You are on page 1of 2

Ano ang Implasyon?

Ito ay tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga


produkto sa pamilihan. Sinasabing ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa
pamilihan ay kaakibat na ng ating buhay. Ang implasyon ay isang suliranin na
kinakaharap ng maraming bansa sa daigdig. Ito ay hindi na bago, kahit noong
Panahong Midyebal, ang presyo ay tumaas ng apat na doble sa Europe.
Mayroon ding tinatawag na hyperinflation kung saan ang presyo ay patuloy na
tumataas bawat oras, araw at linggo na naganap sa Germany noong 1920. Maging
ang Pilipinas ay nakaranas ng ganitong sitasyon sa panahon ng pananakop ng
Hapon kung saan ang salapi ay nawalan ng halaga dahil sa napakataas na presyo
ng mga bilihin.

Inflation sa Enero, tumaas pa sa 8.7%; higit sa


inaasahan ng BSP
Inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Martes na sumirit sa
8.7% ang inflation rate nitong Enero, 2023. Higit ito sa inaasahan ng Bangko
Sentral ng Pilipinas (BSP) na nasa 7.5% hanggang 8.3% lang.
Sinabi ni National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa, ang January 2023
inflation rate ang pinakamabilis mula nang maitala ang 9.1% inflation rate noong
November 2008.
"Ang pangunahing sanhi ng mas mataas na antas ng inflation nitong Enero 2023
kumpara noong Disyembre 2022 ay ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng
Housing, Water, Electricity, Gas and Other Fuels," paliwanag ni Mapa.
Sinabi naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na inaasahan na bababa na ang
inflation rate dahil umano sa pagbaba naman ng presyo ng mga produktong
petrolyo at mga agricultural product.
“As I said, the importation of many of the agricultural products, which have been a
large part of the inflation rate... as we have already taken some measures so that
the supply will be greater and so that will bring the prices down but that will take
a little time. And as my continuing estimate or forecast is that by – we can see the
lowering of inflation by the second quarter of this year,” dagdag niya

You might also like