You are on page 1of 27

Aralin 18

Patakarang Piskal
Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA
www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!
Panimula:
Isang malaking sulirarin
ng pambansang
ekonomiya ang inflation.
Ngunit may mga
hakbang na maaring
gawin ang pamahalaan
upang mabawasan ang
epekto nito sa mga
konsyumer.
Patakarang Piskal
(Fiscal Policy)
Ang pagkontrol ng pamahalaan sa
ekonomiya upang mapatatag ang
pambansang ekonomiya.
Nakapaloob dito ang:
paghahanda ng badyet,
pangungulekta ng buwis
paggamit ng pondo.
Uri ng Patakarang Piskal
Expansionary Fiscal Policy
Layunin nito na mapasigla ang pambansang
ekonomiya. Ginagawa ito upang isulong ang
ekonomiya, lalo na sa panahon ng recession.
Kabilang dito ang pamumuhunan ng
pamahalaan at pagbabawas sa ibinabayad na
buwis.
Ang ganitong gawain ay magpapataas sa
demand, magpapababa sa presyo ng kalakal at
magpapalaki sa output ng ekonomiya.
Contractionary Fiscal Policy
Layunin nito na bawasan ang sobrang kasiglahan
ng ekonomiya dahil ang labis na mataas na demand
sa suplay ay magdudulot ng inflation.
Kabilang sa mga hakbang nito ang pagbabawas sa
gastusin ng pamahalaan, pagsasapribado ng ilang
pagpublikong korporasyon at pagpapataas sa singil
na buwis.
Ang ganitong gawain ay magpapababa sa demand,
magpapataas sa presyo ng kalakal at pagbabawas
sa output ng ekonomiya
Break Muna:
Tukuyin kung ang mga sumusunod ay sanhi ng contractionary
fiscal policy o expansionary fiscal policy. BAWAL ANG
MAGBURA.
1. Nagpataw ang pamahalaan ng dagdag na buwis sa mga sinehan.
2. Binawasan ng pamahalaan ang sinisingil na income tax sa mga
manggagawa.
3. Ibinenta ng pamahalaan sa pribadong sektor ang Maynilad.
4. Nagbigay ng tax incentive ang pamahalaan sa mga nais
magnegosyo.
5. Tinaasan ng pamahalaan ang E-VAT mula 10% sa 12%.
Pinagmumulan ng Kita ng
Pamahalaan
Kita mula sa buwis
(81%)
Kitang di-mula sa
buwis (19%)
Ano ang buwis (tax)?
Ang salapi na sapilitang kinukuha ng
pamahalaan sa mga mamamayan.
Ito ay maaaring ipataw ng pamahalaan sa
mga ari-arian, tubo, kalakal o serbisyo.
Ang buwis ay sakop ng kapangyarihan ng
pamahalaan.
Layunin ng pagbubuwis
Mapataas ang kita ng pamahalaan.
Pagpapatatag ng ekonomiya.
Mapalagaan ang industriyang panloob laban
sa mga dayuhang kalakal.
Gamit para sa tamang distribusyon ng kita.
Regulasyon para sa tamang pagbili at
pagkonsumo ng kalakal.
Uri ng buwis
Tuwiran (direct tax) buwis na tuwirang
ipinapataw sa mga indibidwal o bahay
kalakal.
Hal. with-holding tax
Di-tuwiran (indirect tax) buwis na
ipinapataw sa mga kalakal o serbisyo.
Hal. Value-added tax
Mga halimbawa ng buwis:
Buwis sa kinikita ng mamamayan income tax
Buwis sa mga may-ari ng sasakyan road users
tax
Buwis sa mga may-ari ng negosyo business tax
Buwis sa mga binibiling kalakal Value added tax
Buwis sa mga libangan tulad ng sinehan, parke, at
sugalan amusement tax
Buwis sa mga kalakal na galing ibang bansa
import duties tax
Sangay ng pamahalaan na
kumokolekta ng buwis
Bureau of Internal Revenue (BIR)
nangangalap ng buwis sa mga kalakal o
serbisyo mula sa loob ng bansa.
Bureau of Customs (BOC) - nangangalap
ng buwis sa mga kalakal o serbisyo mula sa
labas ng bansa.
Break Muna!
Maghanda ng talaan ng mga gastusin ng inyong
pamilya sa isang buwan at isulat ang halagang
inilalaan para dito.
Gastusin Halagang Nakalaan
Pambayad sa Bahay 3,000.00
Kuryente 800.00
Tubig 300.00

Natutugunan ba ang lahat ng inyong gastusin?


