You are on page 1of 2

Ano-ano ang mga dapat malaman ng publiko tungkol sa TRAIN Law?

by Radyo La Verdad | January 9, 2018 (Tuesday) | 100029

FacebookTwitterGoogle+Share

Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law, pahirap o makakatulong sa bayan? Isa-isahin
natin kung ano ba ang nilalaman ng tax reform package na tinatayang makapagbibigay ng 130 billion
pesos na pondo sa pamahalaan.

Mayroong tatlong aspeto ang reporma sa income tax, dagdag buwis o increased taxes, bawas buwis o
reduced taxes at bagong buwis o new taxes. Ang pagpapababa sa income tax ang pinakamahalagang
bahagi ng tax reform law na nasa ilalim ng reduced taxes.

Ayon sa Bureau of Internal Revenue 90% ng 7.5 million na mga Filipino tax payer ang makikinabang sa
naturang batas. Lahat ng sumasahod ng 250 thousand kada taon o kumikita ng hindi hihigit sa 22
thousand kada buwan ay exempted sa pagbabayad ng buwis.

Kaiba sa Tax Code of 1997 o ang National Internal Revenue Code na kung saan lahat ng kumikita ng 10
thousand pesos pababa kada taon ay binubuwisan ng limang porsyento sa kanilang annual income.

Magkakaroon rin ng pagbabago sa value-added tax o VAT dahil sa TRAIN Law. Kabilang dito ay ang
exemption sa VAT ng lahat ng gamot sa diabetes, high cholestereol at hyper tension simula 2019.

Maituturing ang mga ito na pangunahing sakit na pinakamataas na naitatala ng Department of Health sa
Pilipinas. Mababawasan rin ang buwis sa estate tax at donors tax.

Kasama naman sa madadagdagan ng buwis o increase tax ang passive income, excise tax sa sigarilyo,
produktong petrolyo, mineral products gaya ng coal, automobile o mga sasakyan at documentary stamp
tax.

Kabilang naman sa new taxes o bagong bubuwisan ang lahat ng mga matatamis na inumin o sweetend
beverages, non essential services gaya ng mga cosmetic surgery at buwis sa mga nanalo sa lottery ng
PCSO.

Sa softdrinks at juice, 6 to 12 pesos kada litro na dagdag-presyo, tataas rin ng limang porsyento ang
pagpapa-retoke ng mukha at mayroon namang 20% na buwis sa sinomang mananalo sa lotto ng mahigit
sampung libong piso.

Subalit bago naaprubahan ang TRAIN Law, ilan sa mga probisyon ng batas ay na-veto o inalis ni
Pangulong Rodrigo Duterte.
Kabilang dito ang dagdag na tax sa sigarilyo, exemption sa buwis ng ilang produktong petrolyo na
ginagamit bilang pamalit sa natural gas. Exemption sa percentage tax ng kabuuang sales na hindi hihigit
sa limang daang libo.

Zero rating ng mga nabentang serbisyo o produkto at pagpapababa ng buwis sa mga empleyado ng mga
regional at operating headquarters, offshore banking units at petroleum service contractor at
subcontractor.

Ayon kay Pangulong Duterte, inalis ang mga naturang probisyon dahil nakita niyang hindi ito
makatutulong sa kapakanan ng mas nakararami.

Malaki ang mawawalang kita sa pamahalaan dahil sa reporma sa income tax. Ang tanong ng marami,
saan ngayon kukunin ng gobyerno ang pang gastos upang suportahan ang ilang proyekto kabilang na ang
ambisyosong infrastructure project ng administrasyon Duterte na “Build, Build, Build”? Iyan ang
aabangan bukas sa ikalawang bahagi ng special report na ito kaugnay ng train law”

You might also like