You are on page 1of 22

ARALIN 5

ANG IMPORMAL
NA SEKTOR
ARALIN 5

PANIMULA:
May bahaging ginagampanan ang sektor ng agrikultura,
industriya at paglilingkod upang makamit ang
pambansang kaunlaran.
Subalit, hindi masasabing kumpleto ang pag-aaral ng
ekonomiya kung hindi kabilang ang IMPORMAL NA
SEKTOR sapagkat maraming mga mamamayan ang
kabilang dito.
ARALIN 5

Ang konsepto ng Impormal na Sektor


• Uri ng hanapbuhay na kabilang sa mga bansang papaunlad pa
lamang.
• Uri ng trabahong hindi bahagi ng makabagong sektor ng
industriya.
• Ito ay nakatutulong dahil nakapagbibigay ng trabaho sa mga
mamamayan.
• Ang kita ng Impormal na sektor ay hindi naisasama sa Gross
Domestic Product (GDP) ng bansa.
ARALIN 5

Impormal na Sektor
Ito ang sektor ng ekonomiya na salat o walang pormal na
dokumentong kailangan sa pagsasagawa ng mga gawaing pang
ekonomiya. Ito rin ay isang paraan ng mga mamamayan lalo na
ang kabilang sa mga tinatawag na "Isang kahig, Isang tuka"
upang magkaroon ng kabuhayan lalo na sa tuwing panahon ng
pangangailangan at kagipitan. Tinatawag din itong underground
economy o hidden economy.
ARALIN 5

Mga Halimbawa
• Nagtitinda sa side walk o kalsada
• Pedicab driver
• Karpintero
• Mga hindi rehistradong operasyon ng mga pampublikong
sasakyan o tinatawag na colorum
• Gawaing ipinagbabawal ng batas tulad ng prostitusyon, Iligal na
pasugalan, pamimirata (piracy)
ARALIN 5

Katangian ng Impormal na Sektor


• Hindi nakarehistro sa pamahalaan.
• Hindi nagbabayad ng buwis mula sa
kinikilala.
• Hindi nakapaloob sa legal at pormal
na balangkas na inilatag ng
pamahalaan para sa pagnenegosyo.
ARALIN 5

Mga Dahilan
• Upang makaligtas sa pagbabayad ng buwis.
• Makaiwas sa masalimuot na proseso ng pakikipagtransaksiyon sa
pamahalaan.
• Kawalan ng regulasyon ng pamahalaan ukol sa mga batas at
programa.
• Makapaghanap-buhay ng hindi nangangailangan ng malaking
kapital.
• Mapangibabawan ang matinding kahirapan.
ARALIN 5

Epekto ng Impormal na sektor sa Ekonomiya

• Pagbaba ng halaga ng nalilikom na


buwis.
• Banta sa kapakanan ng mga mamimili.
• Paglaganap ng mga Ilegal na gawain.
ARALIN 5

Kahalagahan ng Impormal na Sektor


• Sinasalo nito ang mga mamamayan na hindi makapasok bilang mga regular na
empleyado sa isang kompanya.
•Nagbibigay ng pagkakataon sa maraming Pilipino na makapaghanapbuhay.
•Nagsisilbi itong tagasalo ng mga mamamayang may mahigpit na
pangangailangan.
• Malaki ang naitutulong sa mga konsyumer ang mga kalakal at serbisyong mula sa
impormal na sektor dahil sa mura nitong halaga. Dahilan ng Impormal na Sektor
• Makaligtas sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan;
ARALIN 5

Kahalagahan ng Impormal na Sektor


•Makaiwas sa masyadong mahaba at masalimuot na proseso ng
pakikipagtransaksiyon sa pamahalaan (bureaucratic red tape).
• Kawalan ng regulasyon mula sa pamahalaan na kung saan ang mga
batas at programa ay hindi naipapatupad nang maayos;
• Makapaghanapbuhay nang hindi nangangailangan ng malaking
kapital o puhunan;
•Malabanan ang matinding kahirapan.
ARALIN 5

Mga Batas, Programa, at Patakarang Pang-Ekonomiya Kaugnay sa Impormal


na Sektor
1. REPUBLIC ACT 8425 (Social Reform and Poverty Alleviation Act 1997)
Itinadhana na ng batas na ito ang pagkilala sa impormal na sektor bilang
isa sa mga DISADVANTAGED SECTOR ng lipunang Pilipino na
nangangailangan ng tulong sa pamahalaan sa aspektong panlipunan, pang-
ekonomiko, pamamahala, at maging ekolohikal. Isinulong sa batas na ito ang
tinatawag na SOCIAL REFORM AGENDA (SPA) na naglalayong iahon sa
kahirapan ang mga Pilipinong kabilang sa impormal na sektor.
ARALIN 5
Mga Batas, Programa, at Patakarang Pang-Ekonomiya Kaugnay sa Impormal na Sektor

2. REPUBLIC ACT 9710 (Magna Carta of Women)


Isang batas para sa proteksyon ng karapatan pantao ng
kababaihan Pilipino na naglalayon na tanggalin ang lahat ng uri ng
diskriminasiyon, lalo na sa mga kababaihan na marginalized o mga
babae na bahagi ng mga sektor na hindi nabibigyan ng wastong
representasyon sa lipunan. Ito’y naisabatas noong ika-14 ng Agosto
noong 2009 matapos ito pirmahan ng dating Pangulong Gloria
Macapagal-Arroyo.
ARALIN 5
Mga Batas, Programa, at Patakarang Pang-Ekonomiya Kaugnay sa Impormal na Sektor

