You are on page 1of 26

Patakarang Piskal

1
Konsepto ng Patakarang
Piskal
Konsepto ng Patakarang
Piskal
● patakarang piskal – tumutukoy sa behavior ng pamahalaan
patungkol sa paggasta at pagbubuwis ng pamahalaa
● Ang pamahalaan ay may malaking papel na ginagampanan upang
mapanatili ang kaayusan ng ekonomiya.
● May dalawang paraan ang ginagamit ng pamahalaan sa ilalim ng
patakarang pisikal upang mapangasiwaan ang paggamit ng pondo
nito bilang pangangalaga sa ekonomiya ng bansa.

3
Expansionary Fiscal Policy
● isinasagawa ng pamahalaan upang mapasigla ang matamlay na
ekonomiya ng bansa
● ipinapakita na ang kabuuang output ay mababa ng higit sa
inaasahan dahil hindi nagagamit ang lahat ng resources
● isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggasta sa mga proyektong
pampamahalaan o pagpapababa sa buwis

4
Contractionary Fiscal Policy
● ipinapatupad ng pamahalaan kung nasa bingit ng pagtaas ang
pangkalahatang presyo sa ekonomiya
● nagaganap kapag lubhang masigla ang ekonomiya na
maaaring magdulot ng overheated economy, kung ganito
magkakaroon ng implasyon
● isinasagawa ang pagpapababa ng gastusin ng pamahalaan upang
mahila pababa ang kabuuang demand

5
2
Kahahalagan ng Papel ng
Pamahalaan
Kahalagahan ng Papel ng
Pamahalaan
● Ang papel ng pamahalaan ay magtakda ng mga patakaran na
maghatid sa isang kondisyon na maunlad at matiwasay na
ekonomiya.
● Ang mataas na paggastos ng pamahalaan ay nakapapapasigla sa
matamlay na ekonomiya.
● Ang mababang paggastos ng pamahalaan ay nagpapabagal sa
ekonomiya.

7
3
Pambansang Badyet at
Paggasta ng Pamahalaan
Pambansang Badyet
● kabuuang planong maaaring pagkagastusan ng pamahalaan sa loob
ng isang taon
● nagpapakita kung magkano ang inilalaang pondo ng pamahalaan sa
bawat sektor ng ekonomiya

9
Paggasta ng Pamahalaan
● Kung ang kita ng pamahalaan ay pantay sa gastusin nito,
masasabing may balanced budget.
● Kapag mas malaki ang paggasta ng pamahalaan kaysa sa pondo
nito, masasabing may budget deficit.
● Kung mas maliit ang paggasta kaysa sa pondo, nagkakaroon ng
budget surplus.

10
Paghahanda ng Pambansang
Badyet
1. Nagpapalabas ng budget call ang Department of Budget
and Management (DBM) sa lahat ng ahensiya ng pamahalaang
pambansa.
2. Hinihikayat ang partisipasyon ng mga civil society
organization at iba pang stakeholder sa pagbuo ng badyet ng mga
ahensiya ng pambansang pamahalaan.
3. Ipagtatanggol ng bawat ahensiya ang kanilang panukalang
badyet sa DBM at pag-aaralan nila ito.

11
Paghahanda ng Pambansang
Badyet
4. Ang rekomendasyon ng DBM ay pag-aaralan ng isang
executive review board na binubuo ng kalihim ng DBM at mga
nakatatas na opisyal ng pamahalaan.
5. Bubuin ng DBM ang National Expenditure Program bilang
panukalang pambansang badyet ayon sa napagkasunduan ng
executive review board.
6. Ihaharap sa pangulo ng bansa ang NEP upang linangin

12
Paghahanda ng Pambansang
Badyet
7. Titipunin ng DBM ang mga dokumentong bubuo sa President’s
Budget kabilang na rito ang NEP, at ito ay isusumite sa Kongreso
bilang General Appropriations Bill (GAB) upang aprubahin bilang
isang ganap na batas.

