You are on page 1of 4

MANGATAREM CATHOLIC SCHOOL, INC.

MABINI ST. MANGATAREM, PANGASINAN


LEARNING MODULE IN ARALING PANLIPUNAN 9
January 24-28, 2022

PANGALAN: ST. CATHERINE ST. FRANCIS ST. LORENZO


UNIT II: Macroeconomics
Lesson: Implasyon
Learning Objective:
 Natatalakay ang konsepto, dahilan, epekto at pagtugon sa implasyon
Pre-assessment

Lagyan ng diyalogo ang mga tao na nag-uusap tungkol sa pagtaas ng presyo ng bilihin.

Discussion
Konsepto ng Implasyon
Ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo ay isa sa mga pangunahing suliranin na kinahaharap ng ekonomiya. Ito
ay nakaaapekto sa mga desisyong pang-ekonomiya ng sambahayan,. bahay-kalakal, at maging ng pamahalaan. Ang uri at dami ng
produkto at serbisyo ay naaapektuhan ng pagtaas ng presyo. Bunga nito, maraming mamamayan ang naghihirap dahil sa patuloy na
pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo.
Implasyon
Ang implasyon ay tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo sa pamilihan. Ang implasyon ay economic
indicator upang maipakita ang kalagayan ng ekonomiya. May mga tao na nagsasabing ang pagtaas ng presyo ay tanda ng pagbuti ng
ekonomiya. Ngunit, sa maraming bansa, ang implasyon ay isang suliranin na .dapat bigyan ng pansin. Ang pagtaas ng presyo ng mga
bilihin ay patuloy na nagaganap sa iba't ibang panig ng daigdig kahit noong mga nakalipas na taon. Noong panahon ng Great Depression
ng 1930s sa Europa ay nagkaroon ng hyperinflation. Labis ang naging pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ito ay nangyari sa Germany na
kada oras, araw, at linggo ay tumataas ang presyo ng mga bilihin. Ang kawalan ng halaga ng ating salapi ay nangyari sa ating bansa
noong panahon ng mga Hapones. kung saan ang napakaraming salapi ay kakaunti ang nabibili.
Sa panahon na may implasyon sa isang bansa ay kailangan ang pagtutulungan at pagkakaisa ng pamahalaan, mga prodyuser,
at mga mamimilli.
Ang mga tao ay may malaking bahaging ginagampanan upang mabawasan, kundi man masugpo, ang implasyon. Ito ay bahagi
ng ating pang-araw-araw na buhay dahil ang presyo ng mga bilihin ay nagbabago sa bawat paglipas ng araw. Kaya, anoman ang ating
gawin, apektado tayo ng suliraning ito ng ekonomiya.
Mga Uri ng Implasyon
Demand Pull
Ang demand pull inflation ay nagaganap kung mas mataas ang demand ng mga produkto at serbisyo kaysa sa supply na nasa
pamilihan. Ang lahat ng sektor ng ekonomiya ay may kani-kanilang demand sa lahat ng uri ng produkto at serbisyo. Kapag pinagsama-
sama ang lahat ng demand ng mga sektor, mabubuo ang aggregate demand ng ekonomiya. Ang demand pull inflation ay nagpapakita
ng kalagayan na mas mataas ang aggregate demand kaysa sa aggregate supply, na tumutukoy sa kabuuang dami ng produkto na
handang i-supply ng mga negosyante sa buong ekonomiya.
Ayon kay Milton Friedman, isang ekonomista na tumanggap ng Nobel Prize, ang pagkakaroon ng labis na dami ng salapi na
nasa sirkulasyon na tinatawag na money supply ang isang dahilan kung bakit nagagawa ng bawat sektor na pataasin ang kanilang
demand. Ang pagkakaroon ng labis na salapi ng tao ang nagbibigay-daan na bumili ng maraming produkto at serbisyo. Bunga nito,
tumataas ang demand ng tao na nagiging dahilan kung bakit hinihila pataas ang presyo ng mga bilihin. Ang pagtaas ng kita ay
nakagaganyak ng labis na pagbili ng maraming produkto na nagiging sanhi ng patuloy na pagtaas ng presyo sa pamilihan.

