You are on page 1of 10

TRAIN LAW: EPEKTO NG INFLATION SA PAGUNLAD NG EKONOMIYA

SA NAGBABAGONG HENERASYON – Lahat ng tao ay nakikinabang sa mga public goods (mga


kalsada, tulay edukasyon, universal healthcare), kinakailangan nating magbayad ng buwis. Walang gobyerno ang
mapapatakbo ng walang koleksyon ng buwis; ang buwis ay ang gasolina ng gobyerno. Sa pamamagitan ng bagong
repormang ito, magiging equittable ang pagbabayad ng buwis. Ibig sabihin, maatas na buwis para sa mayayaman
at mas mababang buwis para sa mga mahihirap. Ang mga nakaraang reporma ay ipinatupad upang tumaas ang
revenue dahil nababon ang bansa sa malaking utang. Ang TRAIN Law ay ang reporma sa pagbabayad ng buwis
kung saan lahat ng mamamayang Pilipino ay makikinabang sa pagbabago, hindi lamang ang mga mayayaman o
may kayang magbayad ng buwis kundi na rin sa mga kapwa Pilipino na nangangailangan ng tulong pang-
pinansyal.

Mga Miyembro:
APOLINAR, Janine Diane R.

CONNOR, Chris

GABRIEL, Robert Darwin


OCABA, Sherwin
PADOLINA, Westroy

Propesor: Gina E. Eugenio

02/11/19
Balangkas

I. BATAS AT KAHULUGAN
a. Tax Reform for Acceleration and Inclusion

II. EPEKTO
a. Pagtaas ng naiuuwing sahod
b. Pagtaas ng excise tax sa mga “sugar or sweetened na produkto, beer, sigarilyo, atbp.”
c. Pagtaas ng petrolyo at buwis sa mga sasakyan
d. Pagkakaron ng buwis sa mga mananalo sa sugal tulad ng lotto

III. LAYUNIN
a. Upang punan ang pagkukulang sa sistema ng pagbubuwis. Upang mapadali ito,
maging patas at mabisa.

IV. KAHALAGAHAN
a. Epekto ng pagtaas ng excise tax sa mga pagbisyo at pagbili ng sweetened products.
b. Paglimit ng VAT
c. Build, Build, Build Program
Panimula

Ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o tinatawag din na TRAIN Law ay
reporma sa buwis na pinirmahan ni Presidente Duterte noong Disyembre 19, 2017. Kalakip nito,
ang mga manggagawang kumikita ng mas mababa sa P25,000.00 kada buwan ay hindi na
kailangang magbayad pa ng income tax simula Enero 2018. Ibig sabihin, mas malaki na ang mga
salaping maiuuwi ng halos 6 na milyong manggawa na nasa income bracket na ito. Samantala, ang
mga produktong may nakakasamang epekto sa kalusugan ay madadagan naman ng buwis.
Kabilang dito ang softdrinks at tabako. Tataasdin ang presyo ng mga produktong petrolyo, kasama
ng ang pagtaas ng presyo ng mga sasakyan. Ngunit, ano nga ba ang mga layunin ng TRAIN law?

Ang TRAIN Law ay may layunin na pagpapababa ng buwis sa mga sweldo ng


manggagawa, donasyon pati na rin ang mga pag-aari gaya ng bahay.Nais nito na maging mas
malaki ang ibabayad na buwis ng mga mayaman at pababain naman ang tax ng mga mahirap at
ordinaryong mamamayan. Ang pinakamabilis na epekto nito ay makikita sa Income Tax ng mga
manggagawa. Ang mga manggagawang may sahod na 250,000 pababa ay wala ng babayarang
buwis, at ang 250,000 pataas naman ay may buwis pero bababa din ito kumpara sa dating
binabayarang buwis; ngunit, tataas ang mga excise tax sa langis, kotse, sigarilyo, inumin, cosmetic
procedures at iba pa. Ang batas na ito ay may layunin na tulungan ang mga manggagawang
Pilipino, at dagdagan ang pondo gamit ang excise tax para sa mga programa ng pamahalaan. Ukol
sa mga layuning nabanggit, ano naman kaya ang magiging epekto nito sa mga mamamayang
pilipino?

