You are on page 1of 8

D I S P A T C H

AkbayanParty
January 2012 Volume 3 Series 1 www.akbayan.org.ph

MGA IMPORTANTENG TANONG UKOL SA CORONA IMPEACHMENT


Ang kampanya laban sa katiwalian at pagsulong ng reporma ay hindi madali. Sa katunayan, mahirap lalo nat maraming balakid ang dapat tanggalin upang makamit ang inaasam na pagbabago. Bukod dito, ngayong umuusad na ang impeachment case laban kay Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona, maraming tanong ang dapat pa ring masagot. Dahil na rin legal at teknikal na proseso ang impeachment, nagiging malayo sa ordinaryong bokabularyo ng mga mamamayan ang konspetong ito. Kaya naman mabuting linawin ang usaping ito upang makita ng mga Pilipino na malapit pa rin ito sa kanilang buhay.
ANO BA ANG IMPEACHMENT? Ang impeachment ay legal na prosesong nakalagay sa ating saligang batas, ang 1987 constitution, upang tanggalin sa puwesto ang Presidente, Bise Presidente, mga miyembro ng mga constitutional commissions (Commission on Elections, Civil Service Commission, at Commission on Audit), Ombudsman, at mga justices ng Korte Suprema kung meron silang pagkakasala at paglabag sa batas at konstitusyon.

Ayon sa Section 2, Article XI ng Konstitusyon, maaaring maimpeach ang mga naturang opisyales sa mga sumusunod na sala: 1. Culpable violation of the Constitution (Tahasang paglabag sa Konstitusyon) 2. Treason (Kataksilan sa bayan) 3. Bribery (Pagsuhol) 4. Graft and Corruption 5. Other High Crimes 6. Betrayal of Public Trust (Pagtaksil sa tiwala ng bayan) PAANO BA ISINASAGAWA ANG IMPEACHMENT? Ayon sa Section 3, Article XI may tatlong paraang ibinibigay ang konstitusyon para simulan ang isang impeachment case pero ang House of Representatives ang eksklusibong may kapangyarihan para simulan ang isang kaso para sa impeachment.
Una, maaaring magsampa ng isang verified complaint ang sinumang miyembro ng House of Representatives. Ikalawa, maaaring magsampa ng isang verified complaint ang sinumang mamamayan na may endorsement ng sinumang miyembro ng House of Representatives. Sa mga nabanggit na pamamaraan na ito, isasali ang complaint sa Order of Business sa loob ng sampung session days at ipapasa na sa tamang kumite upang dinggin sa loob ng tatlong session days. Kung bumoto ang mayorya ng mga miyembro ng kumite, maaari na itong magsumite ng report sa kabuuang House of Representatives na siya namang magpapasya kung sasangayon o hindi sa report ng kumite. Kakailanganin nito ang boto ng di bababa sa one-third ng lahat ng miyembro ng House of Representatives para pag-sangayunan ang report o hindi. Sa ikatlong pamamaraan, maaaring magsampa ang di bababa sa one-third ng lahat ng miyembro ng House of Representatives. Sa pamamaraan na ito, di na kakailanganin ng plenary debates di gaya ng unang dalawang paraan. Sa ganitong paraan din magiging Articles of Impeachment na diringgin ng Senado ang sinumpaang complaint. Ang senado lang ang maaaring duminig at maghusga ng impeachment case. Kakailanganin ng di bababa sa two-thirds ng lahat ng miyembro ng Senado upang maka-convict. Ang tanging parusang maaaring ipataw ay ang pagkakatanggal sa puwesto at pagbabawal na humawak sa anumang pwesto sa gobyerno. Di rin maaaring magsampa ng higit sa isang kasong impeachment laban sa iisang indibidwal sa loob ng isang taon.

ANONG PORMA NG IMPEACHMENT BA ANG GINAMIT SA KASALUKYANG IMPEACHMENT CASE LABAN KAY CORONA ? Ang ginamit na porma ng pagimpeach kay Corona ay ang ikatlong paraan kung saan ang kaso ng impeachment ay isinampa ng higit sa one-third ng lahat ng mga miyembro ng House of Representatives o 188 congressmen noong December 12, 2011.

