You are on page 1of 2

Demand At Supply: Ang mga Pagbabago

Kung minsan, natanong nyo naba sa inyong mga sarili kung bakit pa iba-iba ang
presyo ng mga tinatangkilik nyong produkto? Halimbawa, ang presyo ng asukal ay 80
pesos kada kilo at sa sumunod na mga araw,ang presyo nito ay biglang tumaas at
naging 90 pesos kada kilo na.Ang mga dating produkto na abo't kaya ang halaga ay
ngayo'y naging pabigat na sa bulsa. Ngunit pagtaas lang nga ba ng presyo ang tanging
problema?
Isang mapagpalang araw na inyong lahat!Lalong lalo na sa mga kapwa ko
kamag-aral at pati narin sa kagalang galang naming guro na si Ginoong Arwin
Billanes.Ako po si Allecxis Valmorez na naririto sa inyong harapan upang ibahagi ang
mga impormasyon at gayon na rin ang aking opinyon patungkol sa pagtaas at
pagbabang mga presyo ng mga bilihin dahil sa paiba-ibang kalagayan ng demand at
supply.Ang talumpating ito ay aking pinamagatang"Demand at Supply: Ang Mga
Pagbabago".Aking hinihingi ang inyong pandinig at pag unawa at sa gayon ay lubos
nyong maunawaan ang talumpating aking babasahin.
Bilang isang mag-aaral at isang konsumer,damang dama ko rin ang mga
pagbabago sa presyo ng mga produktong ating binibili upang matugunan ang ating
pang araw-araw na pangangailangan. Kung minsan ang mga presyo ng mga ito ay
tumataas at kung minsan rin ay bumababa, at ang mga ito ay nangyayari dahil sa
demand. Ang demand ay ang dami ng mga produkto na kayang o gustong bilhin ng
isang konsumer sa isang takdang presyo o panahon.Ang presyo ng isang bilihin ay may
malaking apekto sa pagtakda ng demand dahil ang dalawang ito ay hindi maaring
paghiwalayin. Ayon sa batas ng demand, ang presyo at demand ay nagpapakita ng
inverse o magkasalungat na relasyon na kapag mataas ang presyo ng isang produkto,
kokonti lang ang mga may kakayahan o may kagustuhan na bumili sa ito at dito baba
ang demand. At kung mababa ang presyo ng isang produkto, dito dadami ang may
kakayahan o kagustuhang bumili sa ito at dito tataas ang demand.
Ngunit, bakit nga ba tumataas ang presyo?
Dito papasok ang supply.Nagmamahal ang presyo ng isang produkto kapag
mag demand para dito ay tumataas at ang suplay para dito ay kakaunti lang.Ang mga
suliranin na mauugnay natin dito ay ang pagtaas ng presyo ng petrolyo at gas.Ang mga
produkto katulad ng petrolyo, gasolina, petroleum at iba pang fuel products ay
nagmamahal dahilan sa kakulangan ng suplay at sa patuloy na pagtaas ng demand
para sa mga ito. Ang mga pangunahing produkto katulad ng
asukal,kape,harina,noodles at itlog ay nakakaranas ng inflation dahil ang mga ito ay
nakasalalay sa mga makinarya na nangangailangan ng gasolina o petrolyo upang
gumana. At kung may kulang,di rin mawawala ang sobra.
Ang pagkakaroon din ng oversupply sa mga produkto ay isa rin sa problemang
ating nararanasan ngayon. Ang pag kakaroon ng labis na suplay keysa sa demand ay
isa sa mga dahilan kung bakit maraming produkto katulad ng prutas at gulay ay

nasasayang o kaya naman ibinibenta ang mga ito sa palenke ng bagsak presyo kaya
ang ilang mga prodyuser at negosyante ang nalulugi sa mga pangyayaring ito. Talaga
nga bang paunlad na ang ating ekonomiya?
Kung minsan ay napapaisip ako, paano naman kaya ang mga mahihirap na katulad ko?
Paano ako, ikaw, tayo makaksabay sa mga pagbabagong ito kung ang mga presyo sa
mga pangunahing pangangailangan ay patuloy na tataas at hinda magbabago? Paano
na kaya tayo? Paano makababangon ang mga negosyante sa kanilang pag ka lugi
kung sila'y patuloy na nababaon?
Mga tanong tayo lang ang nakakaalam kung ano ang sagot. Ngunit bago ako
magtapos, may gusto lang akong sabihin sa mga taong katulad ko na nakaranas at
nakakararanas ng hirap sa mga panahong ito.
Totoo ngang marami ang ang nagbago at maraming binabago. Tayo ay nahihirapan,
nasasaktan at nadadapa ngunit ang mga karanasan at pagbabagong ito ang siyang
mag tutulak sa atin na magpursigi at makisabay sa mga pagbabagong ito. At sa huli,
tayo ay matututo, uunlad, at babangon.
Maraming salamat.

You might also like