You are on page 1of 40

BALIK-ARAL

• Panuto: Mula sa iyong mga natutuhan, suriin mo ang sumusunod na


sitwasyon. Tukuyin kung ano sa mga ito ang dahilan ng implasyon o
bunga ng implasyon .
• ____ 1. Maraming mag-aaral ang pansamantalang mahihinto
sa pag-aaral sa taong ito.
• ____ 2.Kulang ang suplay ng mga produkto sa ibang lugar lalo
na sa mga isinailalim sa ECQ.
• ____3. Tanging ang tindahan na lamang ni Aling Alicia ang
nakabukas hanggang madaling araw simula noong pumutok
ang Covid_19 dahil sa takot ng iba pang maliliit na negosyante.
• ____4.Limitado ang mga produktong mula sa malalaking planta
dahil marami ang pansamantalang nagsara dahil sa pandemya.
• ____5. Pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar.
PAGSUSURI NG LARAWAN
Patakarang Piskal
Patakarang Piskal
(Fiscal Policy)
• Ang pagkontrol ng pamahalaan sa
ekonomiya upang mapatatag ang
pambansang ekonomiya.
• Nakapaloob dito ang:
• paghahanda ng badyet,
• pangungulekta ng buwis
• paggamit ng pondo.
Patakarang Piskal
- tumutukoy ito sa behavior ng pamahalaan
patungkol sa paggasta at pagbubuwis upang
mabago ang galaw ng ekonomiya. (Balitao et.al,
2014) Maihahalintulad ito sa pagbabadyet sa mga
gastusin sa iyong sariling mga pangangailangan o
pagbabadyet ng iyong mga magulang sa
pangangilangan ng inyong buong pamilya.

- ang pamahalaan ay may malaking papel na


ginagampanan upang mapanatili ang kaayusan ng
ekonomiya (John Maynard Keynes, 1935).
-
Uri ng Patakarang Piskal
Expansionary Fiscal Policy
• Layunin nito na mapasigla ang
pambansang ekonomiya. Ginagawa
ito upang isulong ang ekonomiya, lalo
na sa panahon ng recession.
• Ang ganitong gawain ay magpapataas
sa demand, magpapababa sa presyo
ng kalakal at magpapalaki sa output ng
ekonomiya.
Kailan dapat ipatupad ang Expansionary Fiscal
Policy?
 ang kabuuang awtput ay mababa
nang higit sa inaasahan dahil hindi
nagamit ang mga resources
 mababa ang pangkalahatang
demand ng sambahayan
 walang insentibo sa mga
mamumuhunan na gumawa o
magdagdag pa ng produksyon.
Paano ito isasagawa ng pamahalaan?

•Halimbawa:
 paggasta sa mga proyektong
pampamahalaan (pamumuhunan)

 pagpapababa sa buwis
Contractionary Fiscal Policy
• Layunin nito na bawasan ang sobrang kasiglahan
ng ekonomiya dahil ang labis na mataas na demand
sa suplay ay magdudulot ng inflation.
• Kabilang sa mga hakbang nito ang pagbabawas sa
gastusin ng pamahalaan, pagsasapribado ng ilang
pagpublikong korporasyon at pagpapataas sa singil
na buwis.
• Ang ganitong gawain ay magpapababa sa demand,
magpapataas sa presyo ng kalakal at
pagbabawas sa output ng ekonomiya
Kailan dapat ipatupad ang Contractionary Fiscal
Policy?

 lubhang masigla ang ekonomiya na


maaaring magdulot ng overheated
economy
 may mataas na pangkalahatatang
awtput at employment.
Paano ito isasagawa ng pamahalaan?