3. PRESIDENTAL DECREE 442


Ito ay mas kilala bilang Philippine Labor Code na
naisabatas noong Mayo 1, 1974. Itinuring ito bilang pangunahing
batas ng bansa para sa mga manggagawa. Ito ay naglalaman ng
mga probisyon para sa "espesyal na manggagawa" kabilang ang
mga industrial homeworker, kasambahay, batang manggagawa,
at kababaihan na kabilang sa impormal na sektor.
ARALIN 5
Mga Batas, Programa, at Patakarang Pang-Ekonomiya Kaugnay sa Impormal na Sektor

4. REPUBLIC ACT 7796


Ito ay TECHNICAL EDUCATION AND SKILLS
DEVELOPMENT Act of 1994 na nilagdaan bilang batas noong Agosto
25, 1994. Layunin ng batas na ito na hikayatin ang kabuuang
partisipasyon at pakikiisa ng iba't ibang sektor ng lipunan gaya ng
industriya, paggawa, lokal na pamahalaan, teknikal, at bakasyonal na
mga institusiyon upang mapaghusay ang mga kasanayan para sa
pagpapoataas o pagpapaibayo ngkalidad ng yamanag tao ng ating
bansa.
ARALIN 5
Mga Batas, Programa, at Patakarang Pang-Ekonomiya Kaugnay sa Impormal na Sektor

5. REPUBLIC ACT 8282 (Social Security Act of 1997)


Itinadhana ng batas na ito na tungkulin ng estado
na paunlarin, pangalagaan, at itaguyod ang kagalingang
panlipunan at seguridad ng mga manggagawa. Higit sa
lahat kung sila ay dumanad ng pagkakasakit, kapansanan,
panganganak, pagsapit sa katandaan (old age), at
kamatayan.
ARALIN 5
Mga Batas, Programa, at Patakarang Pang-Ekonomiya Kaugnay sa Impormal na Sektor

6. REPUBLIC ACT 7875 (National Health Insurance Act of 1995)


Naitatag ang Philippine Health Insurance
Corporation (Philhealth) na naglalayong mapagkalooban
ang lahat ng mga mamamayang Pilipino ng isang maayos at
sistematikong kaseguruhang panggkalusugan.
ARALIN 5

PROGRAMA AT PROYEKTO NG
PAMAHLAAN NA BUMUBUO SA
IMPORMAL NA SEKTOR
01. DOLE INTEGRATED LIVELIHOOD PROGRAM (DILP)
Nauukol sa pangkabuhayang pangkaunlaran sa
pamamagitan ng mga pagsasanay ng mga mamamayan
partikular na para sa mga self-employed at mga walang
sapat na hanapbuhay. Ang programang ito ay ipinapatupad
ng DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT
(DOLE)
ARALIN 5

PROGRAMA AT PROYEKTO NG
PAMAHLAAN NA BUMUBUO SA
IMPORMAL NA SEKTOR
02. SELF-EMPLOYMENT ASSISSTANCE KAUNLARAN PROGRAM (SEA-K)
Isa sa mga pangkabuhayang programa ng Department of
Social Welfare and Developement (DSWD) na
nagbibigay ng mga gawain at pagsasanay upang
mapaunlad ng mga mahihirap na pamilya ang kanilang
mga kasanayan at makapagsimula ng sariling
negosyong pangkabuhayan.
ARALIN 5

PROGRAMA AT PROYEKTO NG
PAMAHLAAN NA BUMUBUO SA
IMPORMAL NA SEKTOR

03. INTEGRATED SERVICES FOR LIVELIHOOD


ADVANCEMENT OF THE FISHERFOLKS (ISLA)
Tinutulungan ng pamahalaan ang mga
mangingisda sa pamamagitan ng pagkakaloob ng
mga pagsasanay upang mas mapaghusay pa nila
ang kanilang hanapbuhay.
ARALIN 5

PROGRAMA AT PROYEKTO NG
PAMAHLAAN NA BUMUBUO SA
IMPORMAL NA SEKTOR
04. CASH-FOR-WORK PROGRAM (CWP)
Ito ay programa ng DEPARTMENT OF SOLCIAL
WELFARE AND DEVELOPEMENT (DSWD), na kung
saan sa ilalim nito, ang mga biktima ng kalamidad o mga
evacuee ay bibigyan ng kabayaran kapalit ng serbisyong
kanilang isasagawa o pagtulong sa panahon ng
rehabilitasyon at rekonstruksiyon ng mga nasalantang lugar.
ARALIN 5

ISAISIP
•Ang impormal na sektor ay sektor ng ekonomiya na salat o walang pormal na
dokumentong kailangan sa pagsasagawa ng mga gawaing pang-ekonomiya.
• Ang paglaganap ng impormal na Sektor ay nagpapakita ng pagkakaroon ng
ugaling mapamaraan ng mga Pilipino upang mapaglabanan ang hamon ng
kahirapan
Chad Gibbons Ketut Susilo
Ceo Ceo Ceo
•Ang mga katangian ng impormal na sektor ay hindi nakarehistro sa pamahalaan;
hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikita; at hindi nakapaloob sa legal at pormal
na balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa pagnenegosyo.
ARALIN 5

SALAMAT SA
PAKIKINIG

You might also like