You are on page 1of 2

SANHI AT EPEKTO NG IMPLASYON

MGA DAHILAN NG IMPLASYON

Dahilan ng Implasyon
1. Demand-pull - Nagaganap ang demand-pull inflation kapag nagkaroon ng paglaki sa paggasta
ng sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan at panlabas na sektor ngunit ang pagtaas ng
aggregate demand ay hindi katumbas ng paglaki ng kabuuang produksiyon. Dahil dito,
nagkakaroon ng shortage sa pamilihan kaya ang presyo ng bilihin ay tumataas.

2. Cost-push - Ang pagtaas ng mga gastusing pangproduksiyon ang siyang sanhi sa pagtaas sa
presyo ng mga bilihin. Kung ang isang salik sa produksiyon, halimbawa ay lakas-paggawa, ay
magkakaroon ng pagtaas sa sahod, maaari itong makaapekto sa kabuuang presyo ng mga
produktong ginagawa.

Halimbawa ng dahilan ng implasyuon

 Kapag tumaas ang suplay ng salapi at tumaas din ang kita at demand kaysa produksyon,
mahahatak pataas ang presyo.
 kapag tumaas ang palitan ng piso sa dolyar dahil sa kakulangan ng dolyar na pumapasok
sa bansa (suplay), bumababa ang halaga ng piso katumbas ng dolyar. Ang kailangan ay
higit na maraming pisong kapalit sa dolyar. kaugnay nito, tataas ang presyo ng mga
produkto at serbisyo.
 Nakaaapekto rin sa presyo ang pakikipagkalakalan sa ibang bansa. kapag tumaas ang
presyo ng langis sa pamilihang pandaigdig, tataas din ang presyo ng mga kalakal at
serbisyo na inaangkat mula sa ibang bansa. Bunga nito, tataas ang gastos sa produksyon
na magiging sanhi naman ng pagtaas ng presyo sa lokal na pamilihan,
 Kapag tumaas ang gastos sa produksyon, tataas din ang presyo ng nilikhang mga kalakal
at paglilingkod.
 Kapag malaki ang gastos ng pamahalaan kaysa kita mula sa buwis, tataas ang suplay ng
salaping kita at mahihila ang presyo ng mga kalakal at serbisyo paitaas.

MGA EPEKTO NG IMPLASYON


 Pagdagsa ng mga produkto sa dayuhan.
 Pagkontrol sa presyo ng mga produkto.
 Pagbaba ng suplay ng mga produksyon.
 Pagkukulang ng pondo ng bayan.
 Tumataas ang demand.

You might also like