Malaki ang magiging epekto ng TRAIN Law sa mga mamamayan. Isa na rito ay ang
Paglaki ng sahod ng mga ordinaryong mamamayan, na magbibigay sa kanila ng mas malaking
maiiwing pera para sa kanilang mga pamilya. Nais din nitong magbigay ng bagong oportunidad
upang makapagbigay ng panibagong trabaho sa mga mamamayang pilipino, na magpapataas sa
employment rate sa bansa. Ang mga pondong malilikom ay gagamitin din upang maisagawa ang
proyekto ng pamahalaan na tinatawag na “BUILD BUILD BUILD” project. babawasan din ang
buwis sa mga gamot na isang malaking tulong sa mga pilipino. Bagamat maganda ang mga
layunin at may magagandang epekto ito. Hindi rin maiiwasan na mgakaroon ng di magagandang
epekto ito sa mga pilipino.

Isa sa mga di magagandang epekto nito sa mga pilipino ay ang pagtaas ng presyo ng
petrolyo na nagpapataas din ng bilihin. Sa batas ding ito, ipinapatupad na taasan ang presyo o
buwis para sa mga “dairy” products o yung mga produkto na matatamis o yung mataas ang “sugar
content”. Ipinatupad ito dahil sinasabi na isa itosa mga dahilan kung bakit marami ang “obese” sa
bansa, Kasabay din nito ang pagtaas ng buwis sa sigarilyo. at ginagawa ito upang mapaganda ang
kalusugan ng tao. Kasabay din nito ang pagtaas ng buwis sa sigarilyo. Ngunit, totoo nga bang
mapapaiwas nito ang mga pilipino sa pag kosyum ng mga produktong ito?

Bilang isang reasearcher, sa aking palagay ay hindi. Naniniwala ako na ang tao ay mahilig
sa matatamis at hindi nito mapipigilan ang mgataao sa pagbili ng mga “dairy” products. At lalong
hindi nito mapapaiwas ang mga taong may bisyo ng paninigarilyo na bumili ng sigarilyo. Mas lalo
lamang nitong pinahirapan ang mga pilipino. Pinabababa din ng TRAIN law ang sahod ng mga
ordinaryong mamamayan ngunit hindi naman nito pinapataas ang sahod ng mga mamamayan. Oo,
mapapalaki nito ng kaunti ang perang maiuuwi nila sa kanilang mga pamilya, ngunit sapat na ba
ito para sa kanilang pang araw araw? Lalo na at pataas na ng pataas ang presyo ng mga bilihin na
dulot ng TRAIN Law.
I. Batas

Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law, pahirap o makakatulong sa
bayan? Isa-isahin natin kung ano ba ang nilalaman ng tax reform package na tinatayang
makapagbibigay ng 130 billion pesos na pondo sa pamahalaan.

Mayroong tatlong aspeto ang reporma sa income tax, dagdag buwis o increased taxes,
bawas buwis o reduced taxes at bagong buwis o new taxes. Ang pagpapababa sa income tax
ang pinakamahalagang bahagi ng tax reform law na nasa ilalim ng reduced taxes.

Ayon sa Bureau of Internal Revenue 90% ng 7.5 million na mga Filipino tax payer ang
makikinabang sa naturang batas. Lahat ng sumasahod ng 250 thousand kada taon o kumikita
ng hindi hihigit sa 22 thousand kada buwan ay exempted sa pagbabayad ng buwis.

Kaiba sa Tax Code of 1997 o ang National Internal Revenue Code na kung saan lahat ng
kumikita ng 10 thousand pesos pababa kada taon ay binubuwisan ng limang porsyento sa
kanilang annual income.

Magkakaroon rin ng pagbabago sa value-added tax o VAT dahil sa TRAIN Law. Kabilang
dito ay ang exemption sa VAT ng lahat ng gamot sa diabetes, high cholestereol at hyper tension
simula 2019.

