You are on page 1of 8

Gumawa ng isang balita gamit ang mga detalye.

Si Senator Christopher “Bong” Go ay nagpaunlak ng isang interbyu tungkol sa lumubog na motor tanker
sa Naujan Oriental Mindoro nuon nasa Tatalon sa Quezon City habang tinutulungan niya ang mga
nasunugan na mga pamilya.
Sa dulot ng lumubog na motor tanker idiniin ni Sen. Go na nababahala siya sa mga kalusugan at
kaligtasan ng nga apektado ng oil spill .
Kaya hinahamon niya ang mga awtoridad na pagbayarin ang responsible sa insidente.
Dahil sa oil spill hindi lang mga mga apektadong pamilya kung hindi maging ang isda at iba pang marine
life ay maaring malason at sa mga taong kakain nito.
Nakikiusap din siya sa gobyerno na na gawin ang lahat para maging safe ang lahat.
Mga pahayag niya:
Sinabi ni Go na ang lawak ng spill ay nagpapahirap sa paglilinis, na nangangailangan ng paglahok ng
mga entity na may kadalubhasaan at kakayahan sa problemang ito.

“Haba ng oil spill na ‘yan, napakahirap pong linisin n’yan so dapat po ay gawan ng paraan kung sino po
ang may kakayahan,” sabi ni Go.

“Who caused the oil spill, kayo po ang gumastos at tulungan po, of course, ng gobyerno para mapabilis,”
dagdag niya.

Make a news using the details


The senators and the congressmen wanted to increase the salary of private employees across all regions.
The Across-the-Board-Wage is a Senate Bill 2002 that seeks a pay increase of 150.00 nationwide was
filed by Senate President Juan Miguel Zubiri on Monday.
Zubiri’s Statement:
"If workers are putting in hours and hours of labor, day after day, and yet are still unable to afford their
rent, bills, and basic necessities, then there is a problem," Zubiri said in a statement.
Although Regional Wages and Productivity Boards decide on the minimum wages in the private sector,
they are constrained to issuing only one wage order per year, unless they declare supervening conditions,
Zubiri added.
The entire private sector, agricultural and non-agricultural are all covered for the proposed wage hike.
The Makabayan bloc gave on Tuesday a bill calling for 750.00 wage hike.
The Gabiel Party-List and ACT Teachers Party-List, and Kabataan Party-list also filed House Billis 7568
The current minimum wage is too low to cope the family living wage that’s why the lawmakers are
calling for extremely urgent.
NAGPAHAYAG ng pagkabahala si Senator Christopher “Bong” Go sa kalusugan at kaligtasan ng mga
apektado ng oil spill dulot ng paglubog ng isang motor tanker sa bayan ng Naujan sa Oriental Mindoro
noong Pebrero 28.

Kaugnay nito, hinimok ni Go ang mga awtoridad na panagutin ang mga responsable sa insidente.

Sa isang panayam matapos tulungan ang mga biktima ng sunog sa Barangay Tatalon sa Quezon City,
idiniin ni Go, chair ng Senate committee on health, na ang epekto ng oil spill ay higit pa sa mga
apektadong indibidwal.

Ang mga isda at iba pang marine life aniya ay maaaring malason ng langis at posibleng makapinsala sa
sinumang makakonsumo sa kanila at sa ecosystem sa kabuuan.

“Dapat po ay gawin ng gobyerno ang lahat. Hindi lang po ang mga kababayan natin ang apektado dito.
‘Yung mga isda, kakainin ‘yun, kung safe pa bang kainin ang mga isda,” ani Go.

Sinabi ni Go na ang lawak ng spill ay nagpapahirap sa paglilinis, na nangangailangan ng paglahok ng mga


entity na may kadalubhasaan at kakayahan sa problemang ito.

“Haba ng oil spill na ‘yan, napakahirap pong linisin n’yan so dapat po ay gawan ng paraan kung sino po
ang may kakayahan,” sabi ni Go.

“Who caused the oil spill, kayo po ang gumastos at tulungan po, of course, ng gobyerno para mapabilis,”
dagdag niya.

Nanawagan siya sa gobyerno na tiyakin na ang resources ay maima-maximize sa cleanup effort at


panagutin ang responsableng partido sa kanilang mga aksyon.

“Dapat gawan ng paraan at managot ang sanhi ng oil spill. Gastusan n’yo po para malinis ‘yan. Kawawa
ang mga ordinaryong mamamayan,” iginiit ng senador.

“Tayo nga, nililinisan natin ang coastal, bawal na magtapon ng plastic sa karagatan, ito pa oil, ang hirap
nitong linisin.”

Kabilang sa mga apektadong bayan sa Oriental Mindoro ang Naujan, Pola, Pinamalayan, Gloria, Basud,
Bongabong, Roxas, Mansalay, at Bulalacao, ayon sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and
Management Office.

Isinailalim na sa state of calamity ang pitumpu’t anim na barangay sa buong munisipyo dahil sa pinsalang
dulot ng oil spill.
Noong Marso 4, iniulat ng Philippine Coast Guard na umabot na sa isla ng Caluya sa Antique ang oil spill.
Dahil dito, idineklara ito sa ilalim ng state of calamity noong Marso 6.

