You are on page 1of 2

Banta ng Implasyon

Malaking perwisyo sa mga mamamayan ng bansa ang agarang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ang
mas nakagugulantang ay ang katotohanang walang kilos na nanggagaling sa pamaahalaan sa pagtugon
sa problemang ito na siyang mas nagpapahirap sa bawat Pilipino.

Iginiit ni Pangalawang Pangulo Leni Robredo sa Malacanang ang matagal nang hindi naaksiyunang
mga panukala na maaaring maging susi sa pagtugon para sa lumulobong ‘inflation’ sa Pilipinas.

Ayon sa mga kritiko ng administrasyon, ang Pangulo ay pilit na ibinabaling ang atensiyon sa ibang isyu
bagamat hindi natutugunan ang pangunahing problemang kinakaharap ng bansa na nagbubunga ng
matinding kahirapan sa mga mamamayan. Saan patungo ang patuloy na pagtaas sa presyo ng mga
bilihin kung ito ay hindi kaagad mabibigyang aksiyon? Tiyak na kapalit nito ay ang paglitaw ng mga
bagong problema dulot ng matindi at malawakang kahirapan.

“I don’t want to dignify. I just want to tell him that instead of insulting me and God, he better address
the country’s economic problem.” Ito ang mga salitang namutawi sa bibig ni Leni laban sa Pangulo
matapos siyang bumisita sa Zamboanga at nasaksihan ang mga hinaing ng mga mamamayang Pilipino
patungkol sa ‘inflation’ na kasalukuyang nagaganap sa bansa. Maging ang Bise Presidente ay ramdam
ang dagok na dala nang ‘inflation’ sa mga kababayan kaya ganoon na lamang ang kagustuhan niyang
mabigyan ito ng agarang solusyon.

Denepensahan naman ng dating Akbayan Representive Barry Gutierrez sa isang interbyu sa midya ang
naunang pahayag ni Robredo. Ayon sa kanya, tama ang mga sinabi ng Ikalawang Pangulo at sa halip na
paninirang puri ang gawin niya ay mas mainan na tingnan muna ang kalagayan ng bansa.
Nakapagbigay ito ng suporta sa mga isiniwalat ni Robredo upang hamunin ang Malacanang na sugpuin
ang problema sa mas madaling panahon.

Ginamit ng Pangalawang Pangulo bilang halimbawa ang Bawas Presyo Bill ni Senador Bam Aquino at
Representatib ng Marikina na si Miro Quimbo na isa sa mga hindi pa naaprobahang ‘proposal’ ng
Pangulo na maaaring sumuspinde sa imposisiyon ng ‘excise tax’ sa langis na nagbubunga ng mas
mataas na singil sa krudo. Kung naisabatas sana ang nasabing panukala, hindi na hahantong pa ang
bansa sa mas malalang implason na kasalukuyang nakabinbin sa ekonomiya.

Samantala, hindi mapigil-pigil ang tuluyang pagtaas ng krisis sa bigas na pinuna rin ni Robredo at ayon
sa kanya, kabaliktaran ng nangyayari sa buong bansa ang sinabi ng Pangulo na walang nagaganap na
kakulangan sa suplay ng bigas. Sa katunayan, kasalukuyang matutunghayan ang pakikipagsiksikan ng
mga kababayang Pilipino sa mahabang pila ng mas abot kayang presyo ng bigas.

Tila nahihirapan ang Pangulona “tanggapin na lamang ang kakulanganat mabigyan ng sulosyon ang
implasyon,” ayon nga kay Robredo.

“Ang TRAIN ang nagpapalala sa ‘inflation’ na naghahatak pababa sa kita ng mga mahihirap na Pilipino
na nauuwi patungo sa pagkakasadlak sa matinding lebel ng kahirapan.” Ito naman ang pasaring na
ginawa ni KMP Secretary-General Antonio Flores sa ikalawang Tax Reform for Acceleration and
Inclusion o TRAIN 2, na tinawag na Tax Reform for Attacking Better and High Quality Opportunities o
TRABAHO na inaprubahan ng House Representative. Malaki rin ang epekto ng bagong batas na ito na
lalong nagdudulot ng kasalatan sa mga mamamayan.
Kung trabaho nga ang maibibigay ng TRABAHO Bill, bakit tila hindi nito naisisilbi ang layunin nito?

Binanggit ng Bise Presidente na walang kilos na ginagawa ang Pangulo sa pag-abot ng tulong na
gagapi sa kasalukuyang problema na kinakaharap sa larang ng ekonomiya. Gayon pa man, sinabi rin
niya na isasatinig niya pa rin ang mga inilahad niyang ‘proposals’ sa Malacanang noong nakaraang
Linggo.

Patuloy na nananatili ang bansa sa pagdaranas ng matinding hindi mahanapan ng aksiyon bagamat
ayon mismo sa mga ekonomista ay napakaraming posible at alternatibong solusyon. Kung
magpapatuloy ang ganitong sistema sa loob at labas ng politika, higit pa sa problemang kahirapan ang
maaaring mapadusahan ng bansa sa pagdating ng panahon. Hanggang kailan natin hahayang
masaksihan ang kahirapan at kakapuasan na kasalukuyang dinaranas ng bansa?

Matatandaan na nais ni Pangulong Duterte na siya ay makilala at tumatak sa madla ang kanyang
pagkakaroon ng political will. Ito mismo ang hinahanap ngayon ng bumabagsak na ekonomiya at
bayan na sa kanya humuhugot ng pag-asa.

You might also like