You are on page 1of 2

I.

Panimula
pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa merkado Simula NG pumasok ang taong 2021, naramdaman na
nating mga mamimili ang pagtaas NG mga pangunahing bilihin lalo na ang karne NG baboy at iba
pang pagkain SA mga pribadoat pampublikong pamilihan.

II.Katawan
Ang nasabing pagtaas NG presyo o tinatawag na inflation aynagsimula SA huling dalawang buwan
NG 2020 na nagpapatuloy mula umpisa NG taong 2021hanggang SA kasalukuyan. Dahil na rin SA
kasalukuyang sitwasyon natin dulot NG pandemya,lahat tayo ay apektado SA pagtaas NG presyo NG
mga bilihin. Halos lahat SA atin ay nawalan NG trabaho o kaya naman ay walang sapat na kita kung
kaya’t marami ang dumadaing atnagrereklamo SA matataas na presyo NG bilihin.Hindi lang ang
mga namimili o konsyumer ang nahihirapan SA kalagayan na ito sapagkat pati ang mga nagtitinda at
mga negosyo ay nalulugi rin dahil SA tumal NG bilihin. Ang presyo NG kada kilo NG baboy ay
pumapalo na SA apat na daang piso o ₱400 habang ang karne NGmanok naman ay naglalaro na SA
₱190-200 kada kilo. Hindi rin nagpapahuli ang gulay SA pagsirit NG presyo nito. Ang presyo NG
mga pangunahing pagkain ay lubhang napakalayo SAipinangako NG administrasyon na papababain
ang presyo NG pagkain.

III.Konklusyon
Ayon SA Kagawaran NG Agrikultura, ang patuloy na pagtaas NG mga presyo NG mga bilihin ay
dahil SA kakulangan NG suplay at dahil na rin SA malamig na klima na nararanasannatin ngayon.
Ayon SA aking datos na nakalap, nitong enero lamang pumalo na ang inflation oang bilis NG
pagtaas NG halaga NG mga bilihin SA 4.2 porsyento at ito ang naitalang pinakamataas na antas SA
nagdaang dalawang taon. Mula naman SA datos NG PhilippineStatistics Authority (PSA) pataas ang
direksiyon NG presyo NG pagkain. Hindi pa rinmakakaiwas ang lalong pagtaas NG mga
pangunahing bilihin dahil tumataas din ang presyo NGlangis. Ang ginagawang hakbang NG
gobyerno SA ngayon laban SA patuloy na pagtaas NGmga bilihin tulad NG pagpapatupad NG price
cap SA baboy at manok at pag-angkat NG mgakarneng baboy SA ibang bansa upang matugunan ang
kakulangan SA suplay ng karne ay hindi pa malinaw kung ano ang magiging epekto nito SA presyo
NG mga bilihin.SA ating kalagayan ngayon lalo pa at napapasailalim pa tayo SA
pandemyangkinahaharap NG lahat NG mamamayang Pilipino, mahirap makahanap NG
maipantutustos SA pang araw-araw na gastusin SA bahay lalo na ang mga pangunahing
pangagailangan NG pamilya tulad NG pagkain. Gayunpaman, mga mahihirap na pamilya ang labis
na nahihirapanSA patuloy na pagtaas NG mga bilihin. Kung dati ay dalawang beses lang sila kung
kumain,ngayon ay halos wala o hindi na sila kumakain SA isang araw. Hindi rin alam NG ibang
pamilyakung paano nila pagkakasyahin ang kakarampot na kita nila SA isang araw para matustusan
angkanilang pagkain SA isang araw at SA mga susunod pa. Kung kaya naman, kailangan
namagkaroon NG komprehensibong plano at agarang aksyon at solusyon ang gobyerno laban
SAusaping pagtaas NG presyo NG mga bilihin upang matugunan ang pangangailangan
NGsambayanang Pilipino.
Sulating Akademiko
Sa
Kumunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino

ipapasa ni: ipapasa kay:

Dhaniel B. Duque Mrs.Vilma Ruaro

You might also like