Magkano ang natitirang halaga matapos matugunan
ang mga gastusin?
Pambansang Badyet
Naglalaman ng halaga ng salaping
inaasahang matatanggap ng pamahalaan sa
isang takdang taon.
Isang plano kung paano tutugunan ng
pamahalaan ang mga gastusin nito.
Naglalaman ito ng inaasahang kita at
ipinakikita rin kung paano gagastusin ang
kitang ito.
Pambansang Badyet
Sa paghahanda ng badyet, binibigyan ng
pansin kung magkano ang gagastusin sa
programa ng pamahalaan tulad ng depensa,
edukasyon at kalusugan. Ang kabuuang
gastusin ay maaring baguhin upang
mapataas o mapababa ang output ng
ekonomiya.
Mga sangay ng pamahalaan na
namamahala ng pambansang badyet
Department of Finance (DOF)
Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)
National Economic and Development
Authority (NEDA)
Department of Budget and Management
(DBM)
Commission on Audit (COA)
Pagbuo ng Pambansang Badyet
Executive Preparation paghahanda ng
panukalang badyet.
Budget Authorization pagsusuri at pag-
apruba (o hindi pag-apruba) ng panukalang
badyet.
Budget Execution pagbibigay ng badyet at
paggamit nito.
Budget Accountability paghahanda ng ulat
upang malaman kung nagasta ang badyet
ayon sa itinakda para dito.
Checks and Balances
Pagtiyak na hindi maaabuso ng anumang
sangay ng pamahalaan ang kanilang
kapangyarihan sa usapin ng paglalaan ng
limitadong pondo ng bayan sa ibat ibang
sektor ng lipunan.
Gastusin ng Pamahalaan ayon sa Uri
Personal Services (PS) gastusin para sa
suweldo,honoraria at bonuses ng mga
kawani ng pamahalaan.
Maintenance and Other Operating Expenses
(MOOE) gastusin para sa operasyon tulad
ng kuryente, papel, tubig, gasolina at iba pa.
Capital Outlay (CO) gastusin para sa
karagdagang asset tulad ng gusali, lupa,
sasakyan o makinarya.
Gastusin ng Pamahalaan ayon sa Sektor
Serbisyong Pang-ekonomiyo gastusin sa
pagpapaunlad ng mga programang
pangkaunlaran tulad ng kalakalan, industriya
at turismo.
Serbisyong Panlipunan mga gastusin sa
edukasyon, kalusugan, transportasyon etc.
Pambansang Tanggulan mga gastusin sa
pagpapanatili ng katahimikan at seguridad.
Gastusin ng Pamahalaan ayon sa Sektor
Pangkalahatang Pampublikong Paglilingkod
mga gastusin sa pagsasagawa ng
tungkuling pansibiko tulad ng tulong sa
panahon ng kalamidad, pagpapautang etc.
Pambayad utang gastusin na
pinambabayad sa mga utang ng bansa
panlabas o panloob.
Gastusin ng Pamahalaan ayon sa
Sektor
Pangkalahatang Pambayad
Pampublikong
Paglilingkod
Utang
17% 24%
Pambansang
Tanggulan
5%

Serbisyong
Pang-
ekonomiko Serbisyong
24% Panlipunan
30%
Sitwasyon ng Budget
Budget Deficit nagaganap kung mas
mataas ang gastos sa kita ng pamahalaan.
Budget Surplus nagaganap kung mas
mataas ang kita sa gastos ng pamahalaan.
PAGPAPAHALAGA

Anong sektor ng pamahalaan ang dapat


na magkaroon ng karagdagang badyet at
alin ang dapat bawasan ang badyet?
Tandaan:
Ang GRADES
pinaghihirapan
HINDI
inililimos!
References:
Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at
Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA
Publishing House
De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks
Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga
Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga
Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI

You might also like