You are on page 1of 1

Inplasyon: Ang Babagabag sa Nasyon

Nakapagbabagabag ang inflation rate ng Pilipinas na umabot sa 8.7 pursyento


ngayong buwan lamang ng Enero, taong 2023.

Ang inflation rate sa buwan ng Enero, taong 2023 ay itinuturing na pinakamataas


sa loob ng 14 na taon. Ito ay nakababahala lalo’t talamak pa rin ang kahirapan sa
Pilipinas.

Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa panahon ngayon,


nakapagtataka na sinasabi ng gobyerno na wala itong perang pandagdag sahod sa
mga nagtatrabaho kaya’t malaking tanong ng masa kung saan napupunta ang perang
dulot ng inplasyon.

Ayon sa kasalukuyang pangulo ng Pilipinas, Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,


inaasahan niya na bababa ang inflation rate ng Pilipinas sa 2nd quarter ng taon. Sinabi
rin ng pangulo na patuloy na gumagawa ng hakbang ang gobyerno para mapababa
ang inplasyon.

Dapat na bilisan ng gobyerno ang paggawa ng aksyon sa problemang ito lalo’t


napakaraming mamamayan ang nahihirapan na animo’y ang Pilipinas ay nasa
ginintuang panahon. Ilang buwan pa lamang ang nakalilipas nang maluklok si Marcos
bilang Pangulo ng Pilipinas kaya’t nararapat na patunayan niyang siya ay karapat-
dapat sa mga Pilipino lalo na sa tatlumpu’t isang milyong mamamayang Pilipinong
sumuporta sa kaniya.

Ang inplasyon sa Pilipinas ay patuloy na tumataas at inaasahan pang tumaas sa


ilang susunod na mga buwan pa.

Marapat na bilisang gumawa ng solusyon ang mga taong nakaupo sa tuktok ng


hirarkiya sa kalabang ilang dekada nang nananatili sa Pilipinas nang sa gayon ang
mga Pilipino ay maging malaya na sa pagkakagapos sa kulungang pagtaas ng presyo
ng lahat ay ang parusa.

You might also like