You are on page 1of 5

LEARNING ACTIVITY SHEETS

Grade 9 – Araling Panlipunan


__________________________________________________________________________________
Pangalan: Johanisa S. Dandamun Petsa: Abril 17, 2021 Iskor: ___________

Konsepto, Dahilan, Epekto At Pagtugon Sa Implasyon


Gawain 1 Kuwentong Implasyon
Panuto: Basahin ang teksto at suriin. Sagutan ang pamprosesong mga tanong.

Ang Kuwento ni Emmanuel

Sa isang maliit na pamayanan sa aplaya ng Metro Manila, maraming pamilya ang


piniling manirahan para sa bagong oportunidad. Isa na ang pamilya ni Emmanuel dito. Dito
na pinili ni Emmanuel na magtrabaho bilang helper sa construction. Mas mainam na raw
iyon kaysa bilang magsasaka ng gulay sa probinsya dahil lalo silang nalulubog sa utang
kaysa kumikita sa ani. Napakahirap lalo sa kapag may dumadaan na kalamidad, malaking
kapital na kailangan at mababang bili ng mga negosyante sa kanilang produkto, kadalasan
ay hindi nila dikta pa ang presyo. Kontrolado pa ng mga negosyanteng ito ang presyo at
suplay sa pamilihan. Nagkulang ang suplay dahil marami sa kanyang kapwa magsasaka
ang hindi na nakapagtanim at dahil sa nakaambang pagkulang ng suplay sa gulay,
inaasahan na magkakaroon ng import mula sa Tsina, mas mura ang presyo kaysa sa
kanilang tanim. Kaya sinamantala niya ah pagkakataong dalhin niya ang kanyang pamilya
sa Maynila upang makapagsimula.

Dahil dayo, umuupa sila ng tirahang may isang maliit na kwarto sa na halagang 1500
kada buwan. Kasama niya sa ang kanyang asawang si Julieta at kanyang dalawang anak,
si Erwin at Janna. Dahil helper siya sa site ay kumikita siya ng 300 pesos dahil hindi siya
kinokonsidera bilang “skilled worker”. Sa halagang ito ay pinagkakasya ni Julieta ang
tatlong pagkain sa isang araw para sa kanilang mag-iina, baon at pamasahe ni Emmanuel
sa araw-araw. Minsan nakakapangutang pa siya dahil sakitin ang kanyang bunsong anak
na si Janna. Nairaraos naman nila ang kanilang pang-araw-araw dahil suma-side line din
siyang labandera kapag may nagpapalaba sa lugar nila.

Ngayong pandemya ay pinatupad ang community quarantine upang maiwasan ang


pagkalat ng COVID, natigil ang mga operasyon sa site. Naging dagok sa pamilya ang
pagbabawas ng trabahador sa pinapasukan ni Emmanuel. Hindi regular na manggagawa
ay isa siya mga natanggal. Hindi rin siya makahanap ng panibagong trabaho, ang kanyang
asawa naman ay natigil sa paglalabada dahil wala na rin siyang customer. Nakatulong sa
kanilang pamilya ang pinapadalang ayuda ngunit hindi nagtagal ay naputol din ito dahil daw
ay hinahanapan pa ulit ng pondo at napatagal pa lalo ang quarantine. Sumabay pa ang
pagkakasakit ni Janna dahil na rin di maayos na nutrisyon. Ang kanilang ipon ay nasasaid
kasabay ng pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin at gamot. Naganap ang implasyon o
pagtataas ng presyo ng bilihin dahil sa kalamidad at pandemya na lubhang nakaapekto sa
suplay at demand. Hirap din makahanap si Emmanuel ng agarang trabaho dahil hindi niya
maaring lumabag sa quarantine protocol.

Hanggang hindi pa magiging normal ang lahat, patuloy pa rin iniisip ng mag-asawa
kung paano nila iraraos ang kanilang buhay ngayon. Pikit na nanalangin si Emmanuel na
sana ay matapos na itong pandemya.

