Inflation sa Pilipinas: Ano ang maaring maging lunas?
Hermione P. Vega - 10 St. Dominic de Guzman
Sa patuloy na pag-unlad ng ekonomiya, patuloy na nagbabago ang halaga ng pera sa bansa. Ang
Implayson o Inflation ay ang pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga produkto at serbisyo sa isang
takdang panahon.
Ayon sa isang news article[1], noong nakaraang Oktubre, tumaas ng 2.3 percent ang dating 1.9
percent noong Setyembre. Ang pagtaas ng rate na ito ay dulot ng pagtaas ng implasyon sa pagkain at
non-alcoholic beverages. Hindi lamang ang mataas na demanda para sa mga bagay na ito ang
nagpapataas sa implasyon, maraming mga elemento ang isinasatabing-isip karating sa mga bagay na
nakakaapekto sa pagtaas ng implasyon sa bansa.
Isa na rito ang patuloy na pagdadagsa ng mga bagyo sa bansa, tulad na lamang ni Bagyong Kristine
at Super Typhoon Leon, na naging sanhi sa pagkakasira ng maraming mga bukid sa Pilipinas. Isa
ring nakakaapekto ay ang pagbaba ng halaga ng pera. Nagtala ang Pilipinas ng exchange rate na P59
kada dolyar noong katapusan ng Setyembre 2022, ang pinakamababang halaga ng Philippine peso sa
kasaysayan [2].
Konektado ang pagbaba ng halaga ng pera sa pagtaas ng inflation sa kadahilanang masyadong
mataas ang halaga ng mga imported na bagay kumpara sa mga lokal na produkto. Tinataya ni
Ekonomista at Albay Rep. Joey Salceda na posible pang bumaba ang halaga ng peso sa P65
hanggang P68 kontra US dolyar. Kung susumahin, ang pinaka-apektado sa humihinang piso at
mataas na inflation ay ang mismong mga mamamayang Pilipino.
Maaaring ipatupad ang Fiscal Policy, kung saan ang gobyerno ay maaaring magpataw ng mas
mataas na buwis o bawasan ang paggastos upang mapabagal ang demand. Maaari ring gawin ang
pagpapatibay ng suplay ng bansa, kung saan ang gobyerno ay maaaring magpataw ng mas mataas na
buwis o bawasan ang paggastos upang mapabagal ang demand.
Isa ring factor na dapat bigyang pansin dito ay ang paghandle ng gobyerno sa problemang ito. Hindi
lamang ang mababang sektor ang apektado sa ganitong suliranin, kundi pati ang pribado at publikong
sektor. Malaking tulong ang maibibigay ng gobyerno, sa tamang paghawak at pagkontrol sa import at
export sa bansa, upang mai-ayos ang inflation rate at halaga ng piso.
Napili ko ang topic na ito dahil para sa akin, isa ito sa mga suliranin na dapat bigyang pansin. Ang
patuloy na pagtaas ng inflation rate ay magiging isang malaking problema, maari nitong maitaas ang
porsyento ng kahirapan, at maari ding maging hindi-tiyak ang ekonomiya. Sa pagsulat ng reaction
paper na ito, nais kong bigyang halaga ang tamang pagbigay ng kalidad sa mga buhay ng tao, at
matulungang mapanatili ang balanseng pagdaloy ng ekonomiya sa Pilipinas.
Citation/s:
[1] https://manilastandard.net/news/top-stories/314519377/philippines-inflation-rate-ticked-up-to-2-3-in-october-2024.html
[2]https://www.explained.ph/2022/10/bakit-humihina-ang-halaga-ng-peso-laban-sa-dolyar.html