You are on page 1of 3

Korapsyon sa Hudikatura

Ang Hudikatura (Judiciary) ay isa sa tatlong mahahalagang sangay ng gobyerno, kasama ng


Ehekutibo (Executive), at Lehislatibo (Legislative). Mataas ang pagtingin ng lipunan sa sangay na ito na
may .Kapantay na kapangyarihan sa Ehukatibo at Lehislatibo. Ang Hudikatura ang sangay ng gobyerno
na siyang nagbibigay ng interpretasyon sa batas na ginawa ng Lehislatibo at ipinatutupad ng Ehekutibo.

Ang Hudikatura ay hindi ligtas sa mga alegasyon ng korapsyon at pagnanakaw sa kaban ng


bayan. May mga kurakot din na hukom (judge) na tumatanggap ng suhol upang magbaba ng desisyong
pumapanig sa nagbigay ng suhol. May ilang mga hukom na pinatatagal ang pagdesisyon sa isang kaso na
nagbubunga ng inhustisya sa mga taong walang kasalanan. Kaakibat ng mga maling gawi o akto ng
hukom sa paglabag sa kanilang Koda ng Etika (Code of Ethics) ay ang pagharap nila sa mga kasong
administratibo o maaari rin namang pagtanggal sa kanila ng lisensya bilang mga abogado.

Naging mainit ang mga usapin na ipinukol kay dating Supreme Court Justice Renato Corona dahil
sa maling deklarasyon ng kanyang mga pagmamay-ari at mga pagkakautang batay sa deklarasyon ng
kanyang SALN na sinasabing lumalabag sa RA 6713. Siya ang kauna-unahang Supreme Court Justice sa
kasaysayan ng Pilipinas na pinatalsik sa pwesto sa pamamagitan ng proseso ng impeachment. Pinatalsik
siya sa pwesto noong May 29, 2012.

Ang kapalaran ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno (itinalaga ni dating Pangulong Benigno
Aquino III) ang kauna-unahang babaeng Chief Justice ng Korte Suprema sa Pilipinas ay hindi rin nalayo sa
kapalaran ng kanyang pinalitan na si Chief Justice Renato Corona. Bunga ng artikulo ng impeachment na
inihain ni Atty. Larry Gadon laban sa babaeng Chief Justice ay ang sunud-sunod na pagdinig sa Komite ng
Impeachment na kung saan ang mga kasamang mahistrado ng babaeng Chief Justice sa Korte Suprema
ay nagbigay ng kani-kanilang testimonya laban kay Sereno. Ang artikulo ng impeachment ay inilapat ni
Atty. Larry Gadon laban sa babaeng Chief Justice.

Hindi pa man umuusad ang proseso ng impeachment, si Solicitor General Calida ay naghain .ng
extraordinary remedy na quo warranto laban kay Sereno sa paniniwalang walang bisa ang pagtatalaga sa
kanya dati ni Pangulong Aquino bilang Chief Justice sapagkat hindi niya naibigay ang basikong kahingian
na paghahain ng SALN. Bagamat may mga usapin sa remedyong ito na ibinigay ni Calida, ang Korte
Suprema ay nagpasya na patalsikin si Sereno sa pwesto bilang Punong Mahistrado sa botong 8-6. Ang
mga hindi pabor sa Quo Warranto ay ang mga sumusunod:

(1) Estela M. Perlas-Bernabe

(2) Alfredo Benjamin S. Caquioa

(3) Antonio T. Carpio

(4) Mariano C. Del Castillo

(5) Marvic Mario Victor F. Leonen

(6) Presbitero J. Velasco Jr.


Ang mga pabor sa quo warranto ay ang mga sumusunod:

(1) Lucas P. Bersamin

(2) Teresita J. Leonardo de Castro

(3) Alexander G. Gesmundo

(4) Francis H. Jardaleza

(5) Samuel R. Martires

(6) Diosdado M. Peralta

(7) Andres B. Reyes, Jr.

(8) Noel G. Tijam

Korapsyon sa Pamamahayag

Ang pamamahayag ang isa sa mga basikong karapatang pantao na bibigyan ng proteksyon ng ating
Saligang Batas, espisipiko sa Artikulo III. Seksyon 4. Isinasaad dito na walang makapapasang batas na
bumabangga sa karapatan ng tao ng magsalita, magpahayag, o ang karapatan ng tao na magtipun-tipon
sa mapayapang pamamaraan upang ihain ang kanilang mga karaingan laban sa gobyerno.

Sa kabila ng mga karapatang ito ay may mga pagkakataon na ito ay nababahiran din ng usapin
ng korapsyon at pagnanakaw sa bayan gaya ng mga sumusunod na sitwasyon:

(1) Pananahimik o pagpapasya na huwag ilantad ang katotohanan kapalit ng pagtanggap ng


suhol. May mga pagkakataon din na ang isang mamamahayag ay may mga ilalantad na mga kwentong
hindi totoo kung kaya malaki ang posibilidad na makasira sa isang indibidwal o samahan- kapalit nito ay
pabor na manggagaling sa manunuhol.

(2) May mga pagkakataon din na kapalit ng suhol ang pagsusulat ng mga kwentong
mapakikinabangan ng indibidwal o kumpanyang nagbibigay ng suhol.

Korapsyon sa Lehislatibo

Ang Lehislatibo ang sangay ng gobyerno na namamahala sa pagbuo at pagbabalangkas ng batas


na nararapat namang ipatupad ng Ehukitibo. Malapit sa usapin ng korapsyon ang sangay na ito ng
Lehislatibo sapagkat maaaring makapaglagacy ng isang probisyon sa panunakalang batas na maaaring
pumabor sa may-akda nito. Mahalaga na maunawaan ng mga mag-aaral ang ilang prinsipyo upang
labanan ang katiwaliang ito sa pamahalaan:
Hindi tugmang tanggapan (incompatible office). Ipinagbabawal ng prinsipyong ito sa mga
mambabatas na humawak ng tanggapan o posisyon sa anumang ahensya ng pamahalaan kasama ang
GOCC o Government Owned Corporations liban lamang kung ang iwawanan niya ang kanyang tungkulin
bilang mambabatas. Mariing ipinagbabawal ng prinsipyong ito ang paghawak ng dalawang tanggapan
upang maiwasan ang maiwasan ang pagbibigay ng katapatan sa isang tanggapan habarig ang
independensya ng lehislatura at ang doktrina ng hiwalay na kapangyarihan (separation of power) ay
nasisira. Halimbawa: Hindi maaaring tanggapin ng isang Senador ang posisyon bilang Kalihim ng DILG
kung hindi niya babakatehin ang kanyang pwesto bilang Senador.

Tandaan na hindi lahat ng tungkulin sa gobyerno ay maituturing na incompatible office sapagkat


mayroong mga tungkulin na maaaring tanggapin ng isang mambabatas batay sa pagkilala ng Saligang
Batas. Halimbawa: ang pagiging kasapi ng Electoral Tribunal at Judicial and Bar Council of the
Philippines. Ipinagbabawal na tanggapan (forbidden office).

Ipinagbabawal sa prinsipyong ito ang pagtatalaga ng mga kasapi ng Kongreso sa mga tanggapan
ng gobyerno na nilikha o ang sweldo para dito ay nilikha sa panahon na siya ay nanunungkulan pa bilang
kongresista. Layunin ng prinsipyong ito na maiwasan ang mga anumalya na kung saan ang kongresista ay
makikinabang sa batas na siya mismo ang nagbigay ng inisyatibo.

You might also like