•Halimbawa:
 magbabawas sa paggastos ang
pamahalaan at mahihila nito ang
kabuoang demand
 patataasin ang buwis
KAHALAGAHAN NG PAPEL NA
GINAGAMPANAN NG PAMAHALAAN
KAUGNAY NG MGA PATAKARANG
PISKAL NA IPINATUTUPAD NITO
KAHALAGAHAN NG PAPEL NA GINAGAMPANAN NG
PAMAHALAAN KAUGNAY NG MGA PATAKARANG PISKAL NA
IPINATUTUPAD NITO
1. Ito ang pangunahing tagapagtakda ng mga
patakaran na maghahatid sa ikagaganda ng
kondisyon ng ating ekonomiya.
2. Nagsasaayos ng mga pamamalakad upang
matugunan ang ilang problemang pang-
ekonomiya tulad ng pagbibigay regulasyon sa
pagdaragdag at pagbabawas sa gastusin
gayundin sa pagpapataas at pagpapababa sa
singil ng buwis.
ANG PAMBANSANG BADYET AT
PAGGASTA NG PAMAHALAAN
Pambansang Badyet
• Isang plano kung paano tutugunan ng pamahalaan
ang mga gastusin nito.
• Naglalaman ito ng inaasahang kita at ipinakikita rin
kung paano gagastusin ang kitang ito.
• Naglalaman ng halaga ng salaping inaasahang
matatanggap ng pamahalaan sa isang takdang
taon.
• Kilala rin ito sa tawag na General
Appropriations
Act (GAA)
Pambansang Badyet
• Sa paghahanda ng badyet, binibigyan ng
pansin kung magkano ang gagastusin sa
programa ng pamahalaan tulad ng depensa,
edukasyon at kalusugan.
• Ang kabuuang gastusin ay maaring baguhin
upang mapataas o mapababa ang output ng
ekonomiya.
MGA PARAAN NG PAGHAHANDA
MGA PARAAN NG PAGHAHANDA
Yugto sa Pagproseso ng Badyet
• 1. Budget Preparation – paghahanda ng
panukalang badyet.
• 2. Budget Legislation – pagsusuri at pag-
apruba (o hindi pag-apruba) ng panukalang
badyet.
• 3. Budget Execution – pagbibigay ng badyet
at paggamit nito.
• 4. Budget Accountability – paghahanda ng
ulat upang malaman kung nagamit ng tama
ang pambansang badyet.
Mga sangay ng pamahalaan na
namamahala ng pambansang badyet
• Department of Finance (DOF)
• Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)
• National Economic and Development
Authority (NEDA)
• Department of Budget and Management
(DBM)
• Commission on Audit (COA)
ANG BADYET NG PAMAHALAAN
PAGGASTA NG PAMAHALAAN AYON SA
EXPENDITURE PROGRAM

 Ang mga pondo at salaping nalilikom ay may katumbas na


paggastos. Upang maayos na maipamahagi ito sa mga
proyekto at programang pampamahalaan, kailangan ang
epektibong paggasta.
 Ang expenditure Program ay nakabatay sa pinakamataas na
gastusing nararapat sa mga pananagutang dapat
maipagkaloob sa buong taon. Ito ay nahahati sa tatlo:
1. CURRENT OPERATING EXPENDITURES
2. CAPITAL OUTLAYS
3. NET LENDING
CURRENT OPERATING EXPENDITURES
• -para sa pagbili ng mga produkto at serbisyong
tulad ng Personal Services (hal. ay para sa sahod,
dagdag sweldo at cost of living allowance ng mga
permanente, pansamantala, kontraktuwal at
casual na empleyado ng pamahalaan) at
Maintenance and Other Operating Expenses-
• MOOE (tulad ng supplies, transportasyon, tubig,
koryente at iba pang kumpunihin)
• Personal Services (PS) – gastusin para sa
suweldo,honoraria at bonuses ng mga
kawani ng pamahalaan.
• Maintenance and Other Operating Expenses
(MOOE) – gastusin para sa operasyon tulad
ng kuryente, papel, tubig, gasolina at iba pa.
CAPITAL OUTLAYS
•-pondong nakalaan upang makabili
ng mga produkto at serbisyong
makapagbibigay asset sa
pamahalaan tulad ng mga capital
stock ng Government-owned and
Controlled Corporation (GOCC) at
iba pang mga subsidies nito.
NET LENDING
•-para naman sa mga paunang
bayad sa mga utang ng
pamahalaan na inilaan para sa
mga programang may
kaugnayan sa mga korporasyong
pagmamay-ari ng pamahalaan.
Gastusin ng Pamahalaan ayon sa
Sektor
• Serbisyong Pang-ekonomiko – gastusin sa
pagpapaunlad ng mga programang
pangkaunlaran tulad ng kalakalan, industriya
at turismo.
• Serbisyong Panlipunan – mga gastusin sa
edukasyon, kalusugan, transportasyon etc.
• Pambansang Tanggulan – mga gastusin
sa pagpapanatili ng katahimikan at
seguridad.
Gastusin ng Pamahalaan ayon sa
Sektor
• Pangkalahatang Pampublikong Paglilingkod
– mga gastusin sa pagsasagawa ng
tungkuling pansibiko tulad ng tulong sa
panahon ng kalamidad, pagpapautang etc.
• Pambayad utang – gastusin na
pinambabayad sa mga utang ng bansa
panlabas o panloob.
Gastusin ng Pamahalaan ayon sa
Sektor Pangkalahatang
Pambayad
Pampublikong
Paglilingkod
Utang
17% 24%
Pambansang
Tanggulan
5%

