You are on page 1of 3

NAME: Irish Mae R.

Recarro
BAITANG & SEKSYON: 9- Pantaleon Garcia

WEEK 5

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:


Masdan ang larawan at sagutin ang mga tanong tungkol dito. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.

TANONG:
1. Anu-ano ang mga isyung ipinapakita sa larawan?
- Ang mga isyung pinakita sa larawan ay may kinalaman sa pera tulad ng
mababang sahod sa mga manggagawa, pagtaas ng presyo ng mga bilihin, at
mga korap sa gobyerno.

2. Ano ang mga negatibo at positibong pananaw na ipinakita sa larawan?


- Ang negatibong pananaw na ipinapakita sa larawan ay ang parang ayaw
pakinggan ng gobyerno ang kanilang pinaglalaban at kapag nag-ingay ang
taong- bayan may sasalubong sa kanilang mga sundalo na pinoprotektahan
ang gobyerno at baril para sila ay tumahimik.
- Ang positibong pananaw na ipinapakita sa larawan ay aware ang mga tao sa
isyu ng ekonomiya kaya sila ay nag rally o may pinaglalaban.

3. Bilang bahagi ng lipunang ito, paano ka makatutugon upang maresolba


ang mga isyung may kinalaman sa panlipunang ekonomiya?
- Bilang bahagi ng lipunan, ang opinyon ko ay kapag may maayos na
pamamalakad sa gobyerno at walang mga korap, maayos nilang mahahati
ang pera ng lipunan sa mga tao. Kung gayon, walang mga tao ang
magrereklamo dahil alam nila na nakakatanggap sila ng sapat na pera para
sa kanilang pamilya.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:
Mangalap ng isang bagong balita na may kinalaman sa ekonomiya. Isulat ito,gupitin
o i-print at ipaskil sa iyong sagutang papel. Ibigay ang mga impormasyong hinihingi.

MAYNILA – Lahat ng paraan ng pagtitipid, ginagawa na ni Nelia Balares para magkasya ang budget sa mga
pangangailangan ng pamilya.

Pero ang mismong pagkain nila sa araw-araw, masyado na ring mahal.

"Ang hirap hirap mag-budget. Pero kailangan kumain ang mga tao... Eh meron akong special child, ang
special child ko puro karne ang gusto, so kahit medyo mahirap binibili pa rin," ani Balares.

Ayon naman sa kasambahay na si Rosel Duquila, dati puwedeng mamili ng ibang putahe para makatipid.

Hindi na raw puwede ang ganitong diskarte ngayon dahil nagmahal na ang lahat.

"Umaaray din kami sa sobrang taas ng presyo, lalo na sa karneng baboy. Sobrang taas talaga. Sa isda ganon
din, kahit gulay, pareho, nagtaas lahat. Mapapakamot ka ng ulo na wala sa oras dahil sa taas ng mga bilihin
ngayon," aniya.

Pumalo kasi ang inflation o ang bilis ng pagtaas ng halaga ng mga bilihin sa 4.2 percent nitong Enero, ang
pinakamataas nitong antas sa loob ng dalawang taon.

Kumpara noong Disyembre, tumaas pa ang presyo ng baboy at manok sa National Capital Region.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) pataas ang direksyon ng presyo ng pagkain.

Sa ngayon, hindi pa malinaw kung ano ang magiging epekto


ng mga hakbang ng gobyerno laban sa inflation, tulad ng pagpapatupad ng price cap sa baboy at manok
simula sa Lunes.

Ayon sa isang ekonomista, maaring tumaas pa lalo ang ibang presyo, dahil tumataas din ang presyo ng
langis.

"From oil alone, there is a significant knock on impact on inflation... But at the rate we are going, it is very
difficult to see the inflation rate falling within the 4 percent target as early as the 3rd quarter," ani Jun Neri, lead
economist ng bangkong BPI.

TANONG:
1. Ano ang pinaka-buod ng balita?
- Ang balita ay tungkol sa pagtaas ng bilihin, ang mga tao ay umaaray sa
presyo ng bilihin kahit pa ginawa na nila ang iba't ibang klase ng pagtitipid
pero ang kanilang pagkain sa araw-araw ay masyadong mahal.

2. Masasabi bang maganda o hindi ang takbo ng ekonomiya ayon sa


balita?
- Sa tingin ko hindi maganda ang ekonomiya sa balita dahil hindi magrereklamo
ang mga tao sa presyo ng bilihin kung may sapat silang pera upang makabili
ng pagkain.

3. Ano ang magiging epekto nito sa iyo at sa lipunang kinabibilangan?


- Ang magiging epekto ay magtitipid lahat at siguradong maraming tao ang
magugutom kung patuloy ang pagtaas ng presyo ng bilihin.
Gawain 3:
Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Punan ng tamang sagot ang bawat
patlang gamit ang mga salitang makikita sa loob ng kahon sa ibaba.

Max Scheler Diyos babae buhay hanap-buhay

Proportion tinapay yaman patas pagkasyahin

bahay kapital paggawa bansa lipunan

lipunang- pang ekonomiya

1. Para kay MAX SCHELER , bahagi ng pagiging ng tao ang pagkakaroon ng


magkakaibang lakas at kahinaan.

2. May nagsasabing pantay-pantay ang lahat dahil likha tayo ng DIYOS ; dahil
tao tayo.

3. Ang BABAE ay mas may taglay na karisma upangmanghalina kaysa lalaki.

4. Tinatawag ito ni Sto. Tomas de Aquino na prinsipyo ng PROPORTION o ang


angkop na pagkakaloob nang ayon sa pangangailangan ng tao.

5. Una ang halaga ng tao bago ang YAMAN .

6. May HANAP- BUHAY man ang tao o wala, may halaga parin siya bilang tao.

7. Nagtratrabaho siya upang maging produktibo sa kaniyang sarili. Ang tawag


natin dito ay “PAGGAWA .”

8. Ang BUHAY ng tao ay isang pagsisikap na ipakilala ang sarili.

9. Ang LIPUNANG-PANG EKONOMIYA, sa mas malakihang pagtingin, ay ang


mga pagkilos na masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan.

10. Hindi pantay pero PATAS - ito ang prinsipyo ng lipunang pang-ekonomiya.

You might also like