Cost Push
Isa sa pinagbabatayan ng pagtatakda ng presyo ng bilihin ay ang gastos sa produksiyon. Ang pagtaas ng mga gastusin ng
produksiyon ang sanhi ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ang pagbabayad ng sahod ng mga manggagawa,pagtaas ng presyo ng
mga hilaw na materyales at makinarya, at paghahangad ng malaking tubo ang ilan sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Madalas itong nangyayari kapag tumataas ang presyo ng langis dahil lahatng sektor ay umaasa sa langis.Kapag ang mga manggagawa
naman ay humingi ng dagdag na sahod, masusi muna itong pinag-aaralan sapagkat ang pagkakaloob ng dagdag na sahod ay
nangangahulugang kailangang itaas ang presyo ng mga bilihin upang magkaroon ng pondo na pambayad sa dagdag na sahod. Ang
paghingi ng dagdag na sahod ay nagaganap kapag may pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Kaya, ang ganitong pangyayari ay patuloy
na nagaganap sa ating bansa.
Ugnayan ng Presyo, Sahod, at Implasyon
Sinasabi ng mga negosyante na ang mataas na sahod ng mga manggagawa ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Ayon ito sa isang ekonomista na si Joan Robinson, na nagsabi na nagdudulot ng implasyon ang mga unyon. Pero, gaano man ito katotoo,
malinaw na ang implasyon ang isa sa mga dahilan ng paglitaw ng mga unyon. Pigura 3.9. Ugnayan ng Implasyon, Sahod,at Presyo Ang
iba pang nagdudulot ng implasyon naman ay mataas na gastos sa produksiyon bunga ng mataas na halaga ng mga materyales na
galing pa sa ibang bansa, at pagtatakda ng mataas na presyo ng mga negosyante, lalo na ang mga kartel at monopolyo upang
magkaroon ng malaking tubo. Ang pagkakaroon ng middleman ay iśa rin sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ang
pagbabayad ng mataas na buwis ay nagdudulot din ng implasyon.
Structural Inflation
Ang pamahalaan ay may mga patakaran na sinusunod sa pagpapatakbo at pagsasaayos ng ekonomiya. llan sa mga ito ay may
kinalaman sa presyo sa pamilihan, pagtatakda ng bagong sistema ng buwis, at pagpapatupad ng dollar-peso exchange rate. Ang ilang
mga patakaran ng pamahalaan sa pagsasaayos ng ekonomiya ay nagdudulot ng implasyon. Ang kawalan ng kakayahan ng ilang sektor
na maiayon ang anomang pagbabago sa lebel at dami ng kabuuang demand sa kabuuang supply ng ekonomiya, ang tunggalian ng mga
Filipino wage earners at Filipino profit earners sa kita ng bansa,at kompetisyon sa pagitan ng pribado at publikong sektor sa pagpaparami
ng kayamanan ng bansa ay nagiging dahilan ng pagkakaroon ng structural inflation.Isang halimbawa ay pagtataas ng sahod ng mga
manggagawa na tinututulan ng mga negosyante.
Ang anomang kilos, reaksiyon, at pananaw ng mga sektor ng ekonomiya ay nakaaapekto sa pagtaas ng presyo sa pamilihan
at sa buong ekonomiya,kaya kinakailangang masusing pag-aralan ang mga patakaran na dapat ipatupad sa isang ekonomiya upang
maiwasan ang pagkakaroon ng implasyon.
Mga Dahilan ng Implasyon
Masasabi na may iba't ibang dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ang implasyon ay bahagi na ng buhay ng tao sa
araw-araw. Madalas na sinisisi ang pamahalaan sa pagkakaroon ng implasyon. Ang pagtaas ng presyo ay hindi lamang kasalanan ng
pamahalaan, bagkus lahat tayo bilang mga mamamayan ay may kasalanan sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produkto.
Sinasabing ang implasyon ay tanda rin ng pag-unlad ng isang ekonomiya, lalo na kung nababalanse nito ang ibang aspekto o
salik ng pag-unlad ng bansa.

Ang implasyon ay nangyayari dahil sa pagnanais na itago ang mga produkto ng mga miyembro ng kartel o maging ng monopolyo
upang magkulang ang supply at mapilitang itaas ang presyo ng mga bilihin.
Maraming negosyo sa bansa ang nag-aangkat ng mga hilaw na materyales at maging produkto mula sa ibang bansa na mas mura kaysa
lokal na produkto kaya sa ating pamilihan ay dagsa ang imported products. At dahil sa paghahangad ng malaking tubo, ipinagbibili ang
mga lokal na produkto sa ibang bansa kaysa ibenta sa lokal na pamilihan. Isa pang dahilan ng implasyon ay ang oil deregulation: ito ang
pag-aalis ng kontrol ng pamahalaan sa pagtatakda ng presyo ng mga produktong petrolyo. Kaya, kahit hindi naman gaanong gumagalaw
ang presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan ay tumataas ang presyo ng langis. Alam natin na kapag tumaas ang presyo ng langis
at ibang produktong petrolyo ay magkakaroon ng domino effect sa ibang produkto kaya mararanasan ang implasyon. Bilang karagdagan,
ang pagbabayad ng dayuhang utang ng ating bansa sa World Bank (WB) at International Monetary Fund (IMF) ay dahilan din ng
implasyon. llang bahagi ng ating pambansang badyet ay nakalaan sa pagbabayad nito, na maaàri na sanang gamitin ng pamahalaan sa
pagbibigay ng subsidy sa mga kompanya upang hindi magtaas ng presyo ng produkto, lalo na ang mga kompanya na naaapektuhan ng
debalwasyon. Ang debalwasyon ay ang pagbaba ng halaga ng piso kumpara sa ibang dayuhang salapi lalo na ang dolyar.
Epekto ng Implasyon
Ang implasyon ay masasabing may mabuti at hindi mabuting
ibinubunga sa ekonomiya. Dahil șa nakasentro ang kaisipan ng Mataas na Presyo
maraming tao sa pagtaas ng presyo ng mga produkto, hindi na
napapansin na may mabuting naidudulot ang implasyon. Kapag ang
dahilan ng implasyon ay ang pagtaas ng demand, ang mga Mataas na sahod Maraming Negosyo
negosyante ay nahihikayat na pataasin at pagbutihin ang produksiyon
bunga ng pagkakaroon ng mataas na presyo ng mga produkto, dahil
ang mataas na presyo ay isang insentibo sa mga negosyante.
Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produkto at Maraming manggagawa
Mataas na buwis
serbisyo,maraming mamamayan ang hindi na mabayaran at
matustusan ang kanilang mga pangangailangan. Ang mga
negosyante naman ay hindi na nagbababa ng presyo kahit bumaba
na ang kanilang gastusin sa produksiyon.
Mga Taong Nakikinabang Kapag may Implasyon
1.Mga Taong Hindi Tiyak ang Kita
2. Mga Mangungutang
3. Mga Speculator
Mga Taong Apektado ng Implasyon
1. Mga Nag-iimpok
2.Mga Nagpapautang
3. Mga Tao na may Tiyak na Kita
Mga Solusyon sa Implasyon
Ang implasyon ay suliraning pang-ekonomiya na patuloy na nararanasan ng bansa. Ang paglutas o pagbawas ng epekto ng
implasyon ay gampanin ng bawat isa sa atin, maging ikaw ay manggagawa, negosyante, o mag-aaral. Hindi lamang ang pamahalaan
ang may pananagutan upang solusyonan ang lumalalang problema ng implasyon.

