You are on page 1of 6

Ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o mas kilala bilang TRAIN Law ay isa sa mga pinaguusapan

sa buong bansa ngayon. Patungkol ito sa pagbabawas ng personal income tax .

Paliwanag:hindi lang mabuti ang nadudulot ng train law,meron din itong masamang epekto Isa na rito ay
ang pagtaas ng presyo ng petrolyo. Ang pagtaas ng presyo nito ay sa kadahilanan na hindi
pinahihintulutan ang mga negosyante na mag angkat sa ibang bansa. Sa kabubuoan, apektado ang mga
mamamayan sa pagtaas ng presyo nito.

Aniya, ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act (TRAIN) ay makakatulong na gumawa ng mga
karagdagang trabaho

Maliban dito, sinabi ni Andanar na kalakip din TRAIN ang mga pagbawas ng halaga ng tax, gaya na
lamang sa mga gamot.(By Rohanisa AbbasJanuary 01, 2018)

Paliwanag:yung nga base naman sa tekstong ito,ang TRAIN LAW ay may malaking naitutulong sa atin lalo
na sa mga mahihirap lalo na ung sa pag babawas ng presyo sa mga gamot at itoy nalagdaan na ng
pangulo layunin nitong itama ang mga dapat ayusin sa batas sa buwis sa bansa.
Ang pagbubuwis ay proseso ng pagkuha ng gobyerno ng kita mula sa mamamayan upang sa gayon ay
matustusan nito ang pangangailangan ng bayan. Ang bawat buwis na ito ay ginagamit ng gobyerno sa
pamamalakad at pagpapatakbo ng mga proyekto na siyang magpoprotekta sa karapaartan ng mga
mamamayan nito(McLure Jr., 2015). Ito ang magsisilbing kuhanan ng pondo ng pamahalaan upang
maisakatuparan ang mga nakaplanong proyekto. Kung kaya napakahalaga ng buwis sa isang bayan.
Nagsisilbi itong mekanismo ng pag-unlad at pagbabago. Kung wala ang buwis ay hindi makakakilos ang
pamahalaan sa ginusto nitong pamamaraan. Ito rin ang ginagamit ng pamahalaan upang matustusan
ang pangangailangan ng bawat sangay nito na siyang tutugon naman sa pangangailangan ng mga
mamamayan. Hindi uusad ang isang bansa kung walang buwis na siyang nanggagaling sa mga mamayan
na sila rin naman ang makikinabang.

Kamakailan ay gumawa ng samu’t-saring reaksiyon mula sa mga mamamayan ang panibagong batas na
ipinatupad ng ating pamhalaan ukol sa sistema ng pagbubuwis sa ating bansa. Ito ay dahil sa pagsang-
ayon ng Senado sa Senate Bill 1592 na aprubahan ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion
(TRAIN) Law anim na buwan matapos pumasa ito sa Kongreso noong Mayo, 2017 sa bisa ng House Bill
5636. Opisyal naman itong inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang Republic Act 10963
(Lobo, 2017). Ang TRAIN Law ay panibagong batas na ipinatupad ng ating Kongreso at Senado upang
mas maging matibay at maayos ang proseso ng pagbubuwis sa ating bansa. Ito ay sinimulang ipatupad
noong Enero, 2018. Isang buwan ang hinintay matapos itong mapirmahan ng pangulo bago itong naging
epektibo sa publiko. Masusing pinag-isipan ang batas na ito na umabot ng halos isang taon ng pagbuo.
Ito rin ay malaking pagbabago sa pagbubuwis sa bansa dahil matatandaan na ang huling pagbabago sa
ating buwis ay isinagawa pa noong 1997 sa bisa ng Republic Act No. 8424 or the Tax Reform Act of 1997.

Karamihan sa mga Pilipino ay nagreklamo na ang gobyerno ay nangongolekta ng labis na buwis mula sa
kanila, at may mabuting dahilan. Ito ay halos dalawampung taon mula nang maipasa ang "Tax Reform
Act of 1997," pagkatapos ay tinawag bilang Comprehensive Tax Reform Program (CTRP). Malinaw na, ito
ay lipas na. Samakatuwid, ang Kongreso, sa paggawa ng Department of Finance (DOF), ay pumasa sa
paunang pakete ng mga pagbabago. Ayon sa DOF, ang TRAIN Law ay inilaan upang iwasto ang maraming
kakulangan sa sistema ng buwis upang gawing mas simple, patas, at mas mahusay (Ricalde, 2018). Ang
pagpapatupad ng TRAIN Law ay isang malaking hakbang na ginawa ng ating pamahalaan upang sa gayon
ay mabago na at mapaunlad pa lalo ang lumang probisyon ng pagbubuwis sa ating bansa. Ang dating
batas ay makikitaan ng pantay na porsyento ngunit hindi patas na pagbubuwis sa pagitan ng mga
mayayaman at mga mahihirap. Ngunit ang layunin ng batas na ito ay maging patas ang pagbubuwis ng
mga mahihirap at mayayaman. Ang TRAIN ay ang unang pakete ng Comprehensive Tax Reform Program
(CTRP) na naglalayong muling idisenyo ang aming sistema ng buwis upang maging mas simple, patas, at
mas mahusay para sa lahat, habang pinapalaki din ang mga mapagkukunang kinakailangan upang
mamuhunan sa imprastruktura at mamamayang Pilipino. Sa pangkalahatan, nakikita ng gobyerno ang
isang mas mababang pasanin sa buwis ng mahihirap at gitna.

