You are on page 1of 4

Radio Broadcasting Script

Station I.D:
NEWS ANCHOR 1: Clarence Salazar
NEWS ANCHOR 2: Joss Jonota
NEWS PRESENTER 1: Patricia Vhalerie R. Culaniban
NEWS PRESENTER 2: Christian Castillo
TECHNICAL DIRECTOR: Empress Lavilla

Anchor 1: Balitang walang pinipiling Lugar


Anchor 2: Walang pinipiling oras
Anchor 2: Mula sa bulwagang pambalitaan, ito ang numero uno radyong masa ng Filipino,
hatid ang balita at serbisyo para sa pagbabago
Anchor 1&2: ________
Anchor 1: Magandang araw, mga kagalang-galang na tagapakinig! Inyong sinusundan ang
[name ng Radyo], ang inyong mapanlikha at mapanuri na programa ng balita at
aliw. Ako nga pala si Clarence Salazar, handang magbigay ng kaalaman at
katuwaan sa inyong umaga.

Anchor 2: At ako naman si Joss Jonota, nagpapaalala sa inyo na tayo'y narito upang
magbahagi ng mga kwento't impormasyon na hindi lamang makabuluhan kundi
nakaaaliw din. Sa ating paglalakbay ngayong ika-6 (anim) ng Marso, 2024,
samahan ninyo kami sa isang masaya at makabuluhang pagbabalita.

Anchor 1: Narito ang mga nagbabagang balita sa oras na ito.


(Insert flash effect)
Anchor 1: para sa balitang national, Ang sitwasyon sa karapatang pantao sa Pilipinas ay
nananatiling mabigat sa gitna ng mga extrajudicial killings, attacks against political
activists and journalists
(Insert flash effect)
Anchor 2: para sa balitang lokal, Taal volcano Vog' Nagdudulot ng Panganib sa Kalusugan
at Pang-araw-araw na Buhay
(Insert flash effect)
Anchor 1: para sa balitang consyumer, Inflation rate umapaw lalo sa 6.1%; presyo ng
pagkain itinuturong dahilan
(Insert flash effect)
Anchor 2: Para sa balitang showbiz. Paolo Contis at Lj Reyes hiwalay na. Yen Santos kabit
nga ba?
Anchor 1: para sa balitang national, Ang sitwasyon sa karapatang pantao sa Pilipinas ay
nananatiling mabigat sa gitna ng mga extrajudicial killings, attacks against political
activists and journalists

N.R 1: “Una sa ating mga balita, patuloy na hinaharap ng Pilipinas at ng mga Pilipino ang
isang masalimuot na sitwasyon sa karapatang pantao o ang Human rights n gating
bansa. Sa kabila ng mga hakbang at batas na inilunsad upang tugunan ang mga
isyung ito, hindi pa rin natatapos ang mga kaso ng extrajudicial killings, at mga atake
laban sa mga aktibista at mamamahayag sa asting bansa. Malakas na tinutulan ng
mga organisasyon ng karapatang pantao ang mga karahasang ito, anupat
inuudyukan ang gobyerno na agad na kumilos upang protektahan ang karapatan ng
mga mamamayan. Sa gitna ng kaguluhan, lumalakas ang internasyonal na presyon
habang lumalim ang mga diplomatikong usapan, na nagpapalakas sa
pangangailangan para sa pananagutan at katarungan. Sa kabila ng mga hamon,
patuloy na naglalakbay ang boses ng pagtutol at paghahabol sa hustisya sa ating
bansa.” Sigaw ng nakararami? “Aktibista, hindi terorista”

Anchor 2: para sa balitang lokal, Taal volcano Vog' Nagdudulot ng Panganib sa Kalusugan at
Pang-araw-araw na Buhay.

N.R 2: Sa paglipat naman ng ating pansin sa lokal na eksena, ang mga residente at bisita sa
Taal Batangas ay nahaharap sa isang bagong hamon nitong Marso 2024. Ang
volcanic smog, o 'vog', ay bumaba sa lugar, nagdudulot ng panganib sa kalusugan at
nagpapabago sa pang-araw-araw na buhay. Ang environmental na pangyayari na ito,
sanhi ng interaksyon ng mga gas mula sa bulkan sa sikat ng araw at oxygen, ay
nagtulak sa mga awtoridad na maglabas ng mga babala sa kaligtasan at ipatupad ang
mga hakbang upang mabawasan ang epekto nito. Habang nagkakaisa ang mga
komunidad upang harapin ang hamon na ito, ang mga siyentipiko at ekonomista ay
masusing binabantayan ang sitwasyon, sinusuri ang epekto nito sa ekosistema at
kalusugan ng tao. Bilang mga katuwang sa pagtataguyod ng kaligtasan, tayo'y
nagtutulungan upang harapin ang mga hamon na ito.

