You are on page 1of 4

Araling

Panlipunan
Performance
Task #1
Inihanda ni:
Inaprubahan na ng pamahalaan ang pagtataas sa
presyo ng mga pangunahing bilihin sa susunod na
buwan. Maraming produkto ang tataas at tiyak na
apektado ang mga karaniwang Pilipino. Inihayag ng
Philippine Baking Industry Group (PhilBaking) na
tataas ang presyo ng pandesal at Pinoy Tasty. Ang
bawat piraso ng pandesal ay magiging tatlong piso
na mula sa dating dalawang piso lang. Pati ang Pinoy
Tasty ay tataas din mula sa dating tatlompu’t limang
piso ay magiging tatlompu’t siyam na piso na. Ang
pagtaas ng pandesal at Pinoy Tasty ay dahil sa
pagtaas ng presyo ng harina, at asukal. Pero hindi
lamang pala pandesal at Pinoy Tasty ang tataas
kundi halos lahat na ng pangunahing
pangangailangan ng mga tao. Ayon sa Department of
Trade and Industry (DTI), inaprubahan nila ang
pagtataas ng presyo ng sardinas, instant noodles,
karne, corned beef, meat loaf, gatas, naka-botelyang
inuming tubig, sabong pampaligo, sabong panlaba,
battery, kandila at marami pang iba. Ayon kay Trade
Secretary Ramon Lopez ang pagtataas sa presyo ay
inaprubahan dahil sa mataas na gastos sa
produksiyon. Ganunman, pinaalalahanan ni Lopez
ang mga kompanya na dapat ay justified ang
pagtataas at protektado ang consumers. Tuloy na
tuloy na sa susunod na buwan ang taas presyo ng
mga pangunahing bilihin. Wala nang makakapigil
sapagkat inaprubahan na ito ng pamahalaan.
Mga tanong:

1. Sino ang Trade Secretary ng


Pilipinas?
2. Bakit nagtaas ang halaga ng
iba’t ibang tinapay?
3. Anongg grupo ang naghayag
na tataas ang presyo ng
pandesal at Pinoy Tasty?
4. Anong department ang
nagapruba sa pagtaas ng
presyo ng pangunahing
pangangailangan ng mga
tao?
5. Bakit nagtaas ang presyo ng
pangunahing
pangangailangan ng mga
tao?
Mga sagot:
1. Trade Secretary Ramon
Lopez
2. Dahil sa kakulangan ng
harina at asukal
3. Ang dating presyo ng
Pinoy Tasty ay tatlompu’t
limang piso na ngayon ay
tatlompu’t siyam na piso
na.
4. Department of Trade and
Industry o DTI
5. Ang pagtataas sa presyo
ay inaprubahan dahil sa
mataas na gastos sa
produksiyon.

You might also like