C
COMPLAINT

1/3

ANU-ANO BA ANG MGA BATAYANG GINAMIT PARA SAMPAHAN NG IMPEACHMENT CASE SI CORONA? Merong walong (8) batayang inilalatag ang impeachment case na sinampa ng House of Representatives. Pagkiling at pagpanig niya sa administrasyong Arroyo sa mga mga kaso mula nang siya ay natalagang associate justice hanggang sa pagkakatalaga bilang midnight chief justice

1 2 3

Dito ipinapakita na iligal ang pagkakatalaga kay Corona bilang chief justice at bago pa man siya maging chief justice nang siya ay isa pang associate justice, meron nang pagkiling si Corona sa administrasyong Arroyo. Ipinakita niya na mula sa pagiging associate justice hanggang sa pagiging kasalukuyang midnight chief justice, todo ang suporta niya kay Arroyo. Kita ito sa kanyang voting pattern kung saan 78% ng kanyang boto sa mga kaso ay laging pabor kay Arroyo. Tahasan niyang nilabag ang konstitusyon at tinaksil ang tiwala ng taumbayan nang hindi niya isinapubliko ang kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) na tungkulin niya ayon sa Sec. 17, Art. XI ng Konstitusyon. Dito, makikita natin na tila ikinukubli ni Corona ang kanyang mga pag-aari. Marami ding pag-aari si Corona na wala sa kanyang isinumiteng SALN. Maraming pag-aari gaya ng isang 300 sq. meter na apartment sa The Fort sa Taguig ang kahinahinala ang pinanggalingan. Tahasang paglabag sa konstitusyon at pagtaksil sa taumbayan nang di tuparin ni Corona ang inaasahang ugali at tamang asal ng isang miyembro ng Korte Suprema nang ginamit niya ang Korte na magdesisyon sa mga sulat lamang ng isang abogado na nagresulta sa pagbabaliktad ng mga desisyong dapat ay final and executory na. Binago ng Korte Suprema, sa pangunguna ni Corona, ang nauna nang desisyon sa kasong FASAP vs. PAL dahil lamang sa isang sulat na ibinigay ng abogado ng Philippine Airlines na si Atty. Estelito Mendoza. Bukod dito, hinayaan din ni Corona na maitalaga ni Arroyo ang kanyang asawa bilang member ng board ng John Hay Management Corporation (JHMC) na isang paglabag sa Code of Judicial Conduct. At nang ireklamo si Mrs. Corona ng mga kasama sa board, sila ang tinaggal at siya ay nai-appoint bilang OIC board chair. Ginamit rin ni Corona ang pera ng hudikatura para sa pansariling gastusin at personal niyang kinausap si Ginoong Lauro Vizconde at Dante Jimenez kaugnay ng Vizconde massacre case at inakusa si Justice Carpio na nananawagan para sa acquittal sa kasong ito, pawang mga gawain na hindi inaasahan sa isang tapat at mabuting miyembro ng Korte Suprema.

Tahasang paglabag sa konstitusyon at pagtaksil sa taumbayan nang kanyang ibaliwala ang separation of powers sa pamamagitan ng pag issue ng isang Status Quo Ante Order sa impeachment case kay dating Ombudsman Merceditas Gutierrez laban sa House of Representatives. Minadali ni Corona na maibigay ang Status Quo Ante Order upang pagbigyan si Gutierrez. Nakitaan ng Newsbreak, isang respetadong media outfit, na karamihan sa mga justices na bumoto para sa Status Quo Ante Order ay natanggap ang petisyon para rito pagkatapos lamang maibigay ang Order samantalang 3 sa kanila ay isang araw pa pagkatapos maibigay ang Order nang kanilang matanggap ang petisyon para rito. Nilabag din nito ang prinsipyo ng separation of powers o pagkakahati ng mga kapangyarihan ng 3 sangay ng gobyerno dahil pinigilan nito ang House of Representatives na isagawa ang impeachment kahit ekslusibong kapangyarihan ito ng House of Representatives.

5 6

Nilabag din ni Corona ang Konstitusyon sa pamamagitan ng paglabag sa prinsipyo ng Res Judicata o ang prinsipyo na ang isang final na desisyon ay di na dapat dinggin pang muli nang mag-flip flop ang Korte sa pamumuno ni Corona sa mga kasong kaugnay ng pagkakagawa ng 16 na bagong syudad at sa kasong ginawang probinsya ang Dinagat Island.