Serbisyong
Pang-
ekonomiko Serbisyong
24% Panlipunan
30%
Pinagmumulan ng Kita ng Pamahalaan
• Kita mula sa buwis
(81%)
• Kitang di-mula sa
buwis (19%)
Ano ang buwis (tax)?
• Ang salapi na sapilitang kinukuha ng
pamahalaan sa mga mamamayan.
• Ito ay maaaring ipataw ng
pamahalaan sa
mga ari-arian, tubo, kalakal o
serbisyo.
• Ang buwis ay sakop ng
kapangyarihan ng
pamahalaan.
Layunin ng pagbubuwis
• Mapataas ang kita ng pamahalaan.
• Pagpapatatag ng ekonomiya.
• Mapangalagaan ang industriyang panloob
laban sa mga dayuhang kalakal.
• Gamit para sa tamang distribusyon ng kita.
• Regulasyon para sa tamang pagbili at
pagkonsumo ng kalakal.
Uri ng buwis
• Ayon sa kung sino ang apektado:
 Tuwiran - direktang kinokolekta mula sa mga indibidwal at
bahay-kalakal (hal. Witholding tax)
 Hindi-tuwiran - nakokolekta naman ito mula sa mga kalakal at
paglilingkod (hal. value-added tax)
• Ayon sa porsiyentong ipinapataw:
 Proporsiyonal-anumang kalagayan sa buhay pantay lamang
ang bahagdan ng buwis na ipinapataw
 Progresibo -habang tumataas ang kinikita ng isang indibidwal
o korporasyon, tataas din ang halaga ng buwis na kanyang
babayaran. Nakasaad ito sa 1987 Saligang Batas
 Regresibo-kapag lumalaki ang kita, bumababa naman ang
kanyang buwis.
Uri ng buwis
• Ayon sa layunin:
 Para kumita - upang makalikom ng mga salaping
magagamit sa mga operasyon nito (hal. sales tax,
income tax)
 Para magregularisa - upang makontrol ang
kalabisan ng isang gawain o negosyo (hal. Excise
tax)
 Para magsilbing proteksyon - upang pangalagaan
ang interes ng mga lokal na sektor laban sa mga
dayuhang kakompetensiya (hal. taripa)
Sangay ng pamahalaan na kumokolekta ng
buwis
• Bureau of Internal Revenue (BIR) –
nangangalap ng buwis sa mga kalakal o
serbisyo mula sa loob ng bansa.
• Bureau of Customs (BOC) - nangangalap ng
buwis sa mga kalakal o serbisyo mula sa
labas ng bansa.
Checks and Balances
• Pagtiyak na hindi maaabuso ng anumang
sangay ng pamahalaan ang kanilang
kapangyarihan sa usapin ng paglalaan ng
limitadong pondo ng bayan sa iba’t ibang
sektor ng lipunan.
Sitwasyon ng Budget
• Budget Deficit – nagaganap kung mas
mataas ang gastos sa kita ng pamahalaan.
• Budget Surplus – nagaganap kung mas
mataas ang kita sa gastos ng pamahalaan.
References:
• EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para sa
Mag-aaral Unang Edisyon 2015
• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan
(Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House
• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks
Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga
Konsepto
at Aplikasyon (2012), VPHI
• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga
Konsepto,
Applikasyon at Isyu, VPHI

You might also like