Kasama sa probisyon ng batas na ito ay ang pagtatanggal ng buwis sa mga Pilipinong may personal
income tax na ₱250,000 o pababa sa buong taon. Kasama rin dito ang mas mataas na porsyento ng
buwis o mahigit 20-35% ng kita sa mga mas mataas na income tax sa ₱250,000. (Lobo, 2017). Ito ang ilan
sa mga probisyon ng batas na ito kung saan ang wala nang babayarang buwis ang mga Pilipinong
kumikita lamang ng ₱250,000 o pababa. Ito ay may malaking epekto sa mga normal mangagawang
Pilipinong nasa mga pabrika na kumikita lamang ng ₱10,000 o pababa kada buwan o mahigit sa
₱120,000 pababa sa loob ng isang taon. Ito rin ay makakaapekto sa mga kumikita ng mahigit sa
₱250,000 o pataas dahil mas malaki na ang babayaran nilang buwis. Gayunpaman, ito ay patas dahil
ilang dekada ring naging mababa ang binabayaran nilang buwis.

Ang mabuting epekto ng batas na ito ay lubusan ng nakakamtan at nararamdaman ng mga


mamamayang Pilipino. Tunay na mahalaga ang gampanin ng pagsasagawa ng pagbabagong pambuwis
sa isang bansa. (Romer & Romer, 2010) Nagsisilbing kita at pangunahing pinagkukuhanan ng pondo ng
gobyerno ang mga buwis na nakokolekta mula sa mga tao. May malaking gampanin ang pagpapatupad
ng TRAIN LAW sa ating bansa. Bagaman marami ang nagsasabi na marami itong di magagandang epekto,
hindi rin dapat ipagsawalang bahala ng magaganda nitong layunin para sa bansa. Nagagamit ng ating
bansa ang nakukuhang buwis mula sa mga tao para sa pagpapatupad ng mga proyekto, dahil rin sa
TRAIN LAW,naging libre ang matrikula sa mga pampublikong paaralan at nakalilikha ito ng oportunidad
upang magkaroon ng hanap buhay ang mga mamamayan. Bawat kilos at implementasiyon ng
pamahalaan ay may epekto, ang paggamit ng malawak na kaalaman sa kung paano natin tatanggapin
ang mga epektong ito ang siya ring magdidikta sa kung paano tayo makasasabay sa mga pagbabagong
dulot nito.

Isa sa mga proyekto ng pamahalaan na siyang paglalaanan ng makokolektang buwis mula sa TRAIN Law
ay gagamitin sa ambisiyosyong Build, Build, Build Program ng kasalukuyang administrasyon na
naglalayong magtayo ng mga imprastraktura na siyang magpapalago ng ekonomiya ng Pilipinas gaya ng
mga paliparan, gusali at mga tulay. Ang TRAIN Law ay magagamit upang hindi na kailanganing
mangutang ng napakalaking halaga sa ibang bansa upang mas maging maayos ang imprastraktura ng
bansa na siyang nagiging batayan ng isang bansa (Umali, 2018) Sa pamamagitan ng TRAIN, ang bawat
Pilipino ay nag-aambag sa pagpopondo ng mas maraming imprastraktura at serbisyong panlipunan
upang matanggal ang matinding kahirapan at bawasan ang hindi pagkakapantay-pantay tungo sa
kaunlaran para sa lahat. Maganda ang patutunguhan ng TRAIN Law sapagkat ang buwis na makukuha
rito ay lubos rin namang mapapakinabangan ng napakaraming Pilipino. Hindi lamang ito ipinatupad
upang mas malaki ang kita ng pamahaalan bagkus ang epekto nito ay lubos na mararamdaman ng mga
mamamayan sa paggamit ng mga psilidad na siyang itatayo ng pamahalaan na magbibigay ng
magnadang pagsisilbi sa mamamayang Pilipino.