Anchor 1: Radyo _______


Anchor 1: Patuloy ang pagbabalita pagkatapos ng anunsyong ito.
(Informercial)

Anchor 2: Radyo
(slight radio music effect)
Anchor 2: para sa balitang konsyumer, Inflation rate umapaw lalo sa 6.1%; presyo ng pagkain
itinuturong dahilan
N.R 1: Tumulin lalo ang pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo sa Pilipinas nitong
Setyembre, bagay na pangunahing itinutulak ng presyo ng pagkain. Umabot kasi sa
6.1% ang kabuuang inflation rate ng Pilipinas noong Setyembre 2023, bagay na
malayo sa 5.3% na naitala isang buwan bago ang naturang panahon. ayon sa
philippine statisctics authority, Ang uptrend sa pangkalahatang inflation noong
Setyembre 2023 ay pangunahing idinulot ng mas mataas na taon-sa-taon na pagtaas
sa mga heavy-weighted na pagkain at non-alcoholic na inumin sa 9.7% noong buwan
mula sa 8.1 porsiyento noong nakaraang buwan. Nangyayari ang lahat ng ito sa
kabila ng pagtatangka ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na
mapababa ang gastusin ng mga Pinoy sa pamamagitan ng price ceiling sa presyo ng
bigas at pagbibigay ng fuel subsidy sa mga tsuper at operator ng pampublikong
sasakyan. Una nang sinabi ng Bangko Sentral na posibleng mapanatag ang
September 2023 inflation sa pagitan ng 5.3% hanggang 6.1% dahil na rin sa mas
mataas na presyo ng langis, kuryente, agricultural commodities at pagsabay ng mas
mababang halaga ng piso. Lumalabas na 6.6% na tuloy ang national average inflation
simula Enero hanggang Setyembre ngayong taon, malayo sa 2% hanggang 4%.
Nangyayari ang lahat ng ito kahit na isa sa mga kinampanya ni Bongbong ang
pagpapababa ng presyo ng bigas sa P20/kilo habang tumatakbo pa sa
pagkapresidente.

( slight radio music effect )

Anchor 1: Para sa balitang showbiz. Paolo Contis at Lj Reyes hiwalay na. Yen Santos kabit
nga ba? Alamin ang mga sumusunod na detalyeng ibabahagi ni Christian Castillo,
magbabalita
(insert radio entertainment music)
N.R 2: Mga beshy. Alam niyo ba ang bagong chismis ng bayan? Mag-asawang artista Paolo
Contis at Lj Reyes hiwalay. Ayon sa talent manager at batikang manunulat sa showbiz
na si Lolit Solis, hiwalay na ang kanyang alagang aktor na si Paolo Contis at LJ
Reyes. Oh no! (with emotion sa voice). Sa Instagram ni Solis nitong Linggo, sinabi
nito na walang "hird party" sa hiwalayan ng dalawa. Marin din ang naging pagsabi ni
Solis na walang kinalaman ang aktres na si Yen Santos sa naging paghihiwalay ng
kanyang alaga at ni Reyes. Ows? Di nga? Matatandaang nagkasama sa pelikulang "A
Faraway Land" sina Contis at Santos. Ani Solis, may sariling kuwento ng pag-ibig si
Santos. Diba nakakaintriga. Ito ang inyong chikadorang mambabalita Christian
Castillo, nagbabalita, balik sayo Clarence.

Anchor 1: Ito na po ang ating pag-uulat para sa araw na ito. Inaasahan namin na ito ay
nakapagbigay sa inyo ng kaalaman at aliw. Ako po si Clarence Slazar.
Anchor 2: At ako naman po si Joss Jonota.. Maraming salamat sa inyong pakikinig at sama-
sama nating haharapin at pakinggan ang mga darating pa na hamon. Magandang
araw sa inyong lahat!

You might also like