You are on page 1of 2

DOMINGO, Lance Jazekmiel M.

BS Legal Management L4A

ANG EPEKTO NG PAGTULOY NA PAGTAAS NG PRESYO NG MGA BILIHIN SA PAMUMUHAY NG MGA LIPENO.

Introduksyon

Hindi maitatanggi na mayroong kinakaharap na krisis pinansiyal ay ekonomikal ang bansa. Mapapansin natin ang patuloy
na pagtaas ng presyo ng bilihin mula sa presyo ng sibuyas, pamasahe, gasolina, at de lata. Kung maikukumpara sa mga nagdaang
taon, mapapansin natin na malaki ang itinaas sa presyo ng lahat ng bilihin kaya nais ng manunulat ng papel na ito suriin ang epekto
ng inplasyon sa pamumuhay ng mga tao sa siyudad ng Lipa (Lipeno).

Ayon sa artikulo na ipinublish ng IMF o International Monetary Fund, ang inplasyon ay sumusukat ng pagtaas ng presyo
ng mga bilihin na kadalasan ay ikinukumpara sa mga datos mula sa mga nagdaang taon. Ayon sa kanila, ipinupuksa ng inplayon
ang mga bansa sa pangmatagalang pagkawalang-bahala. Dahil rito, nais ng manunulat suriin ang estado ng mga Lipeno sa harap
ng hamon ng inplasyon.

Alinsunod sa mga nabanggit na punto, nais ng papel na ito sagutin ang mga katanungang:

● Paano naapektuhan ng inflation ang mga billihin ng mga Lipeno?


● Gaano kalaki ang epekto ng inflation sa araw-araw na pamumuhay ng mga Lipeno?
● Ano-ano ang mga solusyon na ginagawa ng mga Lipeno kontra inflation?

Sa pagsagot sa mga nakasaad na katanungan, nais ng manunulat ng papel na ito na masuri ang estado ng mga Lipeno
kaharap ng isyu ng inplasyon, at ang mga ginagawang hakbang ng mga Lipeno kontra dito. Nais ng manunulat ng papel na ito na
magamit ang mga datos na makakalap sa pagsulat na ito ng mga manunulat ukol sa isyu ng inplasyon sa pang-hinaharap.

Kaugnay na Literatura

Alinsunod sa mga layunin ng papel na ito na sagutin ang mga katanungan ukol sa paksa ng inplasyon, nangangailangang
alamin ang estado ng bansa at ng siyudad ng Lipa hingil sa paksang ito. Ayon sa Philippine Statistics Authority, o mas kilala bilang
PSA, tumaas nang walong porsyento (8%) ang inflation rate sa bansa mula Oktubre 2022 hanggang Nobyembre 2022. Nabanggit
din ng PSA na ito ang pinakamataas na pagtaas ng inflation rate sa loob ng isang buwan mula Nobyembre 2008.

Kasunod nito, ayon din sa PSA, ang inflation rate naman ng probinsiya ng Batangas ay 3.9% sa loob ng tatlong buwan
mula Enero hanggang Marso taong 2022. Ayon sa kanila, tumaas ang presyo ng pananamit nang 2.9%, at ang pabahay, tubig,
kuryente, gas, at ibang langis nang 8.8%.

Marahil dito, maaari nating sabihin na bumaba ang kapasidad ng mga Pilipino na bumili ng mga bilihin at bayaran ang
mga bayarin. Ito ay masusuportahan ng balita mula sa Al Jazeera na pinapahirapan ng inplasyon ang pamumuhay ng mga Pilipino.
Ayon sa ulat ng Al Jazeera, umaabot ng sampung dolyar o mahigit kumulang 550 pesos ang presyo ng isang kilong sibuyas. Isa na
ito sa halimbawa ng pinansiyal na delubyo na dala ng inplasyon sa bansa.

Metodolohiya

Upang masuri pa nang maayos ang estado ng mga Lipeno kaharap ang isyu ng inplasyon, nais ng manunulat ng papel na
ito na suriin ang mga mamamayan ng Lipa, o mga Lipeno, gamit ang sarbey. Ang sarbey na ito ay isasatupad ng manunulat ng
papel sa anyo ng kwalitatibong pormat. Gamit ang sarbey na ito, karagdag sa pagmamasid sa siyudad ng Lipa, nais ng manunulat
na makahango ng ideya hingil sa estado ng Lipa.

Maaaring piliin ng manunulat ang mga kalahok sa sarbey gamit ang Random Sampling Method o metodo kung saan
walang kategoryang gagamitin sa pagkuha ng kalahok. Lahat ng indibidwal sa siyudad ng Lipa ay maaaring maging kalahok sa
sarbey anuman ang kanilang edad, oryentasyon, at ari. Nais ng manunulat kumuha ng tatlong-daang (300) kalahok para sa sarbey
na ito bilang mga representatib ng buong populasyon ng siyudad ng Lipa.

Matapos makalap ang datos, maaaring maanalisa ang mga ito gamit ang CFIR Memo Codebook. Ang codebook na ito ay
magsisilbing gabay sa paguusisa ng mga nakalap na datos kung saan bawat responde ay titimbangin ayon sa kanilang kadalasang
sagot at kaayunan.
Implikasyon ng Pag-aaral

Sa wakas ng papel na ito, inaasahan ng manunulat na masagot lahat ng katanungan hingil sa estado ng mga Lipeno sa
harap ng matinding inplasyon. Ang mga sagot na ito ay inaasahang makatulong sa mga awtoridad at mananaliksik na maaaring
mangailangan nito. Inaasahan din ng manunulat ng papel na ito na magamit ang mga datos na nakalap sa mga papel pananaliksik
na susulatin ng mga manunulat sa pang-hinaharap.

Nawa ay magsilbi ang papel na ito bilang istatistikal riserts kung saan magagamit ang mga datos para sa mga
pang-hinaharap na desisyon pinansiyal. Nawa ay magamit din ang mga datos at resulta ng papel na ito ng mga awtoridad sa
pagsasagawa ng batas upang makatulong sa mga mamamayan ng Lipa bilang sagot sa inplasyon.

Talaan ng Sanggunian:

https://www.imf.org/en/Publications/fandd/issues/Series/Back-to-Basics/Inflation

https://psa.gov.ph/statistics/survey/price/summary-inflation-report-consumer-price-index-2018100-november-2022

http://rsso04a.psa.gov.ph/article/special-release-batangas-provinces-summary-inflation-march-2022

You might also like