You are on page 1of 19

IMPLASYON

Ang implasyon ay
pangkalahatang pagtaas
ng mga presyo sa loob ng
isang ekonomiya sa isang
takdang panahon.
Ito din ay tumutukoy sa pagbaba ng
purchase power (ang kakayahan ng
salapi na bumili ng serbisyo at
produkto) ng isang unit ng salapi.
Halimbawa, Kung dumoble ang
presyo ng bilihin, ang purchasing
power ay bababa ng kalahati; Kung
bababa ng kalahati ang presyo ng
bilihin, dumudoble ang purchasing
power.
Ano ang mga Sanhi ng Implasyon?
Ang isa sa tinuturong sanhi ng implasyon
ay ang pagtaas ng suplay ng salapi na
nasa sirkolasyon ng isang ekonomiya.
Ang pagtaas ng money supply ay
maaaring dulot ng pag-iimprenta ng
maraming salapi ng mga awtoridad at
pamamahagi nito sa mga tao.
Maaaring bumaba ang halaga ng isang
salapi sa pamamagitan ng pagpapautang
ng pera ng mga banko at sa
pamamagitan ng mga government bonds
na ibinebenta ng gobyerno. Alin man sa
sitwasyon na binanggit, tataas ang money
supply, kasabay nito ay ang pagbaba ng
purchasing power ng salapi.

DEMAND-PULL INFLATION
Ito ay nagaganap dahil sa mabilis
na pagtaas ng demand dulot ng
labis na paggastos ng mga
pribadong indibdwal at ng
gobyerno habang hindi tumataas
ang bilang ng supply. Ito ay
nagdudulot ng paglaki ng ekonomiya
ng isang bansa sa isang maikling
panahon. Habang tumataas ang
demand sa mga produkto at
serbisyo, tumataas din ang presyo
ng mga produkto at serbisyo.
Kapag maraming pera ang maaaring
gastusin ng isang tao, ito ay
nagdudulot sa mas mataas na
paggastos ng mga consumer, at ang
demand na ito naman ay nagdudulot
ng pagtaas ng mga presyo. Ito ay
lumilikha ng demand-supply gap na
may mataas na demand at hindi
flexible na supply, na nagdudulot ng
pagtaas ng presyo.

COST-PUSH INFLATION
Ang cost-push inflation ay dulot ng
biglaang pagbaba ng mga supply
(potensyal na output). Ito ay
maaring dulot ng mga sakuna, o
ang pagtaas din ng mga presyo ng
input (tulad ng mga hilaw na
materyales). Isang halibawa nito ay
ang patuloy na pagbaba ng supply
ng krudong langis, ito ay nagdudulot
sa patuloy na pagtaas ng mga
produktong nagmumula sa langis.
BUILT-IN INFLATION
Dulot ng adaptive expectation, ang
ideya na ang implasyon ay patuloy
lamang sa pagtaas hanggang sa
hinaharap, habang tumataas ang
presyo ng mga produkto at
serbisyo, inaasahan na ng mga
manggagawa na tataas pa sa
hinaharap ang mga presyo na ito
kaya sila ay hihingi ng karagdagan
na sweldo upang mapanatili ang
kanilang estado ng pamumuhay.
Ang mataas na implasyon ay nagtutulak sa
mga manggagawa na humingi ng dagdag na
sweldo upang makasabay ang kanilang sweldo
sa patuloy na pagtaas ng mga presyo ng
bilihin. Ang pagtaas ng sweldo ay nagtutulak
para mga may-ari ng negosyo na magtaas ng
presyo ng kanilang mga produkto. Ang siklo ng
pagtaas ng sweldo at presyo ay maaaring
magdulot ng “wage spiral” kung saan patuloy
ang pagtaas ng implasyon dahil sa hindi
matapos na pagtataas ng sweldo at presyo ng
mga bilihin.
Ano ang mga Epekto ng Implasyon?
Negatibong Epekto ng Implasyon
Hoarding
Bibili ang mga tao ng mga matitibay at mga non-
persishable goods upang maiwasan ang patuloy
na pagbaba ng kakayahan nila na bumili ng
kanilang pangagailangan. Ito ay nagdudulot ng
malubahang kakulangan sa mga hoarded na
mga produkto. Ang kakulangan na ito ay
nagdudulot ng mabilis na pagtaas ng presyo ng
hoarded na produkto.
Pag-aalsa at mga protesta
Ang patuloy na pagtaas ng mga presyo ay nagdudulot
ng galit sa mga mamamayan at nagiging sanhi para
magprotesta sila laban sa pamahalaan.
Hyperinflation
Dahil sa mas mataas na implasyon, ang mga tao ay mas
nanaisihin pa na itago o ipunin ang kanilang mga pera at
hindi ito gamitin. Ito ay nagdudulot ng lalong pagbilis ng
implasyon dahil sa nagiging sagabal sa paggalaw ng
ekonomiya ang labis na pagtatago ng salapi. Dahil sa
kukunti lamang ang salapi na nasa sirkulasyon, napipilitan
ang mga awtoridad na mag-imprenta ng karagdagan na pera
na lalong nagdudulot ng implasyon.
Kakulangan sa sweldo
Dahil sa patuloy na pagtaas ng mga presyo ng bilihin,
unti-unti lumiliit ang halaga na sweldo ng isang
ordinaryong mangagawa.
Epekto sa nagpapautang
Ang perang pinautang ng isang isang institusyon o
indibidwal ay unti-unting nababawasan ang halaga ng
bumabalik sa kanilang salapi. Ang halaga na
pinautang nila sa isang tao ay hindi na katumbas na
babalik na halaga sa kanila. Ito ang rason kung bakit
mas mataas ang interes ng mga utang na tumatagal
ng lagpas ng 3 taon.
Positibong Epekto ng Implasyon
Mas mataas na kita para sa mga Producer
Ang mga Producer ay nakakaranas ng mas malaking
kita dahil ibinebenta nila sa mas mataas na presyo
ang kanilang mga produkto.
Malaking balik sa mga namumuhunan
Ang mga negosyante at namumuhunan ay
nakakaranas ng dagdag na balik mula sa kanilang
mga investments tuwing mayroong implasyon.
Mas mabilis na paglago ng Ekonomiya
Kung ang pagtaas ng demand ang nagdulot ng
implasyon, ito ay nagdudulot ng mabilis na pagtaas
sa ekonomiya dahil sa ang mga producers ay
maglalaan ng karagdanan na puhunan upang lumikha
na mas maraming supply para masabayan ang
pagtaas ng demand.

You might also like