You are on page 1of 2

“PAGTAAS NG PRESYO NG BILIHIN”

Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin sa Pilipinas ay isang


malubhang isyu na dapat nating tutulan. Hindi ako naniniwala na ang
patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin sa Pilipinas ay isang
makatwirang paraan ng pag-unlad ng ekonomiya. Sabi nga sa editoryal
“Napakataas ng presyo ng bilihin, hindi na naming kakayaning abutin”
kaya ako ay sumasalungat sa paniwala na ang ganitong hakbang ay
nagdudulot ng kaginhawahan para sa nakararami dahil alam ko kung
paano ito nakakaapekto sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao.
Sa bawat pag-angat ng presyo ng bigas, gulay, karne, at iba pang
pangunahing bilihin, ay nadarama ng mga Pilipino ang epekto nito sa
kanilang pang araw-araw na pamumuhay. Ang hindi pagsasang-ayon ko
ay nagmumula sa matinding pangangailangan na bigyan ng prayoridad
ang kapakanan ng nakararami kaysa sa iilang sektor. Kaya ako ay
tumutol sa ideya na ang pagtaas ng presyo ay isang nararapat na
bahagi ng pag-unlad, lalo na kung ang mga ito ay nakakapinsala sa
maraming mamamayan kaysa sa nakikinabang.
Sa pangkahalatan, hindi ako sang ayon sa pagtaas ng presyo ng bilihin,
at sumasalungat ako sa patakaran na nagiging sanhi ng paghihirap at
kawalan ng katiyakan para sa nakararami. Kaya’t naniniwala ako sa
pangangailangan ng mas makatarungan at masusing pagsusuri sa mga
polisiya upang mapanatili ang kapakanan ng karamihan.

You might also like