Ang TRAIN LAW ay sinasabing dinisenyo rin upang mas mapataas ang bilang ng mga taong nakaririwasa
o nakaaangat sa buhay sa ating bansa. (Miranda, 2018) Ang naisulong na batas ng TRAIN LAW ay may
layuning pababain ang kinokolektang buwis sa mga taong nabibilang sa mga trabahador o
manggagawang may mababang sahod. Nais ng batas na ito na palakihin ang populasyon ng mga tao na
may masagana at maayos na pamumuhay. Isinusulong ng batas na ito ang nakatakda nitong layunin sa
pamamagitan ng pagbawas sa kinokolektang buwis sa mga manggagawa at pagtaas naman ng buwis na
sinisingil sa mga taong may mataas na sahod. Gamit ang nakolektang buwis ng pamahalaan mula sa mga
tao, marami ding mga proyekto ang naisasakatuparan ng gobyerno. Nakalilikha rin ng oportunidad ang
mga proyektong ito upang magkaroon ng trabaho ang mga mamamayang walang trabaho.

Sa kabila ng napakaraming magandang epekto ng TRAIN Law, ay hindi maiwasan ang pag-alma ng ilang
mga Pilipino sa bagong panukalang ito ng pamahalaan. Dahil nagpataw rin ng dagdag na excise tax para
sa mga asukal ay lubhang tumaas ang mga presyo ng ilang bilihin na nagging dahilang upang tumaas rin
ang inflation rate ng ating bansa (Ang, 2018). Ang inflation rate ay ang porsyento ng pag-angat ng presyo
ng mga bilihin. Mapapansing bigla itong tumaas noong ipinatupad ang TRAIN Law. Mula sa 2.9 % noong
ika-apat ng quarter ng taong 2017 ay pumalo ito ng 3.4% sa pagpasok ng unang quarter ng 2018 na
malapit na sa ceiling na 4 na itinakda ng Bangko Sentral ng Pilipinas para sa taong 2020. Dahil dito kung
kaya mas nahirapan ang mga mamamayan na bumili ng pangangailangan nila dahil sa mas mataas na
presyo ng mga produkto sa merkado. Bagaman nadagdagan ang kanilang kita dahil tinanggal na ang
buwis gayunpaman nahihirapan pa rin ang karamihan dahil sa mataas na presyo ng mga bilihin.
Ang, A. P. (2018, Enero 25) TRAIN and inflation. Business Mirror: Opinions and Columns. Nakuha mula sa
https://businessmirror.com.ph/2018/01/25/train-and-inflation/.

Bangko Sentral ng Pilipinas (2017-2018). Business Expectations Survey(BES). Nakuha mula sa


http://www.bsp.gov.ph/publications/regular_business.asp

Lobo, F. M. (2017, Disyembre 4). Senate Oks tax reform; TRAIN to roll on soon. Manila Bulletin. Nakuha
mula sa https://news.mb.com.ph/2017/12/04/senate-oks-tax-reform-train-to-roll-on-soon/.

Manasan, R. G. (2018). Assessment of Republic Act 10963: The 2017 Tax Reform for Acceleration and
Inclusion. Discussion Paper Series 2018-27. Philippine Institute of Development Studies. Nakuha mula sa
http://dirp3.pids.gov.ph/websitecms/CDN/PUBLICATIONS/ pidsdps1548_rev4.pdf.

McLure, C. E. Jr. (2015). Taxation: Definition, principle, importance and types. Encyclopedia Britannica.
Nakuha mula sa https://www.britannica.com/topic/taxation.

Miranda, W. I. (2018, Enero 24) Middle class and the tax reform law. Manila Bulletin. Nakuha mula sa
https://business.mb.com.ph/2018/01/24/middle-class-and-the-tax-reform-law/.

Ricarde, E. R. (2018) All the taxpayers need to know about the TRAIN law. Quezon City, Metro Manila:
REX Book Store. Inc. Nakuha mula sa https://www.rexestore.com/law/1912-all-the-taxpayers-need-to-
know-about-the-train-law-paper-
bound.html?fbclid=IwAR2jIw9TAsVV77ukPyzue1_A8b6PfNtXBpHXOEebNdzW4NAC8iGb80DEeXw .

Romer, C. D. & Romer, D.H. (2010) The macroeconomic effects of tax changes: estimates based on a
new measure of fiscal shocks. American Economic Review 100 (June 2010): 763–801. Nakuha mula sa
https://www.aeaweb.org/articles?id=10.1257/aer.100.3.763

Umali, J., (2018, Setyembre 1). Build, build, build; Punto mo. Manila, Philippine Star- PangMasa News.
Nakuha mula sa https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2018/09/01/1847618/build-build-
build.

You might also like