You are on page 1of 2

“Ang positibo at negatibong epekto ng TRAIN law”

Nilagdaan ni pa ngulong Rodrigo Roa Duterte noong


desyembre 19 taong 2017 ang bagong Sistema ng pagbabayad
ng buwis na tinatawag na “Tax reform for acceleration and
inclusion” na kapag ang isang mangagawa o nagtatrabaho sa
gobyerno ay may sweldo na 120,00pesos o higit pa taun-taon ay
kasama sa pagbabayad ng buwis, gayunpaman, sa mga kumikita
ng 120,00pesos pababa taun-taon ay hindi na kasali sa
pagbabayad ng buwis.

Malaki ang benispisyo ng sistemang ito sa bansa ng


Pilipinas dahil ang 70% na makukulekta ay mapupunta sa “Build
build build program” habang ang 30% ay sa healthcare ng bawat
mamamayang Pilipino.

Sa kabilang dako naman ay ang pagmamahal sa mga


bilihing kagaya ng mga manufactured products, alak, sigarilyo at
iba pa. Nakaka apekto din ito sa iilang mga non-government
workers na kung saan may kakaunting kita lamang na
natatanggap sa luob ng isang buwan maging sa isang taon, ito ay
iilan lamang sa mga masamang epekto ng TRAIN law, at kapag
mataas ang taxes ay hindi maiiwasang ang inflation ng presyo ng
mga produktong apektado nito.

Gayunpaman, maraming mga Filipino ang apektado sa


batas na ito lalo na ang mga kumikita ng kakarampot lamang.
Ngunit, sinasabi nga na ang buwis ang tinatawag na lifeblood ng
isang bansa kung saan ito ay may malaking posisyon sa pag-
unlad at paglago ng ekonomiya, at bilang isang pangulo na syang
may pinaka mataas na posisyon, adhikain nya ang i prayoridad
ang kapakanan ng nakakarami at iwasan ang pagkakaroon ng
sariling interes. Dahil, bilang isang pangulo dapat nitong hangarin
ang ikakabuti at nakakabuti sa isang bansa.

You might also like