kung gaano kalaki ang itinaas ng CPI sa nakalipas na taon o buwan. Kung ang taunang inflation rate ay
mas mataas sa isang partikular na panahon, ibig sabihin, ang karaniwang halaga ng isang basket ng mga
produkto ay mas mataas kumpara sa halaga nito sa parehong panahon noong nakaraang taon. Ganito
rin ang analohiya para sa buwanang inflation. Ang pamahalaan ay may magagawa para kontrolin ang
inflation pero hindi sa lahat ng produkto. Market forces ang kadalasang nagdidikta sa pagtaas o pagbaba
ng presyo ng mga bilihin. Subalit bilang proteksyon sa mga konsyumer, tinitiyak ng pamahalaan na
risonable at hindi mapang-abuso ang pagtaas ng presyo, lalo nan g ga pangunahing produkto.

Halimbawa, pwedeng sitahin ng pamahalaan ang nagtitinda masyadong mahal. Tuwing may kalamidad,
maaaring magpataw ng price freeze o prize ceiling sa mga bilihin ng mga apektadong lugar ng DTI.
Naimpluwensyahan din ng pamahalaan ang inflation sa pamamagitan ng polisiya ng Bangko Sentral ng
Pilipinas, na nanigurong hindi labis an gang dami ng salapi sa merkado na nagbubunsod ng agarang
pagtaas ng mga presyo ng bilihin dahil sa malawakang demand. Mulat din ang pamahalaan na kapag
mas mataas ang buwis, mataas din ang presyo ng bilihin. Kaya naman, pinag-aaralan ng pamahalaan ang
anomang panukalang may kinalaman sa buwis. Kaya tayo bilang mga mamamayang Pilipino, huwag
basta-bastang magreklamo, intindihin ang sitwasyon at dapat alalahanin na ang pamahalaan ay
ginagawa ang lahat para sa ikabubuti ng lahat. #

You might also like