Sa mga kasong ito, at sa kaso ng FASAP vs. PAL, ilang beses nang binaliktad ng Korte ang mga nakaraan nang desisyon at pawang inaksyunan lamang ito dahil sa mga personal na sulat.

Pinagtaksilan ni Corona ang tiwala ng taumbayan nang gumawa siya ng isang kumiteng iimbestiga, at magpapawalang sala sa isang kasama sa Korte Suprema na may maling ginawa gayung ang House of Representatives lamang sa pamamagitan ng impeachment ang natatanging may kapangyarihan na dumisiplina sa isang miyembro ng Korte.

Sa kasong Vinuya vs. Executive Secretary, napatunayang lantarang plagiarism o pangongopyang walang pahintulot ang ginawa ni Justice Mariano del Castillo nang kanyang isulat ang desisyon sa kasong ito. Dahil dito, nagpasya si Corona na gumawa ng isang Ethics Committee na iimbestiga sa kagagawang ito, sa madaling sabi inako ni Corona ang kapangyarihan na disiplinahin ang isang miyembro ng Korte gayong wala naman siyang ganitong kapangyarihan.

7 8

Tahasang pinagtaksilan ni Corona ang taumbayan nang kanyang paboran si Gloria Macapagal Arroyo at asawang si Jose Miguel Arroyo at bigyan ng Temporary Restraining Order (TRO) upang makatakas sila sa kanilang mga kaso, at nang kanyang gawing malabo kung kailan magiging epektibo ang TRO gayung hindi tinupad ng kampo ni Arroyo ang mga kundisyong inilatag sa TRO. Minadali ni Corona ang pagbibigay sa TRO gayung may mga mali at inconsistencies sa petisyong isinumite ng kampo ni Arroyo. Hindi rin sinundan ang internal rules ng Korte nang hindi sundin ang rekomendasyon ng justice na magsusulat ng desisyon na pagpasyahan ito sa loob ng 5 araw. Labag ito sa rules ng Korte at malinaw rin na ginawan ni Corona ng paraan na 8 na justices ang boboto pabor sa TRO. Bukod pa rito, hinayaan ni Corona na maibigay ang TRO kahit hindi natupad ni Arroyo ang isa sa tatlong kundisyong ipinataw ng TRO. Kahit malinaw na hindi magiging epektibo ang TRO dahil hindi natupad ang lahat ng kundisyon, dinesisyon ng Korte na epektibo pa rin ito. Pinagtaksilan ni Corona ang taumbayan at gumawa ng graft and corruption nang hindi niya mai-account ang pera mula sa Judiciary Development Fund (JDF) at sa Special Allowance for the Judiciary (SAJ) collections. Malinaw na hindi maideklara ni Corona kung saan ginastos ang mga pondong ito. Hindi rin niya maipaliwang kung saan napunta ang pera na itinalaga para panggastos sa mga posisyon sa hudikatura at mga bagong mga korte na hindi naman nalagyan ng tao at hindi naman nalikha. Kung pagbabatayan ang report ng Commission on Audit (COA), aabot sa 5.3 billion pesos ang hindi pa naisasauli ni Corona sa Bureau of Treasury. Aabot din sa 559.5 million pesos ng pondo mula JDF, SAJ, at General fund ang misstated na nagresulta sa pagkakadelay o hindi pagkakagawa ng bank reconciliation statements at maling reconciling items.

BAKIT BA KAILANGANG TANGGALIN SI CORONARROYO? Ang kampanya para panagutin si Arroyo ay di nagtatapos sa kanyang pansamatalang pagkakakulong. Matatandaang maraming opisyal sa pamahalaan ang kanyang itinalaga upang magsilbing hadlang sa kasalukuyang gobyerno na tuparin ang pangako nitong reporma at upang tiyakin na hindi siya mananagot sa kanyang mga krimen. Isa na rito si dating Ombudsman Merceditas Gutierrez na naimpeach pero nagbitiw din naman. Ang huling tagapagtanggol ni Arroyo ay si Corona, siya ang huling alas ni Arroyo upang biguin ang kasalukuyang kampanya para panagutin si Arroyo.
Bagaman nakakulong na si Arroyo, hindi pa siya convicted. Ibig sabihin, hindi pa siya nililitis at maaari pang makalaya. Maaari pang tulungan ni Corona si Arroyo na tumakas hanggat nasa Korte Suprema pa siya. Pero bukod dito, hindi lamang balakid si Corona sa pagpapakulong ni Arroyo kundi balakid sa reporma sa hudikatura. Hanggat merong isang Chief Justice na nagsisilbi sa isang tao lamang imbes sa katarungan, hindi marereporma ang hudikatura at laging magiging pangarap lang ang katarungan para sa nakararaming Pilipino.