__________________________________________________________________________________________
Ikatlong Markahan – Ikaapat at Ikalimang Linggo
Natatalakay ang konsepto, dahilan, epekto at pagtugon sa implasyon
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.)
LEARNING ACTIVITY SHEETS
Grade 9 – Araling Panlipunan
__________________________________________________________________________________
Gabay na mga Tanong:

1. Mula sa tekstong iyong nabasa, ano ang implasyon at paano ito nakaapekto
sa buhay ng pamilya ni Emmanuel?
Batay sa tekstong aking nabasa ang implasyon ay patuloy na pagtaas ng presyo ng mga
bilihin. Nagpahirap ito sa pamilya ni Emmanuel at nagkulang sa perang pangtustos sa
kaniyang pamilya.

2. Magbigay ng maaaring maging dahilan ng implasyon at epekto nito. Gamitin ang


tsart para maging gabay.
DAHILAN NG IMPLASYON BUNGA NG IMPLASYON
PAGTAAS NG SUPLAY Tataas ang demand o ang paggasta kaya
NG SALAPI mahahatak ang presyo paitaas
Sa halip na magamit sa produksiyon ang
bahagi ng pambansang badyet, ito ay
napupunta lamang sa pagbabayad ng
PAMBAYAD-UTANG utang.

3. Ang iyong pamilya ba ay apektado din sa pagtaas ng bilihin tulad ng pamilya


ni Emmanuel? Sa paanong paraan?
Oo, ang aming pamilya din ay naapektuhan sa pagtaas ng bilihin tulad ng pamilya ni
Emmanuel. Nahirapan ang aking mga magulang na bilhin ang mga karaniwang binibili naming
na pagkain sapagkat tumaas na ang presyo nito, kaya naman ay binabawasan na namin ang
aming gastusin.

Gawain 2 Plakard Ko, Boses Mo!


Panuto: Suriin ang panawagan ng mga plakard at tukuyin kung ito ay
KONSEPTO, DAHILAN, EPEKTO at PAGTUGON sa implasyon.

PAGTUGON EPEKTO

KONSEPTO
DAHILAN

__________________________________________________________________________________________
LEARNING ACTIVITY SHEETS
Grade 9 – Araling Panlipunan
__________________________________________________________________________________
Gawain 3 FaMEALy Budget
Panuto: Gumawa ng budget plan para sa isang pamilya
na may limang miyembro. I-breakdown ang mga bilihin para
sa isang araw na sahod.

Isa sa naging pagtugon ng ordinaryong mamamayan


sa implasyon ang pag-aadjust sa budget ng kabahayanan.
Ayon sa ulat noong 2018 ng National Wages and
Productivity Commission ng Department of Labor and Employment, ahensya ng gobyerno
na nangangasiwa sa usaping pasahod, P 5371 kada araw (non-agriculture) o P 500
(agriculture, retail/ services and manufacturing). (1Pinagkunan: https://nwpc.dole.gov.ph/regionandwages/national-capital-region/)
SITWASYON: Ang ama ng pamilya ay welder ng isang talyer ay sumasahod ng
P537 kada araw. Siya lang ang tagapagtaguyod ng kanilang pamilya kaya ang buong
kita niya ay binabadyet sa kanilang kabahayan na may tatlong anak.

IPON
MGA BIBILHIN
• Sa P537 kada araw na sahod
MONTHLY BUDGET PLAN ng 5 miyembro ng pamilya,
may P10,740 na halagang
• Upa sa bahay – P1000 sahod kada buwan. Ibawas ang
• Kuryente – P1000 kabuuang halaga ng mga
• Tubig – P500 bilihin na P10,000 ay
• Gas – P1000 magkakaroon ng P740 na ipon
• Kabuuang Pagkain – Php 6500 ang pamilya kada buwan.

Kabuuang Halaga: Kabuuang Halaga: P740


= P10, 000

Gabay na mga Tanong:


1. Kung isasaalang-alang ang halaga ng pinakamababang pasahod kada buwan na
P10,740 (P537 kada araw) at iba pang gastusin tulad ng upa sa bahay, kuryente, tubig,
gas atbp., sapat ba ang iyong ginawang budget plan?
Oo, sapat ang aking ginawang budget plan kung isasaalang-alang ang halaga ng pinakamababang
pasahod kada buwan na P10,740 (P537 kada araw) at iba pang gastusin tulad ng upa sa bahay,
kuryente, tubig, gas atbp

2. Sino ang higit na nakakaramdam ng epekto ng implasyon? Ipaliwanag.


Masasabing ang higit na nakakaramdam ng epekto ng implasyon ay ang mga pamilyang may maraming
miyembro at anak, at mababa pa ang sahod.

