You are on page 1of 1

PAGTAAS NG BILIHIN SA PILIPINAS SA PAPARATING NA PASKO

Ang inflation ay ang pagkakaroon ng maraming pera ng mga mamamayan, ngunit


nawawalan naman ng halaga pagka’t sabay-sabay na nagtagtaas ang presyo ng mga bilihin sa
merkado. Ang inflation ay hindi lamang nakakaapekto sa mga produkto kundi kasama na rito
ang mga serbisyo at maintenaces sa loob ng tahanan. Ang Pilipinas ay kinakaharap ngayon ang
inflation o ang pagtaas ng mga bilihin, dahil sa paparating na pasko at dahil na rin sa nakaraang
bagyong Karding. Ang inflation rate noong Oktobre na 7.7% ay naging 8% na ngayong
Nobyembre, at isama ang papalapit na pasko. Ang mga pangunahing mga produktong nagtaas na
ng presyo ay ang mga pagkain lalo na ang mga gulay, gaya ng talong, at bigas, confectionary at
mga panghimagas gaya ng pulang asukal. Pangalawa sa nagtaas ay ang mga serbisyo sa
restawran at accommodation, at pangatlo ay ang kagamitan sa tahanan gaya ng detergent soap
Naghihirap na ang bansang Pilipinas dahil sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin at
akomodasyon, lalo na ngayong papalapit na pasko. Ang pagtaas ng presyo ng mga pagkain ay
nagkaroon ng negatibong epekto sa pamumuhay ng mga mamamayan, lalo na ang mga
mahihirap. Sila’y mahirap, na ngunit mas lalo pa silang naghihirap dahil sa inflation. Maraming
trabaho man ang inaalok ng bansa, ngunit mababa naman ang sweldong naibibigay, lalo na
kapag ito ay laboring. Marami namang pera ang mga mamamayan ngunit nawawalan ito ng
halaga dahil na rin sa sabay-sabay na pagtaas ng mga presyo.
Kahit na maraming nagtataasang presyo sa bansa ay kung titignan mayroon rin
itong positibong epekto sa pamumuhay ng iba. Una, mas natututunan ng mga Pilipino kung
papaano mag-budget, nagiging mas matalino ang mga mamamayan sa kanilang paggastos ng
perang kanilang hawak. Pangalawa, nakakatulong ang inflation sa mga negosyante, pagka’t
nakakabawi sila sa kanilang mga gastusin at naiiwasan ang pagkalugi ng kanilang negosyo.
Nagkakaroon rin ng franchises o pagbubukas ng mga bagong negosyo kung saan maraming
trabaho ang magkakaroon sa mga negosyong ito. Ang Pilipinas rin ay nag-iimport ng mga
produkto mula sa ibang bansa, kung kaya’t mapipilitang itigil ang importasyon at suportahan ng
gobyerno ang mga produkto ng Pilipinas. At panghuli, ay sa araw na mayroong okasyon o
espesyal na araw, ay hindi naman kinakailangan ang malaki o engrandeng handaan o kahit hindi
na maghanda. Ang mahalaga ay ang sinisiguradong ginagawang espesyal na araw iyon sa kani-
kanilang pamamaraan.
Ngunit kung titimbangin ay mas marami pa ring negatibong epekto ang inflation sa
buhay ng karamihan kaysa sa positibo. Ang mga pangunahing pangangailangan ay hindi na rin
nakakamit ng karamihan at mas inuuna na lamang ang pinakaimportante sa lahat gaya ng
tahanan, pagkain, at damit. Ang mga karapatan ng isang indibidwal na makapag-aral ay
napapabayaan na dahil sa inflation. At mali ang kaisipang nakakatulong ang inflation sa mga
negosyante, pagka’t mas lalo pa silang napapalapit sa pagkalugi ng kanilang negosyo. Lalo na
para sa mga magsasaka, kapag nagkaroon ng hindi inaasahang pangyayari gaya ng lakas ng
bagyo, ay maraming kakailanganing pera upang maibalik ang dating kalagayan ng palayan. Sa
kung kaya’t kanilang isasalba ang mga pwede pang maisalbang tanim at ibenta sa merkado, kung
minsan pa ay kanila pa itong ibinebenta sa mababang halaga upang sila’y magkaroon lamang ng
kita. Marami rin namang trabaho ang inaalok ng bansa, kaso marami rin ang nangangailangan ng
rabaho, kung kaya’t ang iba ang nagtratrabaho ng marami. Paiba-iba rin ang presyo ng produkto
ng bansa kaya’t hindi talaga maiiwasang tanggapin kung ano ang presyo ng mga produktong
kakailanganin. Marami mang negosyo ang mag-aalok ng trabaho, kalaunan ay magkakaroon ng
pagtaas ng presyo ng mga raw materials kung kaya’t magtataas rin sila ng kanilang produkto at
magkakaroon ng chansang wala bibili dahil sa inflation.

You might also like