You are on page 1of 6

Tomo 2,

1, Bilang 1, Nobyembre 2014


2013

Natatanging Tala

ROGELIA PE-PUA: PANAYAM TUNGKOL KAY DOC E AT SP


Mario R. Sto. Domingo, Ph.D.
Department of Psychology
University of Maryland, Baltimore Country, U.S.A.

PAGPAPAKILALA*
Kinikilala bilang isa sa mga pangunahing tagapagtaguyod ng Sikolohiyang Pilipino at nag-ambag sa
katutubong sikolohiya sa Pilipinas si Rogelia Pe-Pua, isang Pilipinong sikolohista na nakabase sa
Australia. Ipinanganak sa Maynila noong ika-15 ng Hunyo 1956, pang-anim siyang anak nina Loreto
Pe at Rogelia Eben. Nagtapos si Pe-Pua ng kanyang primarya at sekondaryang edukasyon sa Uno
High School. Nag-aral siya sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) kung saan tumanggap siya ng mga
digring Bachelor of Science sa Sikolohiya, cum laude, noong 1977; Master of Arts sa Sikolohiya
noong 1981; at Doctor of Philosophy sa Pilipinolohiya noong 1988.
Nagsilbi si Pe-Pua na research assistant kay Virgilio Enriquez, Ama ng Sikolohiyang Pilipino, sa
panahon ng pagkakatatag ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP) noong 1975.
Dalawang taon matapos ito, naging guro siya sa UP Departamento ng Sikolohiya. Kaugnay ng
kanyang gawain sa PSSP bilang kasaping tagapagtatag at bilang guro sa UP, aktibong nakilahok si
Pe-Pua sa pamamahala ng mga kumperensya at pamamatnugot ng mga lathalaing nagsusulong ng
Sikolohiyang Pilipino. Sa mga publikasyong pinamatnugutan niya at naging kapatnugot siya,
namumukod-tangi ang Sikolohiyang Pililpino: Teorya, Metodo at Gamit (1982), na nagkaroon na ng
apat na edisyon at ilan pang pagpapalimbag, bilang pinakaimportanteng teksbuk para sa mga magaaral ng Sikolohiyang Pilipino. Naging associate professor siya sa UP at Pangulo ng PSSP mula
1991-1992 bago tuluyang nangibang-bayan sa Australia kasama ang kanyang kabiyak na si Eduardo
Pua at mga anak na sina Daniel at Adrian.
Sa Australia, naging lecturer at research fellow si Pe-Pua sa University of Wollongong bago lumipat
sa University of New South Wales kung saan siya ay kasalukuyang honorary associate professor at
naging tagapangulo ng School of Social Sciences.
Bilang mananaliksik, may-akda si Pe-Pua ng mga publikasyon hinggil sa katutubong sikolohiya,
sikolohiya ng migrasyon, at kros-kultural at kros-katutubong sikolohiya. Nakilala siya sa kanyang

152

Sto. Domingo | Rogelia Pe-Pua: Panayam tungkol kay Doc E at SP

Tomo 2,
1, Bilang 1, Nobyembre 2014
2013
mga kontribusyon sa paglilinang ng metodolohiya sa katutubong pananaliksik, at sa mga isinagawa
niyang pananaliksik hinggil sa mga katutubong sikolohiya sa Pilipinas, Taiwan, at Japan gamit ang
kros-katutubong balangkas. Nakatungtong ang proseso ng kros-katutubong sikolohiya sa pagkilala
sa halaga ng mga katutubong sikolohiya sa tunguhing paghambing-hambingin ang mga ito. Kaiba
ito sa nakagisnang pamamaraan sa kros-kultural na sikolohiya kung saan ipinapataw ang istruktura
ng isang dominanteng kultura at isinasama na lamang ang ibang kultura upang pagkunan ng datos
para sa pagpapatibay nito. Nakapag-ambag si Pe-Pua ng mga kabanata sa mga aklat gaya ng
Pilipinolohiya: Kasaysayan, Pilosopiya, at Pananaliksik (Pe-Pua, 1991a); The University
Experience: Essays on the 82nd Anniversary of the University of the Philippines (Pe-Pua, 1991b),
Wife of Worker? Asian Women and Migration (Pe-Pua, 2003); The Horizon and Focus in Urban
Cultural Theory: Compilation of Papers and Seminar Proceedings (Pe-Pua, 2005b); at Indigenous
and Cultural Psychology: Understanding People in Context (Pe-Pua, 2006) at mga seryal tulad ng
International Journal of Intercultural Relations (Pe-Pua, 1988); Binhi (Pe-Pua, 2005a); at Revista
CIDOB dAfers Internacionals (Pe-Pua, 2005c).
Bilang pagkilala sa kanyang kontribusyon sa katutubong sikolohiya at sikolohiya ng migrasyon,
nakatanggap si Pe-Pua ng Gawad Sikolohiyang Pilipino (PSSP, 1998) at Outstanding Achievement in
Research (Australian Philippine Association Illawarra Welfare Service, 2001).

