0% found this document useful (0 votes)
79 views3 pages

Ap Research

Tumataas ang inflation rate ng Pilipinas noong Pebrero 2024 dahil sa mas mabilis na pagtaas ng presyo ng pagkain, lalo na ng bigas. Umabot ito sa 3.4% mula sa 2.8% noong Enero. Ang mas mataas na presyo ng pagkain ay nakakaapekto sa pinakamahihirap na Pilipino. Ang gobyerno ay susubaybayan ang supply at presyo ng pagkain.

Uploaded by

Migx Tancio
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
79 views3 pages

Ap Research

Tumataas ang inflation rate ng Pilipinas noong Pebrero 2024 dahil sa mas mabilis na pagtaas ng presyo ng pagkain, lalo na ng bigas. Umabot ito sa 3.4% mula sa 2.8% noong Enero. Ang mas mataas na presyo ng pagkain ay nakakaapekto sa pinakamahihirap na Pilipino. Ang gobyerno ay susubaybayan ang supply at presyo ng pagkain.

Uploaded by

Migx Tancio
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

Muling tumaas ang inflation rate nitong Pebrero 2024 primarya dahil sa bilis ng pagtaas ng

presyo ng bilihin, ayon sa pinakahuling ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA). Umabot na
kasi sa 3.4% ang inflation rate, mas mataas kumpara sa 2.8% noong Enero. Pumapalo na tuloy
sa 3.1% ang average inflation para sa 2024. "The uptrend in the overall inflation in February
2024 was primarily influenced by the higher year-on-year increase in the heavily-weighted food
and non-alcoholic beverages at 4.6 percent during the month from 3.5 percent in the previous
month," wika ng PSA ng March 5.

Maaaring mas tumaas ang inflation kumpara sa forecasts para sa taong 2023 hanggang 2025
dahil sa karagdagang pagtaas ng pamasahe, singil sa kuryente, at presyo ng petrolyo sa
pandaigdigang merkado; gayundin din ang mas mataas sa inaasahang dagdag pasahod sa labas
ng National Capital Region.

Samantala, ang mas mabagal na paglago ng pandaigdigang ekonomiya at ang pagpapatupad ng


mga panukala kontra sa banta ng El Niño ay maaaring magdulot ng mas mababang inflation.

Ang internal na katatagan ng piso ay ipinahahayag ng porsiyento ng pagtaas ng


pangkalahatang presyo o inflation rate. Itinakda ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang target na
inflation rate sa pagitan ng 4.1 porsiyento hanggang 4.8 porsiyento. Naabot lamang ito noong
Nobyembre 2023 na nagtala ng 4.1 porsiyento na inflation rate. Samakatuwid, inaasahang
lalagpas sa target ang average inflation rate sa taong 2023. Kapag ang inflation rate ay
bumababa o halos hindi nagbabago, masasabing matatag ang panloob na halaga ng piso.
Bunga nito malaki ang pakinabang ng mga mamimiling Filipino dahil marami silang
mapaggagamitan sa kanilang kita. Alam natin na ang malaking bahagi ng mabilis na inflation
rate sa ating bansa ay nakasalalay sa presyo ng pagkain at lalo na sa presyo ng bigas na
pangunahing pagkaing butil ng mga mamamayang Filipino. Ang presyo ng bigas ay
pangunahing naitatakda ng mga bagay na natutungkol sa suplay dahil matatag naman ang
paglaki ng demand na nakabatay sa paglaki ng populasyon at pagtaas ng kita ng mga
pamilya. Subalit, maraming bagay ang nakapapapataas ng presyo ng bigas sa larangan ng
suplay. Una, ang epekto ng kalikasan bunga ng mapinsalang bagyo at ang epekto ng El Niño
na pagbabawas sa suplay ng tubig na kinakailangan sa pagtatanim ng palay. Nagpapataas
din ng presyo ang estruktura sa bilihan sa bigas lalo na kung may kartel na kumokontrol sa
suplay at distribusyon ng bigas.

Nagpakita naman ng pagtaas ng presyo nitong Pebrero 2024 mula sa pagbaba ng presyo noong
Enero 2024 ang Meat and Other Parts of Slaughtered Land Animals na may 0.8 percent
inflation, partikular dito ang karne ng baboy

Bumilis ang inflation ng Pilipinas noong Pebrero, ayon sa state statistics bureau noong Martes.

Pumalo sa 3.4 porsiyento ang inflation ng bansa noong nakaraang buwan, na mas mabilis kaysa sa 2.8
porsiyento noong Enero. Ito ay nasa 2.8 percent hanggang 3.6 percent na forecast ng Bangko Sentral ng
Pilipinas.
Sinabi ng National Statistician, Undersecretary Dennis Mapa na bumilis ang inflation dahil sa mas mataas na
pagtaas ng pagkain at non-alcoholic beverage sa 4.6 percent noong Pebrero mula sa 3.5 percent noong
nakaraang buwan.

Ani ni Mapa na umabot sa 23.7 porsiyento ang inflation ng bigas noong Pebrero, mas mataas sa 22.6
porsiyento na nabanggit noong Enero.

Sa National Capital Region, tumaas pa sa 15.5 percent ang rice inflation noong Pebrero mula sa 14.6 percent
noong Enero.

Sa buong bansa, ang presyo ng regular-milled rice noong Pebrero ay nasa P50.44 kada kilo, mas mataas mula
sa P39.66 kada kilo noong Pebrero 2023.

Ang well-milled rice ay nasa P55.93 kada kilo, mas mataas sa P43.99 kada kilo sa parehong buwan noong
2023, habang ang espesyal na bigas ay nasa P64.42 kada kilo laban sa P53.89 kada kilo noong Pebrero 2023.

Tumaas din ng 0.5 porsiyento ang presyo ng karne noong Pebrero sa NCR mula sa -2 porsiyento noong Enero.
Samantala, ang isda, prutas, tinapay at gatas ay nagkaroon ng mabagal na pagtaas ng presyo noong nakaraang
buwan sa NCR.

Nagkaroon din ng pagtaas na 1.2 porsiyento sa transportasyon noong Pebrero mula sa taunang pagbaba ng 0.3
porsiyento noong Enero.

Para sa pinakamahihirap na Pilipino na bumubuo sa pinakamababang 30 porsiyento ng populasyon, mas


mataas pa ang inflation sa 3.9 porsiyento, sabi ng PSA.

Samantala, ang core inflation, na nag-alis ng volatile food at energy items, ay bumagal sa 3.6 percent noong
Pebrero 2024 mula sa 3.8 percent noong nakaraang buwan, sinabing PSA.

Sa kaibahan, ang core inflation noong Pebrero 2023, ay mas mataas sa 7.8 porsyento.

Sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) na susubaybayan ng gobyerno ang supply
at presyo ng pagkain upang matiyak na may access ang mga Pilipino sa abot-kayang pagkain.

Binanggit ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na "significant concern" para sa bansa ang epekto ng El Niño
sa presyo ng pagkain

Sites used:

https://net25.com/news/mabilis-na-pagtaas-ng-presyo-ng-mga-pangunahing-bilihin-umakyat-ng-3-4

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2024/03/05/2338263/inflation-lumobo-sa-34-dahil-sa-
pagtaas-ng-presyo-pagkain

https://twitter.com/PSAgovph/status/1764821866588598509
https://pinoyperyodiko.manilatimes.net/2024/01/04/opinyon/mga-hinahangad-sa-2024/4489/

You might also like