13
Ang Badyet ng Pamahalaan
● Ang badyet ng bansa ay inihahanda ayon sa mga prayoridad ng
pamahalaan.
● Ang pagbabadyet ay maaaring ayon sa:
○ badyet ayon sa sektor
○ badyet ayon sa expense class
○ badyet ayon sa mga rehiyon
○ badyet ayonsa iba’t ibang kagawaran ng pamahalaan

14
4
Paggasta ng Pamahalaan ayon
sa Expenditure Program
Expenditure Program
● tumutukoy sa ceiling o pinakamataas na gastusin nararapat upang
matugunan ang mga pananagutan o obligasyon ng pamamahala sa
loob ng isang taon
● nahahati sa tatlo:
○ Current Operating Expenditures
○ Capital Outlays
○ Net Lending

16
Current
Operating
Expenditures
Ito ang nakalaang halaga para sa pagbili ng mga produkto at serbisyo upang maayos
na maisagawa ang mga gawaing pampamahalaan sa loob ng isang taon.. Napaloob
ang:
● Personal Services – kabayaran para sa sahod ng mga empleyado
● Maintenance and Other Operating Expenses – gastusin kaugnay ng
pagpapatakbo ng mga ahensiya
17
Capital Outlays
Ito ang panustos para sa pagbili ng mga produkto at serbisyo kung saan ang
kapanikanibangang makukuha mula rito ay maaaring magamit sa loob ng maraming
taon at maaaring makadagdag sa mga asset ng gobyerno.

18
Net Lending
Ito ang paunang bayad ng gobyerno para sa mga utang nito.

19
5
Pinagmumulan ng Kita ng
Pamahalaan
Kita ng Pamahalaan
● Ang pamahalaan ay nakakalikom ng salapi sa pamamagitan ng
buwis at iba pang pinagkukunan nito tulad ng kita mula sa interes
ng salaping nakadeposito sa Bangko Sentral ng Pilipinas, mga
kaloob at tulong mula sa mga dayuhang gobyerno at mga
pribadong institusyon.
● revenue – kita ng pamahalaan

21
6

Buwis at mga Uri Nito


Buwis
Ito ang pinakamalaking pinagkukunan ng pondo ng pamahalaan. Ito ay tumutukoy
sa sapilitang kontribusyon na kinokolekta mula sa mamamayan. Ito ay isang paraan
upang makalikom ng salapi ang pamahalaan na gagamitin nito sa pagpapalakad ng
mga gawing pampamahalaan.

23
Uri ng Buwis
1. Ayon sa Layunin
a) Para kumita (revenue generation) – kinokolekta ito upang
makalikom ng pondo para magamit sa operasyon nito (hal,
sales tax, income tax)
b) Para magreguralisa (regulatory) – ipinapataw uoang
mabawasan ang kalabisan ng isang gawain o negosyo (hal.
excise tax)
c) Para magsilbing proteksiyon (protection) – ipinapataw upang
mapangalagaan ang interes ng sektor na nangangailangan ng
proteksiyon mula sa gobyerno (hal. taripa)

24
Uri ng Buwis
2. Ayon sa Kung Sino ang Apektado
a) Tuwiran (direct) – buwis na tuwirang ipinapataw sa mga
indibidwal o bahay-kalakal (hal. withholding tax)
b) Hindi Tuwiran (indirect) – buwis na ipinapataw sa mga
kalakal at paglilingkod kaya hindi tuwirang ipinapataw sa mga
indibidwal (hal. value-added tax)

25
Uri ng Buwis
3. Ayon sa Porsiyentong Ipinapataw
a) Proporsiyonal (proportional) – pare-pareho ang porsiyentong
ipinapataw anuman ang estado sa buhay
b) Progresibo (progressive) – tumataas ang halaga ng buwis na
binabayaran habang tumataas ang kita ng isang indibidwal, uri
ng buwis ng Pilipinas na nakasaad sa 1987 Saligang Batas
c) Regresibo (regressive) – bumababa ang antas ng buwis
kasabay ng paglaki ng kita

26

You might also like