You are on page 1of 1

Implasyon sa Pilipinas, mga hamon,

hakbang tungo sa Ekonomikong Pag-


angat?
‘Mahirap maging mahirap’ — Isa sa suliraning patuloy na hinaharap ng mga Pilipino ang labis na pag taas
ng mga bilihin, dulot ng Implasyon sa bansa. Ayon sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA),
umabot sa 4.2% ang inflation rate ng bansa noong Enero 2024, na mas mataas kaysa sa target ng Bangko
Sentral ng Pilipinas (BSP).

Kahit na may mga hakbang na ginagawa ang gobyerno upang mabawasan ang epekto ng implasyon,
patuloy pa rin ang hamon na dulot ng pagtaas ng presyo, gaya ng sa langis na tumaas ng P2.80 ang kada
litro patunay lamang sa epekto ng implasyon lalo na't nakikipaglaban ang rating bansa sa pandaigdigang
merkado (Global Market). Ang pagtaas ng presyo ng langis ay nagreresulta sa mas mataas na halaga ng
transportasyon at mga pangunahing kalakal, na nagdudulot ng pagtaas ng gastusin sa pang-araw-araw na
paglalakbay ng mga mamamayan.

Ang papel ng bawat sektor sa lipunan ay mahalaga upang masolusyonan ang suliranin ng implasyon.
Kinakailangan ang maingat na koordinasyon ng pamahalaan, pribadong sektor, at mamamayan upang
makabuo ngprograma na makatutulong sa paglaban sa mga sanhi ng pagtaas ng presyo. Sa pangunguna
ng BSP at iba pang ahensiyang pang-ekonomiya, umaasa tayo na mabilis na makababangon ang bansa
mula sa hamon ng implasyon at mapanatili ang sigla ng ekonomiya.

You might also like