PAKANA LANG DAW UMANO NG KASALUKUYANG ADMINISTRASYON ANG TANGGALIN SI CHIEF JUSTICE CORONA, TOTOO BA ITO? Bagaman malinaw na isinusulong ng mga kaalyado ng administrasyong ito ang pagpapatanggal kay Corona, hindi ito maituturing na simpleng pakana lamang ng administrasyon. Malinaw na sa pagkiling ng Korte Suprema sa pangunguna ni Corona, nayuyurak ang katarungan. Kung tutuusin, ang kampanya para matanggal si Corona sa poder ay kampanya ng mga ordinaryong mamamayan.Hanggat nasa kamay ni Arroyo o ninuman ang Korte Suprema, hindi maaasahang magagampanan ng Korte ang tungkulin nitong ibigay ang katarungang inaasam ng marami. BAKIT BA KAILANGAN PANG REPORMAHIN ANG KORTE SUPREMA? DIBAT GANITO NA ITO DATI? BAKIT PA KAILANGANG BAGUHIN ANG NAKAGISNAN PA?

Una, dahil mahalaga na ang reporma sa gobyerno ay madama sa lahat ng sangay nito. Ikalawa, dahil hanggat hindi mababago ang Korte Suprema at mareporma ito, laging magiging balwarte lamang ito ng may pera, may kapangyarihan, at ng may impluwensiya na gagamitin ang pagkakaibigan imbes na batas para gumawa ng desisyon. Sa huli, kailangang baguhin ang dating kalakaran sa Korte Suprema dahil hindi nito napagsisilbihan ang karamihan sa taumbayan.
PAANO BA PINIPILI ANG ISANG JUSTICE OF CHIEF JUSTICE SA KORTE SUPREMA? ANO BANG QUALIFICATIONS ANG DAPAT MERON PARA MAPILING JUSTICE O CHIEF JUSTICE?

Dapat nating alamin kung paano nga ba naitatalaga ang isang Supreme Court justice o chief justice. Ayon sa Section 7, Article VIII ng Konstitusyon, kailangan matugunan niya ang mga sumusunod na rekisitos:
1. Isa siyang natural born citizen ng Pilipinas 2. Dapat hindi bababa sa 40 taon ang kanyang edad 3. Dapat 15 taon na siyang nagsilbi bilang isang huwes sa isang nakabababang korte o 15 taong nasa propesyon na ng pagaabogado sa Pilipinas.

Pero hindi pa dito nagtatapos ang pagpili sa isang miyembro ng Korte. Nakasaad din sa Section 8 ng Article VIII ng Konstitusyon na magkakaroon ng isang Judicial and Bar Council (JBC) na magsusumite ng mga nominadong pagpipilian ng president para italaga bilang associate justice o chief justice ng Korte. Uupo ang chief justice, ang Secretary of Justice, at isang miyembro ng Kongreso bilang ex officio o automatic na mga miyembro ng JBC. Kasama nila ang mga tinalagang miyembro ng presidente: isang representante ng Integrated Bar of the Philippines (IBP), isang propesor ng abogasya, isang retiradong miyembro ng Korte Suprema, at isang representante ng pribadong sector. Maninilbihan ding secretary ng JBC ang Clerk of Court ng Korte Suprema. Tuwing may bakanteng posisyon sa Korte Suprema o mga nakabababang korte, ang JBC ang magbibigay ng 3 nominadong pagpipilian ng presidente para italaga. Ang pinili ng presidente ay hindi na kailangan pang dumaan sa confirmation ng Commission on Appointments. Sa mahabang prosesong ito, nakikita natin na may puwang ang taumbayan para tiyakin na magiging independente at patas ang magiging susunod na chief justice. Maaaring ipahiwatig ng ordinaryong mamamayan sa JBC mismo na dapat maging tapat ang mga magiging nominado nito.

