You are on page 1of 12

Aralin 24

Impormal na Sektor
Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA
www.slideshare.net/sirarnelPHhistory
Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!
Panimula
• Ang pambansang kaunlaran ay makakamit
lamang kung ang lahat ng bumubuo sa sektor
ng ekonomiya at ang pamahalaan ay
magtutulungan.
• May bahaging ginagampanan ng mga sektor ng
agrikultura, industriya at paglilingkod upang
makamit ang pambansang kaunlaran.
• Subalit, hindi masasabing kumpleto ang pag-
aaral ng ekonomiya kung hindi kabilang ang
impormal na sektor sapagkat maraming mga
mamamayan ang kabilang dito.
Impormal na Sektor
• Ito ang sektor ng ekonomiya
na salat o walang pormal na
dokumentong kailangan sa
pagsasagawa ng mga
gawaing pang-ekonomiya.
• Ang kita ng impormal na
sektor ay HINDI naisasama
sa kabuuang Gross
Domestic Product (GDP) ng
bansa.
Katangian ng Impormal na Sektor

• Hindi nakarehistro sa
pamahalaan;
• Hindi nagbabayad ng
buwis mula sa kinikita;
• Hindi nakapaloob sa
legal at pormal na
balangkas na inilatag ng
pamahalaan para sa
pagnenegosyo.
Impormal na sektor
• Ang impormal na sektor ay paraan ng mga mamamayan
upang magkaroon ng kabuhayan o dagdag na kita sa
tuwing panahon ng pangangailangan at kagipitan.
• Ang kawalan ng sapat na hanapbuhay at ang kahirapan
ang siyang nagtutulak sa tao na pumasok sa ganitong uri
ng sitwasyon.
• Ang paglaganap ng impormal na sektor ay isang global
phenomenon. Gayumpaman, hindi maikakaila ang
kontribusyon nito sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa,
partikular na sa pagbibigay ng empleyo o hanapbuhay sa
mga mamamayan.
Iba’t ibang Anyo ng Impormal na Sektor
Gawaing maaring
isakatuparan sa loob
lamang ng tahanan

Ilegal na gawain tulad Imporma Gawaing pansibiko,


ng pagnanakaw, l na kawanggawa at
piracy at prostitusyon. Sektor panrelihiyon

Mga sari-sari stores,


pagtitinda sa sidewalk,
paglalako ng kalakal at
serbisyo
Kahalagahan ng Impormal na Sektor

• Sinasalo nito ang mga mamamayan na hindi


makapasok bilang mga regular na empleyado
sa isang kompanya.
• Nagbibigay ng pagkakataon sa maraming
Pilipino na makapaghanapbuhay.
• Nagsisilbi itong tagasalo ng mga mamamayang
may mahigpit na pangangailangan.
• Malaki ang naitutulong sa mga konsyumer ang
mga kalakal at serbisyong mula sa impormal na
sektor dahil sa mura nitong halaga.
Dahilan ng Impormal na Sektor
• Makaligtas sa pagbabayad ng buwis sa
pamahalaan;
• Makaiwas sa masyadong mahaba at masalimuot na
proseso ng pakikipagtransaksiyon sa pamahalaan
(bureaucratic red tape).
• Kawalan ng regulasyon mula sa pamahalaan na
kung saan ang mga batas at programa ay hindi
naipapatupad nang maayos;
• Makapaghanapbuhay nang hindi nangangailangan
ng malaking kapital o puhunan;
• Malabanan ang matinding kahirapan.
Epekto ng Impormal na Sektor sa
Ekonomiya
• Pagbaba ng halaga ng nalilikom na buwis – Ito
ay nangangahulugan ng malaking pagbawas sa
kabuuang koleksiyon o maaaring kitain ng
pamahalaan sa pangongolekta ng buwis.
• Banta sa kapakanan ng mga mamimili - Ang mga
mamimiling tumatangkilik dito ay maaaring
mapahamak, maabuso, o mapagsamantalahan.
• Paglaganap ng mga ilegal na gawain – Dahil sa
kagustuhan na kumita nang mabilisan, ang mga tao
ay nauudyok na pumasok sa mga gawaing ilegal o
labag sa batas.
Pagbubuod:
• Ang impormal na sektor ay sektor ng ekonomiya na
salat o walang pormal na dokumentong kailangan
sa pagsasagawa ng mga gawaing pang-ekonomiya.
• Ang kita ng impormal na sektor ay HINDI naisasama
sa kabuuang Gross Domestic Product (GDP).
• Ang mga katangian ng impormal na sektor ay hindi
nakarehistro sa pamahalaan; hindi nagbabayad ng
buwis mula sa kinikita; at hindi nakapaloob sa legal
at pormal na balangkas na inilatag ng pamahalaan
para sa pagnenegosyo.
TAKDA:
PAGPAPAHALAGA

• Sa iyong palagay, ano ang dapat gawin


ng pamahalaan upang mabawasan ang
mga taong nagpupunta sa impormal na
sektor?
References:
• EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para
sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015
• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at
Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA
Publishing House
• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks
Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga
Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga
Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI

You might also like