You are on page 1of 1

Ayon sa balita, isinulong ng mga agriculture group ang pagkakaroon ng price

control sa bigas at pagbaba sa presyo ng krudo para mapigilan agad ang mabilis na
pagtaas ng mga presyo ng pangunahing bilihin. Sa aking pananaw, tama ang ginawa
ng pamahalaan. Sang-ayon ako sa pinapatupad nilang price control lalong lalo na sa
bigas. Makakatulong ito sa mga mamamayang may malaking problema at
pangangailangan sa bigas, sa mga pamilyang hindi makabili nito dahil sa taas ng
presyo at dahil na rin sa hirap ng buhay. Sa ganitong paraan ay matutugunan nila ang
kanilang pangunahing pangangailangan. Kung pag-uusapan naman ang tungkol sa
pagbaba s presyo ng krudo, sang ayon din ako rito, may mabuting maidudulot ang
pagsulong nito sa mga mamamayan. Nakakatulong ito sa pagbaba ng presyo sa mga
bilihin. At kapag nangyari ito ay mas marami na ring mga konsyumer ang bibili ng mga
produktong kinakailangan. Ngunit, sa kabila ng pagkakaroon nito ng mabuting epekto
ay mayroon din itong kaakibat na masamang epekto. Kapag ang presyo ng krudo ay
bababa, malulugi naman ang mga prodyuser o supplier nito. Malaki ang buwis na
ibibigay nila sa gobyerno kahit na lumiit ang kanilang kita dahil sa pagbaba ng presyo
nito. Ngunit, kahit ito`y may masamang maidudulot, para sa aki n ay tama pa rin ang
ginawang desisyon ng pamahalaan. Iniisip lang ng gobyerno ang hirap ng buhay na
pagdadaanan ng mga mamamayan kung patuloy na tumataas ang presyo ng mga
bilihin. Hindi rin dapat araw-arawing magkaroon ng price control kundi dapat bigyan din
ng panahon at karapatan ang mga prodyuser na umunlad at makaiwas sa pagkalugi.
Dapat ay magkaroon lang ng patas na uri ng bilihan an gating bansa.

You might also like