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga kinauukulang ahensya na bantayang mabuti ang
sitwasyon at gumawa ng mga kinakailangang hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng langis. lalo sa
mga tourist spot.

Metro Manila (CNN Philippines, March 14) — Lawmakers from the Senate and House of Representatives
are pushing to raise the wages of employees in the private sector across all regions.

Senate President Juan Miguel Zubiri on Monday filed Senate Bill 2002, or the Across-the-Board Wage
Increase Act of 2023, which seeks a pay increase of ₱150 nationwide.

The proposed wage hike will apply to the entire private sector, agricultural and non-agricultural,
regardless of capitalization and number of employees.

Meanwhile, the Makabayan bloc submitted on Tuesday a bill calling for a ₱750 wage hike.

"Workers ought to receive higher remuneration for all their hard work," the explanatory note read.

House Bill 7568 was filed by Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas, ACT Teachers Party-list Rep. France
Castro, and Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel.

The call to increase wages has "become extremely urgent" to "close the gap between the current
minimum wage and the calculated family living wage" nationwide, they said.

Citing think tank IBON Foundation, the Makabayan bloc said the ₱570 minimum wage in Metro Manila is
only 49.1% of the ₱1,161 family living wage in the country.

Last January, the country's inflation rate accelerated to 8.7%, the fastest since November 2008.

READ: PH inflation heats up further to 8.7% in January

However, it slightly decreased in February to 8.6%.

The last legislative wage increase was approved under Republic Act No. 6727, or the Wage
Rationalization Act of 1989, which granted a ₱58 to ₱89 minimum wage from a ₱33 to ₱54 daily pay.
KINUMPIRMA ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na pinayuhan niya si Negros Oriental
Rep. Arnie Teves na umuwi ng Pilipinas sa lalong madaling panahon.

Napaulat na si Teves, na ang pangalan ay nakakaladkad sa brutal na pagpatay kay Negros Oriental Gov.
Ruel Degamo at siyam na iba pa noong nakaraang linggo, ay nasa Estados Unidos.

Ang biyahe sa labas ng bansa ni Teves na lampas sa Marso 9, ay hindi na otorisado ng House of
Representatives at ang tanging opsiyon nito ay umuwi na lamang ng bansa.

“His travel outside the country beyond March 9 is no longer authorized by the House of
Representatives,” dagdag pa ng pinuno ng Kamara de Representantes.

Naniniwala rin si Speaker Romualdez na mas makabubuting umuwi si Teves.

“Makabubuti na ring umuwi na si Cong. Arnie para harapin ang pagkakadawit ng pangalan ng kanilang
pamilya sa pagkamatay ni Gov. Roel Degamo,” aniya pa.

Binigyang-diin niya na nais ng lahat na marinig ang kanyang panig dahil bukod kay Degamo, ay maraming
buhay ang nawala dahil sa naturang karumal-dumal na krimen.

“We all want to hear his side of the story. Maraming buhay ang nawala maliban kay Gov. Degamo,”
pahayag pa ng mambabatas mula sa Leyte.

Tiniyak rin naman ng House Speaker na hindi titigil ang pamahalaan upang kilalanin at panagutin ang
mga taong nasa likod ng naturang krimen.

“Umamin na ang mga nahuling salarin sa partisipasyon nila sa krimen at hindi titigil ang pamahalaan
para kilalanin at panagutin ang mga nasa likod ng brutal na krimeng ito,” paniniguro pa niya.

Solong napanalunan ng isang taga-Cebu ang mahigit P16.3 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola
ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Huwebes ng gabi.
Ayon sa advisory ng PCSO, matagumpay na nahulaan ng lucky winner ang six-digit winning combination
ng Lotto 6/42 na 06-18-26-29-17-11 kaya’t naiuwi nito ang katumbas na premyo na P16,319,245.20. Ang
Lotto 6/42 ay binubola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.

Sinabi ni PCSO Vice Chairman at General Manager Melquiades Robles na nabili ng mapalad na mananaya
ang kanyang lucky ticket sa Mandaue City, Cebu.

Para makubra ang kanyang premyo ay pinayuhan ni Robles ang lucky winner na magtungo sa punong
tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City, kung saan kailangan rin umano nitong iprisinta ang kanyang
lucky ticket at dalawang valid ID.

Napag-alaman kay Robles na ang mga lotto winnings ay pinapatawan ng 20% tax sa ilalim ng Tax Reform
for Acceleration and Inclusion Act (TRAIN Law).

Sakaling di makubra ang jackpot prize sa loob ng isang taon ay awtomatiko itong mafo-forfeit at
mapupunta sa kawanggawa.

Muling hinikayat ni Robles ang publiko na patuloy na tangkilikin ang kanilang PCSO games, partikular na
ang lotto, upang magkaroon na ng pagkakataong maging susunod na milyonaryo, ay makatulong pa sa
kawanggawa

You might also like