Maituturing ang mga ito na pangunahing sakit na pinakamataas na naitatala ng Department


of Health sa Pilipinas. Mababawasan rin ang buwis sa estate tax at donors tax.

Kasama naman sa madadagdagan ng buwis o increase tax ang passive income, excise tax sa
sigarilyo, produktong petrolyo, mineral products gaya ng coal, automobile o mga sasakyan at
documentary stamp tax.

Kabilang naman sa new taxes o bagong bubuwisan ang lahat ng mga matatamis na inumin
o sweetend beverages, non-essential services gaya ng mga cosmetic surgery at buwis sa mga
nanalo sa lottery ng PCSO.

Sa softdrinks at juice, 6 to 12 pesos kada litro na dagdag-presyo, tataas rin ng limang


porsyento ang pagpapa-retoke ng mukha at mayroon namang 20% na buwis sa sinomang
mananalo sa lotto ng mahigit sampung libong piso.
Subalit bago naaprubahan ang TRAIN Law, ilan sa mga probisyon ng batas ay na-veto o
inalis ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang dito ang dagdag na tax sa sigarilyo, exemption sa buwis ng ilang produktong petrolyo
na ginagamit bilang pamalit sa natural gas. Exemption sa percentage tax ng kabuuang sales na
hindi hihigit sa limang daang libo.

Zero rating ng mga nabentang serbisyo o produkto at pagpapababa ng buwis sa mga


empleyado ng mga regional at operating headquarters, offshore banking units at petroleum
service contractor at subcontractor.

Ayon kay Pangulong Duterte, inalis ang mga naturang probisyon dahil nakita niyang hindi
ito makatutulong sa kapakanan ng mas nakararami.

Malaki ang mawawalang kita sa pamahalaan dahil sa reporma sa income tax. Ang tanong
ng marami, saan ngayon kukunin ng gobyerno ang pang gastos upang suportahan ang ilang
proyekto kabilang na ang ambisyosong infrastructure project ng administrasyon Duterte na
“Build, Build, Build”? Iyan ang aabangan bukas sa ikalawang bahagi ng special report na ito
kaugnay ng train law”

II. Epekto

A. Ayon kay BIR assistant commissioner Marissa Cabreros, zero o wala nang tax na
ikakaltas sa mga sumusuweldo ng Php 20,000 kada buwan pababa o Php 250,000 kada taon.

Batay sa inilabas na revised withholding tax table ng BIR, kung ang isang indibiduwal ay
kumikita ng arawang sahod na Php 685 pababa, malinaw na zero o wala nang ikakaltas na buwis
sa kaniyang sahod.

Gayundin sa kumikita ng Php 4,808 kada linggo, Php 10,417 kinsenas, katapusan at Php
20,833 kada buwan pababa.
Muli namang nagpaalala ang BIR sa lahat ng mga employer na sundin ang ipinalabas nilang
Revenue Memorandum Circular (RMC) No. 1-2018 kung saan nakasaad ang mga regulasyon sa
paggamit ng withholding tax table para sa computation ng personal income tax.

Hindi rin daw maaaring idahilan ng mga employer na wala pa silang natatanggap na revenue
regulations dahil nag-isyu na ang BIR ng RMC at withholding tax table na dapat sundin ng mga
ito.

B. Hindi kailangang maging mapagmasid para maramdaman ang epekto ng Tax Reform for
Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act na ipinatupad ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo
Duterte. Kung mahilig ka sa softdrinks at umiinom ka nito araw-araw, alam mong malaki ang
naging dagdag sa retail price. Iisipin mo tuloy, tubig na lang ang iinumin mo. Pero kung bibili ka
rin naman ng bottled water, tumaas na rin ang presyo

“Tumataas na ang presyo ng mga bilihin dahil sa tax reform, na sinabayan pa ng pagkawala ng
NFA Rice sa merkado. Nasaan na ang financial assistance para sa mga mahihirap na pamilyang
Pilipino?” sabi ni Aquino.