3. Sa kalagayang ito, ano ang nasasakripisyo ng mga Pilipino upang tumugon sa


nangyayaring epekto ng implasyon sa mga mamamayan? Ipaliwanag.
Sa kalagayang ito na ating nararanasan, nasasakripisyo ng mga Pilipino ang kanilang
kalusugan at buhay upang tumugon sa nagyayaring epekto ng implasyon sa mga
mamamayan. Ito ay dahil sa kabila ng kahirapan, kinakailangan pa rin nilang kumayod at
magtrabaho upang kumite ng pera para lamang may pambili ng pangunahing
pangangailangan kahit na patuloy na tumataas ang presyo ng mga bilihin.
Ikatlong Markahan – Ikaapat at Ikalimang Linggo
Natatalakay ang konsepto, dahilan, epekto at pagtugon sa implasyon
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.)
LEARNING ACTIVITY SHEETS
Grade 9 – Araling Panlipunan
Gawain 4 Poli-SEE-ya
Panuto: Ang mga sumusunod ay ilan sa kasulukuyang panukala o polisiya ng pamahalaan
na nakakaapekto sa implasyon. Suriin ang layunin ng mga polisiya na ito at
tugunan ang kinakailangan sa tsart.
Sakop ng Polisiya Paano ito
Layunin ng Polisiya
Polisiya (sino-sino ang nakakaapekto sa
makikinabang) Implasyon?
Nilalayong gawing malayo Mga magsasaka, mga Ang polisiyang ito ang
ang import, export at Pamilyang mababang ang pagmumulan ng pondo
pamilihan sa bigas. Madali sahod, at mga nagtatanim para sa mga magsasaka.
Rice Tarrification nang makakapasok ang mga ng bigas. Magkakaroon ng pagba-
ba ng production costs at
1 nang sa gayon ay lalaki
ang kita ng mga
Law of 2018 import na bigas sa bansa. magsasaka.
Kasama rin dito ang
pinansyal na tulong sa
pagsasaka
Mga naapektuhang Madadagdagan ang
Batas na nagbibigay ng mamamayan sa pondo ng pamahala-
Bayanihang karagdagang kapangyarihan COVID-19, mga pamilya an upang madagdagan
2 Heal as One Act ang Pangulo upang ang pondo ng COVID-19
para sa madaliang
of 2020 masugpo ang pandemya ng pagtugon at pamimili ng
pangunahing
COVID sa bansa pangangailangan
at kagamitang medikal.
Nang dahil sa
pagbaba ng income
tax, tumaas ang
purchasing power o
retained earning. mas
bumaba ang suplay
ng mga bilihin at
bilang resulta,
nagsitaasan ang
Gobyerno at presyo ng mga
Unconditional Programa naglalayon na mmamayan bilihin.
Cash Transfer bigyan ng pinansyal ang
Program under hindi tuwiran
3 Tax Reform for mabebenepisyuhan sa
Acceleration and pagbaba ng buwis sa sahod
Inclusion (TRAIN) pero maapektuhan ng taas
Act ng bilihin.

Dahil gumastos ng
malaking halaga ang
Pamahalaan at gobyerno nagkaroon ng
Nilalayon ng programa ang mamamayan mabilis na inflation
pag-unlad ng ekonomiya sa
pamamagitan ng
Build, Build, Build pagsasaayos ang trapik at
4
Program pagsasagawa ng mga
imprastrakturang
makikinabang ang kalakalan
sa bansa.
Maaring tumaas ang
presyo ng bilihin sa
Nilalayon na putulin ang pagtaas ng sahod ng
mga employer
matagal na sistema ng short- Mga mamamayan
ENDO Bill (End term employment sa bansa
5 Contractualization kasabay nito ang hindi
Bill) pagkuha ng employer ng
benepisyo para sa
manggagawa nito.

__________________________________________________________________________________________
Ikatlong Markahan – Ikaapat at Ikalimang Linggo
Natatalakay ang konsepto, dahilan, epekto at pagtugon sa implasyon
(Pag-aari ng Pamahalaan. Hindi ipinagbibili.)

You might also like