PANAYAM
Mario Sto. Domingo (MSD): Ano ang mga pangunahing nagbunsod sa iyo para tahakin ang landas
ng Sikolohiyang Pilipino?
Rogelia Pe-Pua (RPP): Mula ako sa mahirap na pamilya. Noong oras ng paga-apply sa college, sa
UP lang ako nag-apply dahil merong grant-in-aid para sa mahihirap na estudyante. Hindi ako
kayang paaralin ng nanay ko; mula high school pa lang ay nagtatrabaho na akong parttime, tutor
sa mga estudyante sa elementary, at iyon lang ang maaasahan ko para makapag-college. Ni wala
kaming perang pang-matrikula. Kaya kung hindi ako natanggap sa UP, hindi siguro ako
makakatuntong sa college. So tinuloy ko pa rin ang pagtu-tutor noong first year college ako (1973).
Noong second year college ako, meron akong nakitang advertisement na naghahanap ng student
assistant si Dr Virgilio Enriquez. Ni hindi ko siya kilala, pero gusto kong magkatrabaho na me
relasyon sa inaaral ko. Inaplayan ko ito, at ito na ang ipinalit ko sa trabaho ko na pagtu-tutor. Dito
nagsimula ang aking landas ng SP. Sa simula ay taga-proof read lang ako ng mga compilation na
sinimulan ni Doc E. Taga-mimeograph din ng mga handouts para sa klase niya. Tapos, nandoon ako
noong inorganisa ang Unang Pambansang Kumperensya sa Sikolohiyang Pilipino. Nakasama din ako
sa mga field research, katulad ng pilot-testing ng Panukat ng Ugali at Pagkatao. Lubos akong
naniwala sa SP, kaya noong naka-graduate ako at natanggap na magturo sa UPDP, itinuloy ko ang
ganitong landas. Dahil sa sobrang paghanga ko kay Doc E, lagi akong nandoon kapag meron siyang
mga lectures at seminars. Ganoon ko na-immerse nang husto ang SP straight from Doc E, the best
mentor I can ever have.

