You are on page 1of 1

Ang Kahinaan ng Sektor ng Industriya

Ang sektor ng industriya ay may napakahalagang papel na ginagampanan sa pag-unlad ng isang bansa
ngunit mayroon din itong mga kahinaan na dapat bigyang-pansin ng pamahalaan. Kabilang sa kahinaan
ng sektor ng industriya ay kakulangan ng mga batas na sumusuporta sa pagpapalakas ng industriya, ang
kawalan ng sapat na kakayahang pamuhunan, at ang kaguluhang pampulitika sa bansa.

Ang tatlong kahinaan ng sektor ng Industriya ay ang Policy Inconsistency,


Inadequate Investment at Macroeconomic Volatility and Political
Instability.

 Policy Inconsistency

Ang policy inconsistency ay tumutukoy sa anumang uri ng polisiya na pabago-bago o paiba-iba ng paraan
ng pagpapatupad. Kasama rin dito ang hindi unipormeng pagpapatupad nito at ang madalas na
pagpapalit palit ng mga probisyong nakasaad dito. Gaya dito sa Pilipinas, dahil papalit palit ang mga
namumuno nagkakaroon ng matagalan at mapaminsalang policy inconsistency kaya’t patuloy na hindi
nasusulusyonan ang matagal nang mga problema.

 Inadequate Investment
Inadequate investment ay ang hindi sapat na puhunan o pamumuhunan. Halimbawa nito ay ang
inaasam nating libreng edukasyon. Hindi ito naisasagawa sa lahat ng paaralan dahil sa
kakulangan ng puhunan. Kulang ang perang nakalaan para sa edukasyon kung kaya’t hindi
makapagpagawa ng maraming paaralan, silid o hindi makabili ng libro. Hindi lamang ito
tumutukoy sap era. Tumutukoy din ito sa serbisyo. Halimbawa, ang inadequate investment na
mga nars dito sa Pilipinas dahil marami sa kanila ang nagtatrabaho sa labas ng bansa dahil na rin
sa kakulangan na matustusan at mabigyan ng mga sweldo ang mga nars.

 Macroeconomic Volatility and Political Instability

Ang kahinaan ng mga elemento ng makroekonomiks at ang kahulugang politikal sa bansa sa


iba’t ibang panahon ay nagtulak sa mga lokal at dayuhang maamumuhunan na huwag
magnegosyo sa bansa. Bunga dito ang mababang antas ng pamumuhunan na nagresulta sa
matamlay na industriya at mabuway na ekonomiya.

You might also like