You are on page 1of 1

Ang Problema na kinahaharap ng mga Magsasaka

Ang pagsasaka ang isa sa mga pinakamahalagang trabaho ng ating ekonomiya.


Ang mga magsasaka ang bumubuhay sa atin, sa kanilang produkto tayo umaasa.
Ngunit sa kasalukuyan ay nahaharap sila sa isang malaling suliranin, patuloy nz
bumababa ang presyo ng palay. Kung noon ay nasa p19/kilo ngayon ay tumatakbo
na lang sa p10 sa isang kilo. Ano kaya ang dahilan at ano ang dapat na gawin ng
ating pamahalaan?
Ang kinikilalang isa sa mga dahilan ay ang artipisyal na kakulangan ng bigas na
kung saan ang mga wholesalers ay itinatago ang mga bigas upang palabasin na
kulang ang rasyon na bigas sa ating bansa.
Ang gobyerno ay may isang panukalang batas na ang gobyerno ay may karapatang
mag angkat ng bigas galing ibang bansa upang matustusan ang pangangailangan ng
ating komunidad. At ganun na nga ang nangyari na bumaha ang rasyon ng bigas sa
ating bansa na siyang dahilan ng pagbaba ng presyo ng palay.
Ang mga magsasaka natin ngayon ay nahaharap sa malaking pagkalugi at
posibleng pagtigil sa pagsasaka. Kailangan itong agapan ng ating pamahalaan at
ibalik sa normal ang takbo ng kalakalan ng bigas. Una nilang dapat na tuklasin ang
mga tao o kumpanya na siyang nananagot sa pagtatago o pag iimbak ng bigas.
Kailangan ay may direktang tumitingin at mamahala sa galaw ng presyo ng palay
nang sa ganun ay manatili sa normal na halaga kada kilo. Kailangan nating isipin
amg kapakanan ng ating mga magsasaka dahil sila ang isa sa mga dahilan ng pag
unlad ng ating ekonomiya.

You might also like