Sto. Domingo | Rogelia Pe-Pua: Panayam tungkol kay Doc E at SP

153

Tomo 2,
1, Bilang 1, Nobyembre 2014
2013

MSD: Bilang isa sa mga naging mag-aaral at kaibigan ni Doc E, ano ang pagkilala mo sa kanya, o
ang masasabi mong pinakamahalaga niyang mga katangian bilang Ama ng Sikolohiyang Pilipino,
iskolar, propesor at kapwa-tao.
RPP:
a. Bilang propesor, masigasig si Doc E na i-debelop ang SP. Ginawa niyang katuwang ang mga
estudyante niya dahil naniniwala siya sa kakayahan nilang umambag sa pagdebelop ng SP.
Binigyan niya kami ng kumpiyansa na kaya naming gawin ito. He debunked the concept
that students follow their professors. He always believed that professors learn a lot from
their students. He made his students think for themselves and have confidence in
contributing their ideas; and to go out and search the knowledge from ordinary Filipinos.
b. Bilang leader ng SP, very inclusive siya at charismatic din. Hinikayat niya ang mga iskolar
sa ibat ibang agham panlipunan at pilosopiya na lumahok sa pagpapalaganap at
pagpapaunlad ng SP. Magaling siyang mang-engganyo. Sa ganitong paraan nakasama namin
sina Zeus Salazar (Kasaysayan), Prospero Covar (Antropolohiya), Lilia Antonio (Filipino),
Manuel Bonifacio (Sosyolohiya), Armando Bonifacio (Pilosopiya), at iba pa.
c. Bilang kaibigan, kakaiba ang trato niya sa ilan sa amin na estudyante niya (graduate
students kami noon), o kayay katuwang sa trabaho (student/research assistants) bilang
kapantay niya, kabarkada. Isinasama niya kami na kumain sa labas, pumupunta kami sa
disco, at sa mga pub house para makinig sa musika. Marami kaming masasayang alaala ng
mga paglalamiyerdang ito. Lagi rin siyang handang makinig at sumuporta kapag meron
kaming mga problema sa trabaho o kayay personal. Ang ganitong samahan ay hindi
nakakasagabal sa aming training dahil kapag usapang akademiko, propesor ang kilos niya
at di niya kami binibigyan ng special treatment just because magkaibigan kami.
d. Bilang kapwa-tao, matulungin si Doc E. Marami sa naging staff niya sa PPRTH ay nagmula
sa humble beginnings, hindi nakatapos ng kolehiyo pero dahil inilapit sa kanya at gusto
niyang makatulong, binigyan niya ng pagkakataon na magkaroon ng karanasan sa
pagtatrabaho. Malaki ang utang na loob nila kay Doc E dahil sa kanyang kabutihan at sa
kanyang matiyagang pagturo sa kanila ng mga skills na naging dahilan upang magtagumpay
sila sa buhay.
MSD: Anong mga piraso ng kabuuan ng SP (pilosopiya, teorya, metodo, gamit, atbp) ang
itinuturing mong pinakamahalaga?
RPP:
a. katutubong metodo ng pananaliksik
b. katutubong konsepto at teorya

154

Sto. Domingo | Rogelia Pe-Pua: Panayam tungkol kay Doc E at SP

Tomo 2,
1, Bilang 1, Nobyembre 2014
2013

MSD: Para sa iyo, ang SP ba ay isang disiplina o isang kilusan?


RPP: Kilusan. Hindi siya disiplina kundi sikolohiya pa rin na nagpapahalaga sa katutubong
perspektibo. Kilusan siya dahil sa kasaysayan nito ng pagdebelop ng sikolohiyang mas
makabukuhan para sa mga katutubo at sa katutubong kultura.
MSD: Mula sa panahong nailunsad ang SP, anu ano ang mahahalagang pangyayari o pagbabago
sa kilusang pang-akademiko, kung meron man?
RPP:
a. Ang kritikal na pag-assess sa SP mismo. Ang pagdadala sa SP to a higher level na
kinakailangan upang mapatunayan ang baliditi nito. Halimbawa, sinusuri nang mabuti at
hinihimay nang husto ang mga konsepto katulad ng kapwa.
b. Kinikilala ang SP bilang nangunguna sa mga katutubong sikolohiya sa mundo.
MSD: Anu anong mga hamon ang kinakaharap ng SP at paano tinutugunan ang mga hamon na
ito?
RPP:
a. Kailangang balikan natin kung sino nga ba ang katutubo sa SP. Ang pokus at
nagpapagalaw ng SP ay mga Pilipino na hindi naman talaga katutubo, i.e. indigenous,
first people of the land. Hindi gaanong nare-represent ang mga tunay na katutubong
Pilipino.
b. Kailangang harapin ang indigenous theorising. Kailangan ng stock-take dahil
nagmumukhang kalat ang area na ito dahil walang nagsi-synthesise, at wala ring nag-iisip
ng research agenda na ikasusulong ng SP theorising.
c. Generally, kailangang maglathala nang mai-disseminate ang kaalamang SP, at higit pang
madebelop ito.
MSD: Mayroon bang pagkakaiba ng teorya, gamit at aplikasyon ng SP sa ibang bansa?
RPP: Kailangan pa ng masusing pananaliksik bago masagot nang maayos ito. Sa aking pananaliksik
sa Pilipinas, Hapon at Taiwan, merong mga pagkakapareho akong nakikita, halimbawa, sa larangan
ng social self, or relational self.
MSD: Kung may pagkakataon ka para iedit ang SP: TMG, ano ang babaguhin mo?
RPP: Ire-retain ang ilang classical articles, at idagdag ang mga bago. Gagawin ko ring 2 bolyum,
para bawat field of psychology ay ma-represent, na kung saan, isasama ko ang mga key articles na
siyang achievements ng SP.

