You are on page 1of 2

PAGKOMPYUT NG BUWIS

1. Gross Compensation Income: tumutukoy sa kita sa buong taon kasama pa rito ang kaniyang kontribusyon.
2. Gross Taxable Income: tumutukoy sa kita sa buong taon matapos ibawas ang kontribusyon.
3. Personal Exemption: eksempsiyon ng bawat manggagawa ay ₱50,000 may asawa man o wala.
4. Net Taxable Income: kitang bubuwisan. Ang Gross Taxable Income ay babawasan ng mga eksempsiyon para
makuha ang NTI. Kapag nakuha na ito maaari ng tumingin sa Annual Income Tax table para tuusin ang buwis.
5. Income Tax: kabuuang babayarang buwis sa buong taon.
6. Monthly Withholding Tax: buwis na kinakltas bawat buwan sa isang manggagawa.

Halimbawa 1:

Si G. Almazora ay kumita ng ₱510,000 sa loob ng isang taon. Siya ay may taunang kontribusyon na ₱10,819.00.

1. Gross Compensation Income: ₱510,000


2. Gross Taxable Income: ₱510,000 - ₱10,819.00 = ₱499,181
3. Personal Exemption: ₱50,000
4. Net Taxable Income: ₱499,181 - ₱50,000 = ₱449,181 ------------------- hanapin sa Annual Income Tax Table
5. Income Tax: ito ngayon ang gagamitin nating annual income tax table rate
Over ₱400,000 but not over ₱800,000 ₱30,000 + 25% of the excess over ₱400,000.
₱449,181 - ₱400,000 = ₱49,181 (Ito ang labis sa ₱400,000)
X 25%
₱12,295.25 (Ito ang 25% ng labis sa ₱400,000)
+ ₱30,000
₱42,295.25 (Ito ang taunang buwis na ibinabawas kay G. Alamzora)

6. Monthly Withholding Tax: ₱42,295.92 / 12 (buwan) = ₱3,524.66

Halimbawa 2:

Si G. Lontoc ay kumita ng ₱377,000 sa loob ng isang taon. Siya ay may taunang kontribusyon na ₱12,500.00.

1. Gross Compensation Income: ₱377,000


2. Gross Taxable Income: ₱377,000 - ₱12,500.00 = ₱364,500
3. Personal Exemption: ₱50,000
4. Net Taxable Income: ₱364,500 - ₱50,000 = ₱314,000 ------------------- hanapin sa Annual Income Tax Table
5. Income Tax: ito ngayon ang gagamitin nating annual income tax table rate
Over ₱250,000 but not over ₱400,000 20% of the excess over ₱250,000
₱314,000 - ₱250,000 = ₱64,000 (Ito ang labis sa ₱400,000)
X 20%
₱12,800 (Ito ang 25% ng labis sa ₱400,000 at taunang buwis na binabayara ni G.
Lontoc)

6. Monthly Withholding Tax: ₱12,800 / 12 (buwan) = ₱1,066.67

You might also like