Lahat tayo ay may pananagutan sa paglutas ng implasyon. Hindi maipagkakaila na ang pamahalaan ay may malaking bahagi
sa pagsugpo ng implasyon. Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay mahalaga at kailangan upang mabigyang kalutasan ang patuloy na
pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Makikita sa Pigura 3.12 na ang pamahalaan, sa pamamagitan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP),
ay may awtoridad na isaayos ang money supply ng bansa. Maaaring magpatupad ang pamahalaan ng iba't ibang hakbangin upang ang
salaping nasa sirkulasyon ay muling maibalik sa kamay ng BSP. Ang mga mamimili ay makatutulong sa paglutas ng implasyon kung
patuloy na tatangkilikin ang mga lokal na produkto at magiging matalino sa pagbili. Ang pagpapataas ng lokal na produksiyon ay
mangangailangan ng dagdag na manggagawa na magkakaloob ng dagdag na sahod. Hindi ito magdudulot ng pagtaas ng presyo dahil
marami pang manggagawa ang hindi nagtatrabaho na handang tumanggap ng mababang sahod.
ACTIVITY
Pag-aralan ang sitwasyon at isulat ang DI kung dahilan ng implasyon, BI kung bunga ng implasyon, at SI kung solusyon sa
implasyon.
1. Nagpetisyon ang operators at tsuper ng mga pampasaherong sasakyan upang itaas ang pamasahe.
2. Masyadong nakatuon ang mga negosyante sa pagluluwas ng mga produkto.
3. Nangako ang mga prodyuser na patataasin ang produksiyon.
4. Mahigpit na ipinatutupad ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang tight money policy.
5. Dumagsa ang imported products sa ating pamilihan.
6. Ipinagkaloob sa mga manggagawa ang dagdag na sahod at ibang benepisyo.
7.Maraming middleman sa bilihan ng mga produkto sa pamilihan.
8. Pinawalang bisa ang pagpapatupad ng oil deregulation law.
9. Dumarami ang miyembro ng kartel.
10. Nagkukulang ang supplyng mga produkto dahil itinatago ito.
Inihanda ni:
Bb. Jomarie o. Talaman
Guro
MANGATAREM CATHOLIC SCHOOL, INC.
MABINI ST. MANGATAREM, PANGASINAN
LEARNING MODULE IN ARALING PANLIPUNAN 9
January 24-28, 2022

PANGALAN: ST. CATHERINE ST. FRANCIS ST. LORENZO

ACTIVITY
Pag-aralan ang sitwasyon at isulat ang DI kung dahilan ng implasyon, BI kung bunga ng implasyon, at SI kung solusyon sa
implasyon.

1. Nagpetisyon ang operators at tsuper ng mga pampasaherong sasakyan upang itaas ang pamasahe.
2. Masyadong nakatuon ang mga negosyante sa pagluluwas ng mga produkto.
3. Nangako ang mga prodyuser na patataasin ang produksiyon.
4. Mahigpit na ipinatutupad ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang tight money policy.
5. Dumagsa ang imported products sa ating pamilihan.
6. Ipinagkaloob sa mga manggagawa ang dagdag na sahod at ibang benepisyo.
7.Maraming middleman sa bilihan ng mga produkto sa pamilihan.
8. Pinawalang bisa ang pagpapatupad ng oil deregulation law.
9. Dumarami ang miyembro ng kartel.
10. Nagkukulang ang supplyng mga produkto dahil itinatago ito.

Inihanda ni:
Bb. Jomarie o. Talaman
Guro

NOTE: Return this page only. Thank you! 

You might also like