KUNG MATANGGAL SI CORONA, DIBAT SI PANGULONG AQUINO LANG DIN NAMAN ANG MAGTATALAGA NG BAGONG CHIEF JUSTICE? ANONG PINAGKAIBA NG ISANG KORTENG HAWAK NI ARROYO SA ISANG HAWAK NI AQUINO?

Totoo namang si Pangulong Aquino ang magtatalaga ng bagong Chief Justice kung matanggal si Corona sapagkat nasa konstitusyon naman ito. Hindi naman kailangan ng kasalukuyang gobyerno na tanggalin si Corona kung kapangyarihan lamang ang nais nito. Kailangang tanggalin si Corona dahil balakid siya sa pagpapanagot kay Arroyo. Kailangang tanggalin si Corona dahil ang korteng pinamumunuan ni Corona ay hindi malayang nakapagpapasya, kailangang ibalik ang kalayaang ito at maaari lamang itong mangyari kung isang chief justice na hindi dating tau-tauhan ng pangulo lang ang maitalaga. Pero kailangang tanggalin muna si Corona.

SINASABING ATAKE LAMANG SA JUDICIAL INDEPENDENCE AT RULE OF LAW ANG IMPEACHMENT CASE. Hindi masasabing atake sa rule of law ang impeachment case kung isa namang legal na pamamaraan ang impeachment para tanggalin ang isang tiwaling opisyal, kagaya nang hindi pwedeng sabihing harassment ang pagsampa ng kaso kay Arroyo gayung may ebidensya para siya ay sampahan ng kaso. Ito ay malinaw na pagsulong sa judicial independence at rule of law dahil nais ng taumbayan na ibalik ito sa Korte Suprema pag natanggal na si Corona. Ang mga salitang ito ay nawalan ng saysay nang tanggapin ni Corona ang posisyon bilang tagapagtanggol ni Arroyo sa Korte Suprema. Hindi rin naman masasabing atake sa judicial independence ang nangyayari kung hindi naman independent ang kasalukuyang Korte Suprema. Ang malinaw na atake dito ay hindi sa institusyon ng Chief Jusitce o Korte Suprema kundi sa mga nagaastang Chief Justice gayung hindi naman legal na chief justice. Kung atake ito sa korte, ito ay atake sa Korte Suprema ni Arroyo at hindi sa Korte Suprema ng Pilipinas. Kailangang tanggalin si Corona upang maibalik ang sinasabing judicial independence at upang tunay na marespeto ang rule of law na nilalabag nina Corona at Arroyo.

ANO BA ANG MAPAPALA KO BILANG ISANG ORDINARYONG PILIPINO MULA SA IMPEACHMENT NA ITO? Marahil maraming nagsasabi na hindi halata ang pakinabang na makukuha ng mamamayan sa prosesong ito. Pero dapat nating unawain na ang pakinabang na makukuha natin rito ay malinaw at konkreto. Sa pamamagitan ng impeachment makikita at maipapadama sa taumbayan na kayang papanagutin ang makapangyarihan at ang batas ay dapat patas para sa lahat. Para sa mga ordinaryong mamamayan at manggagawa gaya ng mga miyembro ng FASAP na naagrabyado sa isang kasong hinawakan ng Korte Suprema sa ilalim ni Corona, magkakaroon ng makabuluhang desisyon na may batayan sa batas at hindi lamang dahil sa personal na relasyon. Para sa mga magsasaka gaya ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita magkakaroon ng agarang lunas sa dekadang problema sa lupa, isang problemang matagal na sanang nalunasan kung hindi personal na korte ni Arroyo ang Korte Suprema

PAANO AKO MAKATUTULONG? Bilang ordinaryong mamamayan maraming puwedeng itulong. Dahil marami pa ring Pilipino ang di gaano alam ang usapin ng impeachment, maaaring ireproduce ang polyetong ito at ipamigay sa mga kasamahan sa eskwelahan, trabaho, simbahan at sa mga kamag-anak. Maaari ring sumali sa mga forum hinggil sa kasalukuyang impeachment case laban kay Corona upang higit pang maliwanagan o di kaya ay sumali sa mga pagkilos ng mga ordinaryong mamamayan para sa isang tunay na malayang hudikatura at pamumuno ng batas na patas para sa lahat. Mahalaga rin na maging mulat sa kasalukuyang usapin at makiisa sa bayan para panagutin si Corona at si Arroyo sa kanilang pagkakasala sa bayan.

www.akbayan.org.ph

You might also like