Sto. Domingo | Rogelia Pe-Pua: Panayam tungkol kay Doc E at SP

155

Tomo 2,
1, Bilang 1, Nobyembre 2014
2013

MSD: May payo ka ba sa mga nagsisimulang mag-aaral o mga kabataang iskolar ng SP?
RPP: Alamin ang basic history at philosophy ng kilusan. Magbasa nang malawakan, kasama ang mga
kritiko ng SP. At huwag matakot magsimula ng sariling pananaliksik. Huwag ding mahiyang lumapit
sa mga guro at sabihing interesado silang matuto at makipag-collaborate sa kanilang pananaliksik
(mentorship).

Talahuli
* Salin ni Adonis L. Elumbre ng Atoy M. Navarro, Pe-Pua, Rogelia, na nasa Kenneth Keith (pat.), The
Encyclopedia of Cross-Cultural Psychology, New Jersey: John Wiley & Sons, Inc., 2013, 989.

Sanggunian
Pe-Pua, R. (pat.) (1982). Sikolohiyang Pilipino: Teorya, metodo, at gamit.
Philippines: Philippine Psychology Research and Training House.

Quezon City,

Pe-Pua, R. (1988). Pagtatanong-tanong: A cross-cultural research method. International Journal


of Intercultural Relations, 13, 147-163.
Pe-Pua, R. (1991a). Ang mga balikbayang Hawayano ng Ilocos Norte: Pandarayuhan at pagbabalik.
Nasa V.V. Bautista at R. Pe-Pua (mga pat.), Pilipinolohiya: Kasaysayan, pilosopiya, at
pananaliksik (mpah. 171-173). Quezon City, Philippines: University of the Philippines
College of Social Sciences and Philosophy.
Pe-Pua, R. (1991b). UP pioneers in indigenous Filipino psychology. Nasa B.A. Aquino (pat.), The
university experience: Essays on the 82nd anniversary of the University of the Philippines
(mpah. 152-164). Quezon City, Philippines: University of the Philippines Press.
Pe-Pua, R. (2000). Implications of government policies on working conditions of Filipino workers
in Hong Kong, Singapore, and Taiwan. Pilipinas: A Journal of Philippine Studies, 34, 6390.
Pe-Pua, R. (2003). Wife, mother, and maid: The triple role of Filipino domestic workers in Spain
and Italy. Nasa N. Piper at M. Roces (mga pat.), Wife or worker? Asian women and
migration (mpah. 157-180). Lanham, Maryland: Rowman and Littlefield Publishers.
Pe-Pua, R. (2005a). Kros-katutubong perspektibo sa metodolohiya: Ang karanasan ng Pilipinas.
Binhi, 2 (1), 1-37.

156

Sto. Domingo | Rogelia Pe-Pua: Panayam tungkol kay Doc E at SP

Tomo 2,
1, Bilang 1, Nobyembre 2014
2013

Pe-Pua, R. (2005b). Migration and cross-cultural issues. Nasa Urban-Culture Research Center
(pat.), The horizon and focus in urban cultural theory: Compilation of papers and seminar
proceedings (mpah. 30-52). Osaka, Japan: Osaka City University Press.
Pe-Pua, R. (2005c). Vinculos entre Filipinas y Espana: Migraciones y relaciones bilateral (Links
between the Philippines and Spain: Migrations and bilateral relations), Revista CIDOB
dAfers Internacionals, 68, 53-65.
Pe-Pua, R. (2006). From decolonizing psychology to the development of a cross-indigenous
perspective in methodology: The Philippine experience. Nasa U. Kim, K. S. Yang, at K. K.
Hwang (mga pat.), Indigenous and cultural psychology: Understanding people in context
(mpah. 108-137). New York, New York: Springer.

Karagdagang Babasahin
Navarro, A.M. (2002). Tala tungkol sa mga may-akda: Rogelia Pe-Pua. Binhi, 1 (1), 41.

Sto. Domingo | Rogelia Pe-Pua: Panayam tungkol kay Doc E at SP

157

You might also like