Tinutukoy ni Aquino ang pinansiyal na tulong na itinakda ng Republic Act No. 10963 o
ng TRAIN Act sa 10 milyong mahihirap na Pilipino upang balansehin ang inaasahang pagtaas sa
presyo ng bilihin. Ngayong 2018, tatanggap sila ng P200 kada buwan na susundan ng P300
buwanang tulong sa 2019 at 2010.

Inianunsiyo naman ng Philippine Statistics Authority (PSA) na pumalo ang inflation rate
ng bansa noong Pebrero sa 4.5 percent, ang pinakamabilis na pagtaas sa nakalipas na tatlong
taon.

Kamakailan, inihain ni Aquino ang Senate Resolution No. 597, na humihikayat sa


kaukulang komite ng Senado na imbestigahan ang implementasyon ng unconditional cash
transfer para matiyak kung sasapat ito sa pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo.
Sa kanyang resolusyon, nanawagan si Aquino sa National Economic Development
Authority (NEDA) na tingnan kung sapat ang kinikita ng mga pamilya upang matumbasan ang
mga nasabing pagtaas. Pero gaya nang nabanggit natin sa itaas, parang kahit gaano pa ang itaas
na tulong, mahihirapan talaga ang lahat sa TRAIN Law.

C. Nang ipatupad ang TRAIN 1, naramdaman ang pagsagasa sa mga pangunahing


pangangailangan ng mamamayan. Nagsimulang magmahal ang mga bilihin gaya ng bigas,
sardinas, mantika, asukal, kape, gatas at iba pa. Mula Enero pa nagsimulang tumaas ang presyo
ng bigas. Hanggang sa umabot na ng P70 bawat kilo ang commercial rice sa ilang probinsiya
gaya sa Zamboanga. Ang matindi ay walang mabiling NFA rice sa maraming panig ng bansa.
Nagkulang ang supply. Naubos ang bigas sa mga bodega ng NFA. Umangkat ang NFA ng bigas
sa Thailand pero nang idi-distribute na, nakitaan ng bukbok.

Dahil sa TRAIN 1, tumaas ang excise tax ng petroleum products. Mula nang ipatupad ang
TRAIN 1, hindi na mabilang ang pagtaas ng presyo ng gasoline, diesel, kerosene at LPG.
Kamakalawa, muling nagtaas ng presyo ang petroleum products. Limang sunud-sunod na
pagtataas mula pa noong Agosto at umano’y magtataas pa sa mga susunod na linggo.

Ang mataas na presyo ng gasoline at diesel ang dahilan kaya nagmahal ang mga bilihin. Ang
kinikita ng mga karaniwang mamamayan ay hindi na makasapat sa taas ng mga bilihin. Tumaas
ang inflation rate noong Agosto na umabot sa 6.4 percent. Sinisi naman ni President Duterte si
US President Donald Trump sa pagtaas ng inflation.

Tumaas ang presyo ng mga bilihin dahil sa TRAIN law. Nang patawan ng excise tax ang
petrolyo, lahat ay apektado dahil gas ang gamit sa pagtransport ng produkto. Dahil dito, mas
maganda kung suspendihin ang tax sa petroleum products para mapigilan ang pagtaas ng bilihin.
Ang presyo ng gas ang nagdidikta para tumaas ang presyo ng mga bilihin.

III. Layunin
Ito ay ang pagbabago ng lumang sistema ng buwis ng bansa. Kasama dito ang reporma sa tax
administration, at pagpapalakas ng economic at social benefits para sa mga mamamayan.
Layunin ng Tax Reform na iangat ang Pilipinas sa middle-income economy. Ito’y magbibigay
ng P206 billion na popondo sa mga plano ng gobyerno. Kasama rito ang pagpapaunlad ng
infrastructure, education, health, social protection at iba pa.

Kung maipapasa, mas lalaki ang income ng mga Pilipino, na sosobra pa sa pagtaas ng
mgaconsumption taxes. Ang balanse mula sa buwis ay gagamitin sa mga programa na magtataas
ng productivity at competitiveness ng bansa. Dahil dito, dadami ang oportunidad at trabaho para
sa mga Pilipino.

IV. Kahalagahan
Sa TRAIN, ang unang package sa ilalim ng Comprehensive Tax Reform Program (CTRP) ng
administrasyong Duterte, ay hindi na kailangang magbayad ng personal income tax ng mga self-
earner at self-employed na mga indibiduwal na mayroong annual taxable income na P250,000
pababa. Wala na ring buwis ang 13th month pay at iba pang mga bonus, na hindi lalagpas sa
halagang P90,000, sa ilalim ng TRAIN.

Nakasaad din sa tax reform law ang mga probisyong magpapasigla sa koleksiyon ng buwis
upang (1) bayaran ang tinayang lugi sa kita mula sa personal income tax cuts at (2) upang
suportahan ang malaking gastos ng gobyerno sa imprastruktura at human capital development.
Kabilang dito ang pag-aalis sa piling exemptions sa value-added tax (VAT); pagbabago sa tax
rate para sa gasolina, sasakyan, tabako, uling, mga mineral, documentary stamps, foreign
currency deposit units, capital gains para sa mga stock na hindi napasama sa stock exchange, at
stock transactions; at bagong mga buwis para sa sugar-sweetened beverages (SSBs) at non-
essential cosmetic procedures; at bawas sa buwis ng estate at donor.

Binigyang-diin ni Finance Secretary Carlos G. Dominguez III na ang 99 na porsiyento ng


individual taxpayers sa bansa ay makatatanggap ng benepisyo mula sa TRAIN, salamat sa
malaking bawas sa personal income tax rates. Bilang resulta, ayon kay Dominguez, ang mga
indibiduwal na mayroong taxable annual income na P250,000 ay maaaring magkaroon ng
dagdag na kita na kasing laki ng isang buwang sahod, kada taon.

Mas patas, mas simple at mas maayos. Halimbawa, ang isang tauhan sa gobyerno o isang
entry-level worker sa pribadong sektor, na mayroong tinatayang P15,000 na suweldo kada
buwan, ay hindi na magbabayad ng income tax. Ibig sabihin nito, maaari nang iuwi ng
manggagawa ang P18,457 buwis na kanyang binabayaran taun-taon sa ilalim ng dating tax law,
at bilang resulta, madagdagan ng P1,538 ang kanyang suweldo kasa buwan.

Kahit na makaapekto ang ibang probisyon ng TRAIN sa pagtaas ng VAT base, ng excise tax
ng gasolina at tabako, ng SSB tax, at ang pangkahalatang epekto ng pagtaas ng bilihin,
makakapag-uwi pa rin siya ng P1,700 kada buwan, batay sa taya ng DoF, na masusing pinag-
aralan ng kagawaran.

Ayon sa DoF, nabago rin ang tax brackets ng mga indibiduwal na kumikita ng P250,000 at
pataas, kaya ang mga kumikita ng mahigit P250,000 ngunit hindi tataas ng P2 milyon ay
magbabayad lamang ng 20-30 porsiyentong income tax.

Halimbawa, ang isang doktor na nagtatrabaho sa pampublikong ospital na mayroong


dalawang dependents at kumikita, sabihin na natin, ng P73,299 kada buwan, ay makapag-uuwi
ng tinatayang P58,484 at higit pa, kada taon, simula ngayong taon dahil sa pagbabago sa income
tax brackets at rates, paliwanag ng DoF.

Ang mga kumikita ng P2 milyon taun-taon ngunit hindi tataas sa P8 milyon ay mayroong 32
porsiyentong tax. Ang malaking tax na aabot sa 35 porsiyento ay para sa mga indibiduwal na
kumikita ng P8 milyon taxable pataas, ayon sa kagawaran.

Hindi maisasakatuparan ang inclusive growth agenda ng administrasyong Duterte nang may
gobyernong nasa ilalim ng state of inertia. Dapat nitong sunggaban ang mga oportunidad na
mayroon ngayon, upang maipatupad ang mga malawakang reporma, gaya ng TRAIN, upang
maabot ang layunin nito para sa isang masigla at kumprehensibong paglago.

You might also like